Byahe 11

2.8K 59 6
                                    

Bago ako pumasok ng bahay, nakita ako ni Mommy.

"Oh anak andito ka na pala"

"Hello Mommy!" Pag bati ko sa kanya

"Aba mukang masaya, anong meron?" Pagtatanong niya

"Ahmm. Wala naman po"

Derederetso akong pumanhik sa kwarto ko at hindi maalis sa mukha ko yung ngiti.

~

4:30am palang nagising na ako naunahan ko pa ang alarm ko, hindi ko alam pero sobrang excited ako nag ready na ako naligo na at inayos lahat ng mga gamit ko at nilagay sa gym bag ko

Pag baba ko para kumain ng umagahan napansin agad ni mommy na iba ang aura ko.

"Good Morning Ma!"

"Ang ganda ng umaga ng isa diyan ah" wika ni mommy na tipong nang aasar

"Mommy!"

"Oh bakit? Ano bang meron ang saya-saya mo?"

"Ma! Last game na ngayon ng Basketball syempre kelangan Good Vibes lang dapat sa umaga kasi Booster kami ngayon" mahaba kong paliwanag.

"Yun ba talaga?" Pagdududang tanong ni Mommy

"Yup! Bakit mommy kelangan ba may ibang dahilan?"

"Hindi naman, iba lang kasi ang Aura mo ngayon"

"Nakuh si Mommy! Sige na po aalis na ako! Thank you sa food!"

Nagkiss ako sa pisngi ni mommy bago umalis

"Ingat ka anak!"

~

Pagkadating ko ng School, ang dami ng taga ibang school ang nagdadatingan dahil Home Court namin ang gagamitin sa Last Game.

Bago ako dumating sa locker room para mag bihis, may isang lalaki nanaman ang nagbigay sakin ng Towel at Tubig pero bago siya makaalis hinawakan ko agad siya sa braso.

"Teka! Kahapon ka pa eh! Sino ka ba?" Tanong na medyo naiirita na.

"Ah-h ano kasi nautusan lang ako" sagot ng lalaki

"Nautusan? Bakit? Sino nag utos sayo?" Ng bigla niyang hinila ang braso nila upang makawala.

"Hoy! Teka lang!" Pasigaw na naiinis na

Sino ba kasing tong taong to?. Tinignan ko ulit yung binigay sakin at yung towel parehas nung nakaaraan na binigay sakin parang kadugtong nung puzzle pero hindi ko pa din marecognize eh, black white and brown lang nakikita ko.

Isinang tabi ko nalang muna dahil may gagawin pa ako sa araw na to nilagay ko nalang sa locker ko.

Pagkatapos ko mag bihis dumiretso na ako sa Gym kung san gaganapin ang last game sobrang ingay na kanya kanya ng hiyawan ang mga tao hindi pa man naguumpisa ang game, kanya kanya din patugtug ng mga Drums ang kabilang school para sa Booster nila.

"Bes! Dito tayo sa kabila dun ang pwesto natin" bigla hila sakin ni shielo para pumunta sa pwesto ng school namin kasama ang ibang studyante

Priiiiit

Tumunog na ang wistle at kasunod ang makapalakas na Buzz, hudyat na maguumpisa na ang laro

The game started already at nasa second quarter na, lamang ang kalaban pero alam ko di papatalo ang School namin.

DEFENCE! DEFENCE! DEFENCE!

Sigaw ng mga kalaban.

Habang tumatagal bumabawi ang Tigers at nakakahabol naman.

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon