Byahe 18

2.4K 84 9
                                    

--- BRIAN POV ---

Lumipas ang ilang araw at medyo naging ok naman ang lahat wala masyadong nakakastress na mga gawain sa school pero ang malupit kabaligtaran naman sa mga pinag gagawa nila Ian at Matt, ang weird nila nitong mga nakaraang araw.

May time na bigla ngang susulpot si Ian, sasabay naman tong si Matt, parang kabute narin si Matt, nagugulat nalang ako nandyan na sa harap ko.

Pinag titinginan ako ng mga kapwa namin studyante hindi ko alam parang pinag chichismisan na nila ako.

Kumakalat na din na si Ian daw yung Varsity player ng basketball na nagkakagusto sakin, hindi na din siya masyadong nag sasama sa mga team mates niya wala naman naging agwat sa kanila nung nalaman nilang nanliligaw nga ito sakin, mukang ok naman.

--- TINA POV ---
Madami na akong narinig na balita na si Baklang Brian daw pinag kakaguluhan ng dalawang lalaki? Aba bwesit na baklang to.

"Ses alam mo na ba yung chismis dito sa campus?" Balita sakin ng kaibigan kong si Yrish

"Oo alam ko na yan late ka na masyado alam mo yun?" Pabalang kong tugon na naiinis

"So anong balak mo? Si papa Ian bakla din pala" pangiinis niya

"Tumigil ka dyan! Akong bahala sa baklang brian na yun"

--- BRIAN POV ---
6pm na at uwian na din sa wakas balak ko sana mag mall at bibili ng mga hygiene eme mo kasi mauubos na.

Bago ako makalabas ng school bigla akong hinarangan nila Tina kasama ang dalawa niyang kaibigan

"Hoy bakla!" Sigaw ni tina sakin, napatingin ako sa kanya mainit ang titig niya sakin

Hindi ko nalang pinansin kaya gumilid ako at tuloy sa paglalakad

"Hoy! Kinakausap kita!" Bigla niyang hatak sa braso ko.

"Bitawan mo ko" tinitiis ko gusto kong magtimpi

"Tssk! Bakit sino ka ba sa akala mo?" Bigla ko siyang tinignan sa mata niya.

"Bakit ba? Anong kelangan mo sakin?"
Inis kong tugon sa kanya

"Tigilan mo ang paglandi kay Ian!"

"Paglandi? Teka bakit ano ka ba niya?" Di na ako makatiis kaya pinatulan ko na tutal malapit na din naman akong maka graduate saka ok lang mawala ako sa varsity scholar padin naman ako extra curriculum ko lang naman yun.

Napatitig siya sakin sa tanong ko.

"Oh diba wala lang ma-say? Sa susunod wag lang mag iiskandalo dito ng di ka napapahiya" mataray kong sagot sa kanya at hatak ng braso ko

"Aba't ponyeta ka matapang ka ah" bigla niyang hinila ang damit ko patalikod at natumba ako.

"Brian!" Sigaw ni Shielo ng makita akong naka upo sa sahig at tinulungan akong makatayo

"Ano bang problema nyo?" Sigaw ni shielo

"Oi nandito na pala ang bestfriend niya" singit ng isang kasama ni Tina

"Yang baklang yan ang problema dito, pagsabihan mo na tigilan si Ian dahil sakin lang siya" mataray na sigaw samin ni Shielo

"Ano? Sayo lang? Teka ganyan ka ba ka disperada para manghamak ng iba? At kelan pa naging sayo si Ian? Ganyan ba ang nagiging paguugali pag di nakakatikim ng lalake?" Hindi ko alam kung san nang galing ang galit ni shielo pero bigla akong napatingin sa kanya dahil sa mga sinabi niya.

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon