Byahe 26

2.3K 57 25
                                    

A/N: Hello po! Pasensya na po at ngayon nakapag UD, marami lang po talagang ginagawa.

P.S: Marami pa pong magaganap sa buhay ni Brian, mga pagsubok, medyo mabibilisan ko ata ang phasing ng story Hahabaan ko na po ang kada UD ko per part.

PA VOTES & COMMENTS PO ULIT!!!

ENJOY READING PO!!! 😘
__________________________

Nagising ako sa sobrang liwanag, masakit sa mata, tama pala ng sinag ng araw mula sa bintana, lumingon ako sa paligid ko, nasa hospital na ako, nakita ko ang isang lalaki sa may upuan, agad niya akong nilapitan ng mapansing may malay na ako

"Ohh gising ka na pala, wag ka na muna bumangon you need to rest more" tinignan ko ulit ang mukha niya.

"Salamat," tugon ko sa kanya

"You know, I really dont know you, i dont even know your name, i dont know the whole story about what happen to you, I saw you naked at the road you look like beaten to death." Mahaba niyang eksplika

Naalala ko nanaman ang pangbababoy sakin nung dalawang lalaking yun, hindi ko nakita ang mukha nila, ni wala akong palatandaan kung sino sila, naiyak nanaman ako sa sobrang takot, at sakit na nararamdaman

"Hey! What happen? Did i say something wrong?"

"Sorry," hindi ako makapagsalita, natatakot pa din ako.

"Dont worry your safe here, last time I saw you sa national bookstore, nalaman mo nga name ko pero ikaw hindi ko alam" may pagka-straight forward magsalita.

"Brian," maikli kong tugon

"Ok?... so meron ka bang family, kasi wala akong information about you, hindi ko alam kung sino tatawagan ko na kamag-anak mo"

Napatingin ako sa kanya, mukhang mabait naman siya, at makapagkakatiwalaan,

"Pwede makihiram ng phone mo?"

Agad niyang binigay sakin ang phone niya, inalalayan niya akong makaupo, masakit pa din ang tagiliran ko, dinail ko ang number ni mommy,

"Hello" tugon ng ni mommy sa kabilang linya, tumulo nanaman ang luha ko,

"Mommy" naluluha kong tugon

"Anak ikaw ba yan? nasan ka? Bakit di ka umuwi kagabi? Nagaalala ako sayo" si mommy

"Mommy, puntahan mo ako dito please!"

"Bakit ka naiyak? Nasan ka ba? Kasama mo ba si Ian?" Ng binanggit ni mommy ang pangalan ni Ian, mas napahagulgul ako sa iyak, kinuha ni Luke ang phone niya at siya na kumausap kay mommy, pinaalam kung nasan ako.

Nakadating na si Mommy, iyak siya ng iyak, ng malaman niya ang lahat, nagpasalamat din siya kay Luke, ayaw ko man paalam kay Ian ang nangyari pero natawagan na pala ni Mommy.

"Brian!" Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto dahil sa pagdating ni Ian na hahangos-hangos.

Agad siyang lumapit sakin, tumingin siya kay luke, bigla niya itong kinwelyuhan.

"Anong ginawa mo kay Brian!" Inawat ni Mommy si Ian.

"Ian wala siyang kasalanan dito," sigaw ko, binatawan niya ang kwelyo ni Luke.

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon