Byahe 22

2.3K 68 17
                                    

A/N: Hello po ulit sa inyo! Maraming salamat po sa inyo na nagugustuhan nyo yung story, aaminin ko, medyo boring yung nga ibang chapter pero, sinadya ko din kasi gusto ko nakita yung nga nagsusubaybay talaga. Sana po patuloy nyo pong magustuhan ito! Ilang chapter nalang din ang natitira kaya inaakyat ko na paunti sa climax.

AGAIN THANK YOU SO MUCH!!

VOTES and COMMENTS po sana ulit!

ENJOY READING PO!! 😘
_________________________

Ang sarap ng tulog ko, ang sarap din kasi sa pakiramdam yung lamig, parang ang lakas maka-fresh, pupungas-pungas ako, pag mulat ng mata ko bigla akong nakaramdam ng malakas na hinga sa ulunan ko, pag angat ko ng mukha ko, nakita ko si Ian, nayakap sakin SHEEET!! Nakayakap din pala ako, nanlaki ang mata ko, napakalapit niya sakin, nasa may bandang dibdib niya ako, dahan-dahan sana akong babangon kaso biglang humigpit yung yakap niya at dumikit lalo mukha ko sa dibdib niya. GRABE PWEDE BANG MATUNAW NALANG AKO NG BIGLA?

Hindi pa din ako makagalaw, yung dibdib ko parang may malaking drum na tuloy tuloy sa pag tambol.

"Good Morning Bri" nagulat ako kasi bigla siyang nagsalita tapos hinigpitan nanaman yung yakap niya, tapos humiwalay at tumingin sakin, ako naman tameme pa din, di ko alam ang sasabihin ko.

Tapos nakita kong lalapit yung mukha niya sakin, bigla akong bumalikwas at umupo sa gilid ng kama.

"A-ah ano... good morning! Oh yes! Morning!" utal kong tugon tapos tumakbo ako sa banyo.

Juice colored ano ba tong nangyayari sakin!!! Bulong ko sa utak ko sabay kamot sa ulo ko, 9am na pala ang haba din ng tulog namin, naghilamos na ako, di ko napansin na ang tagal ko na pala sa banyo, hindi ko kasi alam ang ikikilos ko pagkaharap ko tong lokong to!

"Bri? Matagal ka pa? Pagamit naman ng banyo" narinig ko si Ian tapos ako ayon nakaupo pa din sa toilet.

Tumayo ako at akmang bubuksan na ang pinto pero yung kabog ng dibdib ko di mawala wala.

Pagbukas ko, nasa tapat na pala ng pinto si Ian, natulala ako, ENEBER!! Bakit wala siyang pangitaas tapos naka sukbit sa balikan niya yung towel niya.

GUSTO KONG HIMATAYIN!!!

Tulala pa din ako

"Bri?"

Tulala

"Oi Bri?"

TULALEY!

"Brian!" Sabay hawak niya sa balikan ko para bumalik yung wisyo ko

"O-oh yes? Oh! ay! sige ikaw na pala gagamit pasensya na" palusot ko para akong timang nawawala ako sa sarili ko. Yummy kasi! Kainis!

Nakita ko siyang gumiti na parang ewan, papasok na sana siya ng magsalita ulit.

"Bri"

"Yes?" Di ko na nilingon

"Prepare ka na kasi mag brunch tayo ng 11am"

"Ahh sige"

Tinignan ko yung mga gamit na binigay sa kanya ni Mommy, aba kompleto, 3undies, may pamalit, pati hygiene kit ko, taka ko lang bakit pati trunks ko saka rash guard ko sinama? Siguro baka sakali may swimming pool dito.

Nag 3/4's shorts nalang ako tapos white polo shirt, hindi na din naman masyadong maginaw kaya ok na din.

Nakita kong may veranda pala tong room na nakuha namin, pumunta ako at nagulat ako sa mga nakita ko, napakaganda, sobrang daming flowers, iba-ibang klase, ang sarap ng hangin pati ng amoy, parang walang pollution, yung sinag ng araw sarap din sa balat, saktong sakto ang tahimik at napaka coozy.

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon