Byahe 2

6.5K 85 1
                                    

Nalimutan ko palang ipakilala yung lalaking nakangitian ko sa jeep hihihi.

Siya nga pala si Ian Rico Santos, isa siyang 3times na Defending MR. Campus sa school namin, isa din MVP ng basketball team namin, isa ding swimmer at madami pang iba. Oo talented siya gwapo, matangkad, moreno, matipuno, matalino at mabait, oo siya na! siya nang perfect, kaya madaming nakakandarapa sa kanya babae, bakla, at mga palihim na bakla charot! at yung iba naman assuming na kasi sa sobrang bait eh na-mimissinterpret ng mga assumerang palaka. Hahahaha.

Anyway balik na tayo sakin.

Nagdaan ang ilang araw at hindi ko na muling nasilayan ang ngiti niya.

ARAW na din tag-ulan talaga at promise sobrang tamad na tamad ako pag ganung panahon kasi alam naman ng lahat na napakasarap humilata pag tag-ulan.

Maghapon akong nasa school at sobrang daming ginagawa dahil na nga sa naghahabol ako, hindi ko na din alam ang uunahin ko, hindi na din ako maka-kain ng matino.

Hays.......

Naisipan kong sa pumunta ng canteen at dun nalang gawin yung mga bagay na dapat kong tapusin habang naglalakad ako patungo sa canteen at hirap na hirap sa pagbitbit sa mga gamit ko may bumanggang lalaki sa likod ko at nalaglag lahat ng dala-dala kong libro at folders, at nagkalat ito sa sahig.

"Ay anak ng kabayo naman oh, hindi kasi natingi---n e-ehh" ng bigla kong nakita

"Opps! Sorry, ang kulit kasi ng mga kasama ko. pasensya na." ani niya sabay tulong sakin sa pag damput ng mga nalaglag kong gamit.

Ako naman natameme at hindi alam kung anong gagawin kasi ba naman ilang araw ding hindi ko siya nakita at sa mga ganung pagkakataon pa diba?

"A-Ah.. Ok lang..." saglit kong salita.

"Tulungan na kita.. bakit naman kasi ang dami mong dala?"

"Eh kasi naghahabol na ako sa mga subject ko ee... ok lang ako nalang din kaya ko naman"

"Ok lang yan kasalanan ko din, nakatalikod kasi ako, ok ka lang ba?" tanong niya sakin at bigla kumabog nanaman ang dibdib ko ng napakabilis.

Bakit ba ako nagkakaganto? Minsan ko na nga lang siya makita OA pa pag kabog yung dibdib ko, pagkakatanda ko wala akong vibrator na nilagay dito ee. kainis!

"O-OK lang ako" hiya kong tugon.

Pagkapulot namin ng lahat ng gamit ko sabay akong talikod at umalis at nag mamadali, hindi ko na kasi alam kung anong itsura ko sa oras na yun, hindi ko alam kung namumula na ba ako at baka mapansin niya nakakahiya naman.

"Oy teka..."

Napahinto ako at hindi ko alam kung lilingon ba ako kasi nanginginig na talaga ako di ko na alam gagawin ko.

"Yung panyo mo oh.." naramdaman kong lumapit siya at inabot sakin ang panyo ko, lumingon ako pero nakayuko dahil nakakahiya ng tumingin.

"S-Salamat" Sabay alis.

-

PAGKADATING ko ng canteen naghanap ako ng pwesto na nasagilid at yung tipong hindi ako makikita dahil sa sobrang nginig ko sa pangyayari napaupo agad ako sa may silyang malayo-layo at di masyadong matao.

Napaisip ako na Ano na bang nangyayari sakin parang timang naman wari ng utak ko.

Nilapag ko lahat ng gamit ko at inayos ko muna bago ako mag hanap ng pagkain dahil na gugutom na talaga ako, sakto naman na nakita ako ng mga cheermate ko at pinuntahan ako sa table ko.

"Oi friend bakit nanjan tagong tago ka naman diyan!" sabi ni Shelo, isa pinagkakatiwalaan kong kaibigan na alam lahat ng keme ko sa buhay hahahaha.

"Eh kasi naman yung nakwento ko sayo nun? yung nakasabay ko sa jeep? yung si ano MR...?" Sunod sunod kong wika na natataranta.

"Saglit lang friend, hinay hinay lang, ako lang to oh! tarantula?"

"Eh kasi naman, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin, nakakaloka kasi ngayon ko lang naramdaman to. Promise!"

"Ang alin ba kasi friend? hindi kita magets, please ipa-intindi mo sakin"

"wait bibili muna ako ng pagkain dahil nagugutom na din ako wala ng tutunawin ang utak ko!"

At bumili nalang ako muna ng Footlong Sandwich dahil kelangan magtipid. Nangmakabalik ako iba na ang tingin sakin ni Shelo, tipong patanong ang tingin.

"Ang tagal ah, footlong naman ang binili!"

"Sorry ah!"

"Oh ano na ngang eksena ni MR.Ano?"

"Eh kasi ganto nga, kanina bago ako pumunta dito...." at kiniwento ko sa kanya lahat ng nangyari"

"Oh tapos anong nangyari?" Yung mata niya di mawari kung na eexcite o nangiinis o kinikilig.

"Ayon na nga, pangalawang beses ko palang siya nakikita pero iba eh, may iba akong nararamdaman"

"Hala friend! Crush mo?" biglang niyang sabi na pabulong pero lumapit siya ng konte.

"Ano!? Ewan ko. ano ba? malay ko!" Pagtatanggi ko, kasi pag sinabi ko na Oo alam ko na magiging reaksyon nito.

"Sus! Tinanggi pa! Kilala kita friend!" Pang iinis niya.

"Eh basta!"

Ano ba kasi talaga tong nararamdaman ko, crush? oo siguro crush pero OA naman kung grabe yung kabog ng dibdib ko nung nagkita kami. Saka imposible naman na magkagusto din siya sakin, Hello! Brian wag kang assumera, ang mga assumera - palaka lang! anas ng utak ko.

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon