Byahe 14

2.6K 51 1
                                    

--- BRIAN POV ---

Matapos kong titigan ang mga mga towel na yun, hindi ko pa din maalis sa isip ko na imposible talagang si Matt yun, hindi ba galit siya sakin tapos ayaw niya pa sakin kaya imposible talaga.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko kelangan kong lumabas ng mahinga ng maayos hindi ako mapakali dito.

Nagpaalam ako kay Mommy na lalabas saglit para makapag pahangin tutal wala din naman akong pasok kinabukasan gusto ko lang mag relax ng isip, bago ako lumabas ng bahay may naririnig akong parang nag aaway sa labas ng gate namin.

"Ian? Anong ginagawa mo dito?"

"Bibisitahin sana kita kaso may maangas dito eh" tugon na Ian, saka ko tinignan yung lalaking kaaway niya

"Matt? Ikaw ba yan?" Nagulat ako pero anong ginagawa niya dito, ibang iba na siya ang laki ng pinag bago niya, mas lalo siyang naging pogi, lumaki din ang katawan niya.

"Kilala ko tong maangas na to?" Biglang bulalas ni Ian

"Brian..." biglang binanggit ni Matt ang pangalan ko

"Matt? Anong ginagawa mo dito? Saka anong nangyayari dito?" Pagtataka ko pa din kasi hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko.

"Brian, pwede ka bang makausap?" Nagsalita siya ulit pero nakatingin pa din ako sa kanya, natameme ako hindi ko alam kung anong isaaagot ko mga ilang sigundo din atang walang nagsasalita samin

"Teka, bakit ka kakausapin ni Brian? Sino ka ba?" Pagbasag ni Ian sa katahimikan, pagbalik ko din sa wisyo ko at tumingin kay Ian, nakikita kong naiinis siya

"Ian, tama na!" Pagpigil ko sa kanya kasi parang may iba na siyang gagawin, huminga ako ng malalim para medyo maging relax ako iba naman kasi ang balak ko kaya ko gustong lumabas eh, iba pa pala madadatnan ko at dagdag pa lalo sa iniisip ko, minabuti kong ipakilala si Matt kay Ian.

"Ian, si Matthew, kaibigan ko nung high school"

"Matthew si Ian ka--" dugtong ko ng biglang sumingit si Ian

"Boyfriend niya" nagulat ako sa sinabi ni Ian, bigla ko din tinignan si Matt at nakita kong nagulat din siya

"Ian! Ano ba! Pasensya na kaibigan ko lang yang baliw na yan" pag hatak ko sa braso ni Ian

"Soon to be Boyfriend" hindi pa din tumigil si Ian ng di ko mapigilan binatukan ko ang mokong

"Aray! Bakit totoo naman ah"

Tinignan ko ulit si Matt nakita kong lumungkot ang mata niya, hindi ko ma explain pero parang naramdaman ko na totoo yung mga nasa mata niya.

"Ahh sige Bri, sasusunod nalang alis na ako" bigla siyang nagpaalam pipigilan ko sana siya para makapag usap kami.

"Teka Matt!" Pagtawag ko sa kanya kaso bigla akong hinawakan sa kamay ni Ian

"Bri, sino ba siya?"

"Bitawan mo ko! Ano paulit-ulit tayo? Kaibigan ko nga ng High School, tsaka bakit mo sinabing Boyfriend kita? Nababaliw ka na ba?" Bulalas ko bigla kasi gusto ko din sana siya makausap gusto kong tanungin kay Matt kung sa kanya ba galing yung mga Towel kasi hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko yung mga matang yun.

"Sorry" nasabi nalang nalang ni Ian

"Sorry? Ano ba Ian! Tsaka ano bang ginagawa mo dito?" Medyo naiinis pa din ako kasi hindi ko alam kung anong pinag gagawa nito ni Ian

"Gusto lang sana kita makita" nang napayuko si Ian at humawak sa likod ng ulo niya.

"Makita? Jusko naman Ian araw-araw na tayong nag kikita sa School, bigla ka nga lang sumusolpot kung saan-saan eh, lagi mo akong hinaganap tapos kulang nalang itali ko ako sayo para di ako mahiwalay sayo, di ko alam kung ng gagawin ko Ian alam mo ba--"
Mahaba kong litanya ng tumalikod ako hinatak niya ako at niyakap at siilin ng halikan

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon