Byahe 4

4.4K 71 4
                                    

A/N: Sorry po kung masyadong late na ang update kahit alam ko iilan lang nag babasa sanay po patuloy nyong subaybayan ang kwento. Busy lang po.

----------------------------------------------

FINALS na at mag uumpisa na hell month naming mga 2nd year student na ga-graduate na ng Associate, kelangan walang bagsak dahil baka mawala ako sa scholarship ko, at sunugan ng kilay ulit.

Si Ian naman busy na para sa susunod na season ng Inter-Colleges. Kami naman after finals pa kasi karamihan samin ga-graduate ng Associate.

Napapadalas ako ngayong finals sa Library kasi dun lang marerelax ang utak ko para matutukan ko lalo na yung mga major subject ko, One time pauwi na ako dumaan muna ako ng Locker dahil para kunin ang rubber shoes ko, gusto ko lang mag jogging sa oval namin para kahit papano mabawasan ang stressed ko sa pag-aaral.

Saktong iilan lang ang tao sa oval at medyo makulimlim, at may iilan na nag jojogging din mga galing labas siguro kasi pwede naman gamitin ang oval basta sa oval lang sila.

Mga ilang minuto ng pag jojogging ko may isang lalaki na nasalikod dahil sa may nakasalpal na headset sa tenga ko di ko nalang pinansin pero parang pakiramdam ko pilit nya akong kinakausap, hanggang sa nauna na siya biglang humarap sakin, ako naman si tanga muntik na madapa dahil sa gulat ko si Ian pala, hindi ko alam kung anong itsura ko pero yung pawis ko kanina tagaktak biglang parang naging malamig na tubig dahil sa sobrang kaba.

"Kanina pa kita sinusundan di ka man lang nalingon sakin yun pala may headset na nakasalpak" wika niya

"Hhhaaa!? Ano?" Hindi ko pa pala natatanggal ang headset ko pero natakbo pa din kami. Bigla niyang tinuro yung headset ko.

"Ay sorry! Anong sabi mo ulit?" Tanong ko.

"Ahh wala sabi ko makikisabay sana ako kako kaso gusto mo ata magisa"

"Ay hindi ok lang naman pasensya na nagtatanggal lang ako ng stressed sa katawan"

"Hmmm. Stressed? Saan?"

"Ahhhmm sa study medyo kinakabahan ako baka di makapasa"

"Makakapasa ka nyan tiwala lang" sabay kindat

Nakarating na kami kung nasan ang gamit ko dahil medyo di ko na alam kung anong itsura ko bigla ko nalang kinuha ang towel ko at umupo.

"Ahhmm sige alis na ako may gagawin pa pala ako."

"Tapos ka na? Parang wala pang isang oras na nandito ka ah"

"Ehh kasi may naalala lang ako" kime kong sabi dahil sobrang kinakabahan ako at takbo papalayo.

"Oi wait lang!"

Ano ba Brian anong nangyayari sayo?  Bakit parang kang timang at di ka nanaman mapakali nakita mo lang si Ian? Ano ba!!!????

Sa sobrang kakamadali ko at pagkabalik sa locker para kunin ang iba kong gamit at ilagay ulit ang rubber shoes ko di ko namalayan na naiwan ko pala ang tumbler ko bigay pa naman din yun ni Shielo sakin, magagalit nanaman sakin yun. At nag pasya akong bumalik sa oval kahit alam kong baka andun pa si Ian.

Pag balik ko ng oval sobrang konte ng tao at may dalawa o tatlong nag jojogging, binalikan ko yung inupuan ko kanina pero di ko makita yung tumbler, nalungkot ako at naupo nalang.

"Hays! Nasan na kaya yun? Magagalit nanaman sakin si shielo" bulong ko sa sarili ko.

Tahimik.
Medyo madilim na.
Ng biglang.

"Bri!..."

"Huh!?"
Pag tingin ko sa kinaruruonan ng boses, hindi ko masyadong makita dahil medyo madilim at malayo siya.

Kumakaway at may hawak na parang bote. Tumakbo siya papalapit sakin at....

"Kanina pa kita hinahanap sa locker room kaso di na kita naabutan" hingal niya

"Ian?..."

"Ano kasi naiwan mo tong tumbler mo kakamadali mo kanina"

"......" nakatitig sa kanya, tipong parang inuukit ko ang muka niya sa isip ko.

"Hahabulin sana kita kaso tumakbo ka naman."

Wala pa din akong imik dahil hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko para akong natameme sa sobrang kaba..

"Bri! Oi! Ok ka lang? May problema ba?"

Pag balik sa katinuan ko.

"Ahhh ano kasi, ay! Oh!.. Salamat.. kanina ko pa hininahanap to" bigla akong napatayo at para akong baliw kung anong gagawin at aalis na sana ako bigla nyang hinawakan ang braso ko napahinto ako at...

"Alam mo..."

"Hah?"

"Alam mo lagi ka nalang natakbo pag nakakaharap ako may problema ka ba sakin?"

"Ano kasi.." hindi makatingin at parang sasabog ang dibdib ko.

"Ano kasi ang ano?"

"Kasi may gagawin pa nga ako diba kaya nag mamadali ako, pasensya na!" At pag hila ko sa braso para makawala ng bigla naman akong nadapa.

Ano ba brian ang tanga mo naman!

"Bri! Ok ka lang?"

"Aray ko! Ang sakit!"
Pag tingin ko sa siko may dugo.

"Brian may sugat ka!" Taranta niya.

"Oo nga kita ko nga" pag pilosopo kasi masakit talaga.

"Sorry ah, tara punta tayo clinic tapos hatid na kita"

"Hindi ok lang. malayo sa bituka, ako nalang kaya ko naman."
Pagtanggi ko pero mapilit siya.

"Basta hahatid kita kasalanan ko naman di na sana kita pinigilan."

Inalalayan nya akong tumayo dun ko napansin na may masakit sa paa ko.

"Sheet! Masakit yung paa ko!"

"Hala mukang napilayan ka pa ata."

Inakbay niya ang kamay ko sa balikat niya para makapag lakad ako ng maayos.

Nakarating na kami ng clinic, nagamot ba yung sugat ko at nalagyan ng plaster ang paa ko.

"Brian, sorry talaga ah."

"Ok lang iwan mo nalang ako, ok na ako tatawagan ko nalang si shielo para samahan ako pauwi"

"Hindi!, sabi ko diba ako mag hahatid sayo?" Medyo papilit niyang sabi.

"Sabi ko nga!"

Nanahimik nalang ako.

"Wait lang ha, dito ka lang muna sa clinic kunin ko lang yung sasakyan"

"Wait! Teka sasakyan?" Bulong sa sarili ko pero nung nakaraan nakasabay ko siya jeep? May sasakyan naman pala.

Mga ilang saglit ay nakabalik na siya at kinausap ang Nurse ng school namin.

"Tara na, alalayan nalang kita"

"Teka! Sure ka ba talaga?"

"Oo nga! Tara na!"

Nang makarating kami sa labas ng clinic may mga nakatingin at nakita ko si Shielo, kumaway at lalapit sana kaso nakita niya na kasama ko si Ian. At ngumiti ng mapang-asar.

Oo na may utang akong kwento sayo wag ngayon! Hahahaha!

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon