Byahe 24

2.1K 51 14
                                    

A/N: Guys! Ito na po ang UD ko! Again thank you po ulit sa mga readers! Pilit kong hinahabaan ang kada-UD ko, sana po magustuhan nyo!

P.S: Sa mga nagtatanong sakin sa PM about sa Sonya's Garden yes po! Totoo po siya I've been there na po sobrang ganda po talaga, masyadong expensive nga lang po actually parang boundery na siya ng Tagaytay and Batanggas, alfonso parang ganun.

VOTES and COMMENTS po ulit ah!

ENJOY READING!!! 😘😍
__________________________

Hindi ko ginusto si Matt na masaktan, masakit din para sakin pero yun ang nakikita kong tama, ayokong maging unfair.

Lunes na, wala akong kagana-ganang kumain ng umagahan kasama ni mommy, naiisip ko pa din si Matt, yung nangyari kagabi. Gusto ko siyang kausapin, napabuntong hininga ako ng malalim

"Nak, ang lalim ah" na'ng mapuna ni Mommy, napatingin ako sa kanya

"Ma, tama lang naman ang ginawa ko diba?" Bigla kong napatanong kay mommy

"Ang alin?" Takang tanong ni Mommy

"Si Matt po kasi"

"Nakuh! Anak, alam kong tama yang desisyon mo kung ano pa man yan, kilala kita" paglapit sakin ni mommy at niyakap ang ulo ko.

"Kung nasaktan mo siya, hayaan mo muna, kung mahal ka talaga niya maiintindihan ka niya" dugtong ni Mommy

"Thank you Ma!"

Tapos na akong kumain at nagpaalam na kay mommy para pumasok, sinalpak ko sa tenga ko ang headset ko at nagkinig nalang ng music.

***

Nakadating na ako ng school at ordinary day nanaman para sakin, since patapos na din ang 2nd semester ko ngayong 3rd year, karamihang ginagawa nalang namin eh puro review dahil sa Finals namin, palapit na din ang semestral break.

"Beshieee!" Di na ako nagulat kasi alam ko naman kung sino ang laging palatili.

"Ano nanaman? Jusko naman lagi bang dapat may pagtili ang sakit na sa tenga!" Reklamo ko

"Grabe naman to!" Sabay pulupot sa braso ko, hinayaan ko nalang

"So balita? Anong nangyari sa date nyo?" Dugtong niya

"Nino?"

"Wait what? Nino? Meaning yung dalawa na date ka na agad? Nakakaloka!"

"Sira! Sila naman may gusto, sumama nalang din ako"

"Ay iba din siya! Ikaw pa naging choosy ah!" Habang naglalakad kami ni shielo papasok ng room

"Sige na kwento mo na, dami pang arte"

Nakwento ko na din lahat kay Shielo yung tungkol sa date namin ni Ian, parehas ni mommy na mas kinikilig pa kesa sakin

"Pakatapos? Sheeeet! Kinikilig ako! May nangyari ba?"

"Siraulo! Wala ngang nangyari" hila ko sa buhok niya at senyas na hinaan ang boses

"Bayan! Kala ko ba naman!" Dismayadong mukha ni shielo

"Syempre gusto ko ibibigay ko sa taong siya na talaga"

"Brian Mahal kita" biglang sumagi nanaman sa utak ko yung katagang yun na sinabi ni Ian.

"Sus! Eh bakit di pa ba siya?" Tanong ni shielo at napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko alam.... pero sana" tugon ko pero pahina ang boses

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon