Byahe 28

2.6K 75 55
                                    

A/N: Hi mga my Loves! Pasensya na talaga sa late UD ulit! Hahahaha! Meron pa ba kayong pasensya? Madami lang po talagang ginagawa, pag may free time naman po ako nag draft ako para kahit papano naduduktungan ko, sareh na po ah!

Thank you sa mga patuloy na pagbabasa!

COMMENTS and VOTES po ah!

Enjoy reading!! 😘-----------------

--- IAN POV ---
Sa wakas ga-graduate na ako sakto pa at kami ang champion kaya sobrang saya magkakaruon pa kami ng Victory party kaya nag plano kami ni coach na mag Party kami yung tipong maeenjoy naming mga kasama ko na graduating nadin.

Gusto ko sana kasama si Brian kaso may mga sarili din siyang lakad tapos yung Gig pa niya, kaya sabi niya na siya nalang susundo sakin kinabukasan.

**

Nasa resort na kami ng mga ka team mate namin yung ibang kasama namin nag sama ng kani-kanilang mga girlfriend, ako lang ata saka si Matt ang wala.

Mabilis na dumaan ang oras at di ko na din namalayan na maghahating gabi na din tinamaan na din ako ng alak nun kaya nag paalam na ako na mauuna na akong magpahinga, tutal yung iba ayaw na din magpakalasing, si Matt naman natulog na din dahil umpisa palang lagok na ng lagok ng alak.

Pumasok ako ng kwarto ko at nahihilo hilo na ako, huminga na ako sa kama ng hindi na nakapag palit ng damit dahil sa kalasingan.

Nakatulog ako ng di ko namamalayan, nang pumikit ako nakita ko ang mukha ni brian sa at napangiti ako mahal na mahal ko talaga siya, hinding hindi ko siya sasaktan, ipagtatanggol ko siya sa kahit sinong gustong manakit sa kanya.

Sa sobrang lalim ng tulog ko napaginipan ko na si Brian, katabi ko daw siya magkayakap kami masaya kaming dalawa, hanggang hinalikan ko siya.

"Uuggghhmm"

"Brian..."

Yan ang mga nasabi ko habang naghahalikan kami.

Hanggang sa nakatulog kami ni Brian ng magkatabi.

**

"Ian?" Narinig ko ang boses ni brian na tinatawag ako, medyo nagising na ako at nag unat ako, nakita ko siya sa gilid ng kama na nakatingin sakin.

"Uggghhhhnn!" Tapos may biglang yumakap sakin na babae na kinagulat ko

"Ian? Sino yan? Sino siya?" Naguguluhan na tanong ni Brian sakin, maski ako naguguluhan dahil sa hindi ko alam ang nangyayari

"Wait? Sino ka?... what the f*ck Tina!?"
Napabalikwas ako at napasigaw ng makilala kung sino itong babae

"What? I know you enjoyed last night"
Yumapos pa sakin lalo si Tina

Hindi ako makapag salita, hindi ko alam pano napunta dito si Tina, gusto ko siyang itulak, nakita kong nakatitig lang si Brian at nagkuyom ng kamay

"Oh hi brian, kamusta na?"
Sabat ni Tina ng makita niya si Brian

Agad akong tumayo sa kamay kahit na baka boxer lang ako, walang saplot si Tina, imposibleng may nangyari samin ni Tina, imposible talaga, lumapit ako kay Brian at hinawakan siya sa kamay.

"Brian, dont think na may nangyari samin, hindi ko alam na nandito siya" nakatingin lang siya sakin at nangingilid ang luha, ayokong isipin ni Brian na may nangyari samin, pilit siyang kumalas sa pagkakahawak ko sa kanya, at tumakbo siya palabas ng kwarto

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon