Byahe 12

2.6K 45 4
                                    

Habang iniisip ko lahat ng mga sinabi ko kay Ian, hindi pa rin ako mapakali dahil hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko, may kutob ako na may ibang mangyayari.

"Bri? Ok ka lang?" Pag bitaw sakin ni Ian sa pagkakayakap.

"Ah-h Oo ok lang ako"

"Alam mo masaya ako"

"Masaya?" Pagtatanong ko

"Basta masaya lang ako"

Ano bang naisip ng mokong na to at parang iba siya.

--- TINA POV ---

Hay sawakas tapos na din ang inter school pero di pa din tapos ang mga binabalak ko, pupunta sana ako ng locker room para kunin ang iba kong gamit at baka sakaling makita ko si Ian dun at di ako nagkamali nakita ko yung basketball team na palabas ng locker room.

"Hi boys! Nakita nyo ba si Ian?"

"Oo andun pa sa locker room may kausap ee"

"Ah ganun ba sige salamat" hmm sino kaya kausap ni Ian

Pag dating ko ng Locker room nakita ko siyang nakatalikod at mukang may kausap nga, lumapit ako ng konte upang marining ang mga pinag uusapan nila, narinig ko ang boses ni Brian, ang baklang talaga na yun.

"Hindi nga!" Ng marinig kong sumigaw si Brian, lumapit pa ako ng konte ang sinilip at para pakinggan sila

"Hindi pala eh! Bakit iniiwasan mo ako?" Tugon ni Ian

"Dahil naguguluhan na ako! Hindi ko na alam kung anong iisipin ko, hindi ko na alam kung ano ba talagang nandito, nahihirapan ako" bigla bulalas ni Bri, ang bakla to may gusto kay Ian? At teka wag mong sabihin na may gusto din si Ian?

"Naguguluhan saan?" Patuloy ko pa din sila pinapakinggan

"Ah wala kalimutan mo na mga sinabi ko"

"Kalimutan?"

"Ano kelangan lahat ng sasabihin ko dapat second voice ka? Paulit ulit ah!" Abat pilosopo ang bakla!

"Naguguluhan din kasi ako sa mga sinasabi mo, hindi ko din maintindihan, ipaintindi mo sakin"

"Ano slow ka ba ngayon? Naiwan ba utak mo sa court?" Naiinis na tugon ni Bri

Nakita kong parang may binulong sa sarili si Ian, nababaliw na ba tong baklang to? At talagang si Ian pa?

"Ano yun?"

"Wala! ang sabi ko naguguluhan ako sa nararamdaman ko sayo hindi ko alam kung susundin ko ba tong andito o hindi kasi ayoko ng masaktan!" Aba naman!

Lalapit na sana ako ng makita kong may ibang paparating may lalaki din sa gilid na nagtatago din, di ko maaninag pero parang nakikinig din.

Hindi pwede to kelangan gumawa ako ng paraan, nakakadiri tong baklang to! Humanda ka sakin.

--- BRI POV ---

Matapos kong aminin lahat ng mga nararamdaman ko kay Ian, lahat ng pakikitungo sakin ni Ian ay nag iba.

Tapos na din ang intercolleges at lahat kami nag ka-cramming para sa lahat ng subject na kelangan namin habulin ang daming deadlines na project.

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon