Byahe 25

2.1K 62 14
                                    

A/N: Hello, UD na ulit, thank you sa mga patuloy na natutuk sa story ko, favor naman po, sana umabot ng 15-20 votes tong last UD ko, yung lang naman po, sana po magustuhan nyo.

VOTES and COMMENTS po ulit ah!

NOTE: May mga maseselan pong eksena ngayon sa part na ito, pakiusap kung hindi nyo po gusto, wag nalang pong basahin, salamat!

ENJOY READING PO! 😍😘
________________________

Naging kami ni Ian, dahil ito ang nararamdaman ko, masaya at masarap sa pakiramdam na may nagmamahal sayo at handa kang ipaglaban.

Kumalat na din sa buong campus namin ang balita dahil nga kilala si Ian sa school, may mga naiinis, naiingit at nagagalit dahil sa mga bakla daw kami, lalo na yung mga bakla at babaeng may gusto kay Ian. Bilid din ako kay Ian dahil hindi niya pinagpapansin.

Araw-araw niya akong sinusundo sa bahay, actually hatid sundo, kahit mas maaga uwian nila kesa namin, dahil nga 4th year na siya wala na silang masyadong ginagawa more on thesis nalang, naiisisingit niya pa din ako.

Simula ng kumalat yung balita na yun, hindi ko na din nakikita si Matt, pag naaalala ko siya nalulungkot ako kaibigan ko din kasi siya. Magkasama kami ngayon ni Ian, lagi kaming napapadaan sa building ng institute nila Matt, napapabuntong hininga nalang ako.

"Bri, ok ka lang?" Napansin pala yun ni Ian.

"Yeah" maikli kong tugon, bigla siyang humarap sakin.

"Bri, I know you. Alam mo tuwing napapadaan tayo dito lagi kang ganyan" tinignan ko lang siya sa mata

"Wala, naaalala ko lang si Matt" yumuko nalang ako

"Bakit naman?"

"Syempre naging kaibigan ko din naman yun, saka gusto ko ibalik yung pagiging friends namin," yumakap siya sakin.

"Sige for you hanapin natin siya para makapag-usap kayo, ayoko naman na nakikita kang ganyan"

Medyo gumaan ang pakiramdam ko, sweet niya no? Hindi niya pinagkakait kay Matt na kahit magkaibigan kami ok lang sa kanya.

Hinanap nga namin siya kaso mukang nakauwi na ata, sinabihan ko nalang si Ian na ako nalang ang bahala makipag-usap kay Matt.

Hinatid na ako ni Ian samin, pasado 7pm na din nun, naisipan kong lumabas saglit at pumunta sa park, mahangin din kasi dun at nakakarelax, sa hindi inaasahan, natanaw ko si Matt sa di kalayuan, tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Matt!!" Sigaw ko at lumingon siya.

Napahinto siya habang papalapit ako.

"Matt, pwede ba tayong magusap?" Wika ko pero di pa din siya nagsasalita at nakatitig lang sakin, tumalikod siya at aalis na sana pero hinawakan ko ang braso niya.

"Matt, please?"

"Ano pa bang paguusapan natin?" Medyo galit niyang tugon

"Matt, gusto kong mag sorry" binitawan ko na siya, at siya namang tingin sakin

"Sorry, kasi nasaktan kita, sorry kasi hindi ko kayang ibigay yung katulad na binibigay ko sakin, gusto ko lang naman na ibalik yung pagkakaibigan natin eh" nangingilid na yung luha ko

"Brian, nung oras na yun na pinahalagahan kita, minahal kita, at binalewala ko ang tingin ng ibang tao sakin, simula nun hindi na kaibigan ang tingin ko sayo, mahal kita, kaso mas pinili mo si Ian," nakita kong nagkuyom ang kamay niya

"Alam mo gustong-gusto kong magalit sayo, kaso hindi ko magawa, gusto kitang murahin, gusto kitang saktan, pero ng dahil sa putang inang puso na to hindi ko magawa" naramdaman ko yung galit sa sarili niya at dinuduro ang kanyang dibdib

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon