Byahe 30

1.5K 37 14
                                    

Hello guys!
Nalalapit na po ang pagtatapos mga ilang Chapter nalang ang meron, ano kayang mangyayari sa kanila Brian and Ian?

Nasan na si Tina?

Anyways!
Please Votes and Comments again!!

Saka paki-FOLLOW naman ako dito 😂✌🏻

Enjoy reading!!

______________________

Araw ng pag alis namin tinuon ko ng anniversary namin, bago pa kami dumating yung araw nakapag handa na ako, ibibigay ko na ba o hindi pa? Hahaha!

Nagpagawa din ako ng couple bracelet, dahil 8 ang number namin ang pendant niya hugis infinity.
[see photo sa taas]

Araw ng pag alis namin lahat ng gamit ko naka packed na, si Ian naman laging cellphone ang hawak, hinayaan ko nalang alam ko naman na walang ibang ka kausap yun baka mga classmates niya dahil graduating na nga.

Gamit namin ni Ian yung car, pasadong alas 7 ng umaga kami umalis para hindi traffic.

Tahimik habang nasa byahe kami ako naman nakatulog siya busy sa pagmamaneho, ginigising niya lang ako para mangulit dahil nakanganga daw ako.

Pasado alas 2 na kami nakarating at sobrang ganda na miss ko ang tunog ng dagat yung simoy ng hangin at araw na ang lakas makasunog ng balat hahaha.

Dumiretso na kami sa room na pinareserve ko para makapag ayos na din ako nag half bath konte para fresh naman, si Ian hawak nanaman ang cellphone, medyo naiirita na ako.

"Ano? Yan ba pinunta natin dito? Cellphone ka ng cellphone." Habang inaayos ko mga gamit ko.

"Sorry baby hindi na ako mag cellphone promise" sabay taas ng kamay.

"Bilisan mo na ayusin mo na yung gamit mo dahil nagugutom na ako" pagsusungit ko sa kaniya

Habang nakatayo ako sa may kabinet at nilalagay ang mga gamit ko bigla akong niyakap ni Ian na kinagulat ko.

"Baby" aniya ni Ian.

"Oh bakit?"

"Sorry na"

"Eh kasi naman tayo nga magkasama pero yung mukha mo laging nakatutuk diyan sa cellphone mo, sino bang kausap mo?" Tanong ko

"Yung mga classmate ko lang may pinag uusapan lang about sa graduation" at humarap ako sa kanya.

"Totoo?"

"Totoo po promise" sabay yakap ko sa kanya.

"Tara na punta tayo dun sa resto kain na tayo nagugutom na talaga ako" sabay irap ko sa kanya

Papunta na kami sa resto pero wala pa din kaming imikan, tinititigan ko siya sobrang seryoso palagi, pinapakiramdam ko siya pero wa-epek.

Nang matapos kaming kumain agad kaming bumalik sa room namin para makapag palit ng pang langoy.

Hila-hila ko siya papunta sa beach pero di siya naligo, alam mo yung dalawa na kayong magkasama tapos KJ pa! Nakakainis! Sa sobrang inis ko iniwan ko siya naglibot nalang ako sa resort.

May nakita akong nag dedeliver ng mga flowers ang gaganda, sa isip-isip ko baka may event, tinignan ko kung san i-dedecor yung mga flowers, sa may likod ng hotel ang itsura open area na over looking yung dagat, daming chairs basta ang romantic tignan. How I wish sana maranasan ko din to, ang swerte ni ate gurl ang sweet ng jowa!
INGGETERA!!!

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon