Byahe 20

2.2K 72 22
                                    

--- BRIAN POV ---

"Manliligaw po kami kay Brian" ayan, ayang salitang yan paulit ulit sa utak ko hindi ko alam pero parang talagang tumigil yung mundo ko, tulala na ewan mababaliw na ako sa mga nangyayari, ilang saglit ng may narinig kaming sigaw mula sa pintuan at may patiling nakakarindi sa tenga.

"HANTARAY BESHIE KO!!!" Ang naghuhumding sigaw ni Shielo na nakapag pabalik sa wisyo ko, promise napatakip ako ng tenga ko dahil parang natanggal ng di ko sinusundot yung tutulili ko.

"Ay sorry! Hello po tita!" Pahumanhin niya ng makita si Mommy.

"Ano ka ba Shielo nakakagulat ka" biglang singhal ni Mommy dahil nakakagulat naman kasi talaga, tumayo  si Mommy at hinila si Shielo palabas kasama siya, nakita akong kinindatan ni Mommy, alam ko na yun kasi ganun na kami para ma gets.

"Wait! Tita, oy Bes choose wisely! Hahaha!" Sumigaw nanaman ang hunyemas at nangantyaw pa.

Hindi ako makatingin sa kanila ng deretso, pag titingin ako iiwas sila ng tingin, ako naman ganun din. Huminga ako ng malalim kasi para kahit konte marelax ako

"Ahhemmm... anong tong ginagawa nyo?" Tanong ko sa kanila, actually nanginginig ako.

"A-hh ano" si Ian

"Kasi ganto kasi" si Matt parehas pang na nauutal

Dahil sa sobrang tensyon sa luob ng bahay, tumayo ako at hinila yung dalawang wala pa din ang imik, bakas sa mga mukha kung bakit ko sila hinila, ako naman si pokerface.

"Please umuwi na muna kayo, ahmmm ganto actually nahihirapan ako... pwede kayang bigyan nyo muna ako ng time makapag isip? Ano kasi parang hindi pa talaga nag si-sink in sa utak ko eh" napayuko ako dahil hindi ko talaga alam kung ano pang reaksyon ang gagawin ko.

"Sige bri, di kita mamadaliin" nagulat ako kasi biglang hinawakan ni Ian ang kamay ko napatitig ako sa mga mata niya.

"Ok lang bri, sige pasok ka na ulit sa inyo" inagaw naman ni Matt ang kamay ko at siya naman ang nakahawak.

Hinatak ko ang kamay ko, at tumingin sa kanilang dalawa.

"Please... umuwi na kayo."

Agad naman nilang sinunod ang sinabi ko.

Agad akong pumasok sa bahay, pagbukas ko pa lang ng pinto sinalubong na ako nila Mommy at Shielo

"BES!!!!!" Tili nanaman ni shielo

"Ano ba yan shielo tama na kakatili ang sakit sakit na ng tenga ko" saway ko habang takip ang tenga at umupo ulit sa sofa

"Ito naman! Pero anong eksena at bakit nandito yung dalawa?" Pambubuyo niya dahil gusto nanaman makasagap ng chismis parang kanina lang bago ko siya ihatid sa kanila halos walang energy dahil naubos makipag sabunutan kay Tina tapos ito ngayon hyper na hyper kala mo naka droga ang bakla! Take note ah, enervon niya ang chismis lagi.

"Ano pa nga ba?" Sabay takip ko ng mukha ko.

"Nakakaloka! Ako na tong merlat dito tapos ikaw itong may lawit eh parang mas mahaba pa ang buhok mo sakin" pangaasar pa niya

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon