Byahe 5

4K 79 6
                                    

Simula ng araw na yun lagi nalang akong kinakamusta ni Ian pag nasa Gym ako habang naglalaro sila, tapos may time pa na bigla siyang lalapit samin kasama mga ka team mates niya tapos magsasabi na galingan daw para sa Inter-Colleges Cheerdance Competition, yung mga ibang hitad naman naming mga babaeng cheermates todo ang pa-cute, syempre ako lalayo kasi ayoko ng nga ganung eksena kasi baka pagmulan ng issue, kasi alam ko yung captain namin patay na patay kay Ian.

"Hoy! Bakit andito ka? Andun si Ian oh!" Biglang gulat sakin ni Shielo.

"Ano naman gagawin ko dun?"

"Hay nakuh! Ano papayag ka bang agawin sayo nyan ni Tina si Ian?"

Si Tina ang team captain namin, sabi nila pinaka maganda daw sa campus namin pinang-sasalang din pag may nga Mr&Ms sa campus namin, talented halos lahat daw nasakanya kasi mayaman din, kwento lang naman yun ng iba. Ang kaso lang daw malandi, mataray at mapangmataas daw.

"Anong pinag sasabi mo jan?"

"Sus! Kitang kita naman yung mga tingin mo sa kanya!" Pang iinis nyang sabi.

"Ewan ko sayo! Mag stretching ka nalang jan!"

"Ay! Teka may hindi ka na ke-kwento sakin!"

"Ano naman yun?"

"Ano yung nakita nung nakaraan na sabay kayong lumabas ng clinic ni Ian? Anong kwento dun?!"

"Ahhh yun? Wala yung tinulungan nya lang ako"

"Tinulungan? Yung totoo?"

"Oo nga! Ikaw talaga kung anong makita mo lagi mong binibigyan ng meaning!"

"Eh ano nga kasi ang kwento? Naghihintay ako!"

Hanggang sa na kwento ko na lahat ng nangyari sa araw na yun dahil sa pagpupumilit ni shielo.

"Anoooo!!! Talaga ba?"
Pasigaw nyang tugon pagkatapos niyang marinig lahat.

"Hoy! Ano ba! O.A mo naman!"

"Nakakakilig kaya!" Bigla nyang hina ng toni ng boses nya.

"Anong nakakakilig dun? Ni hindi ko nga alam yung gagawin ko kasi mapilit siya eh!"

"Tapos? Anong pang nangyari?"

"Ayun nga, hinatid nya lang ako, tapos yun lang"

"Ay ganun lang? nakakabitin kala ko ba naman"

"Ano ka ba? Straight si Ian kaya wag kang assuming!"

"Ehh.... malay mo lang naman hahaha!"

Baliw talaga tong si shielo kahit kelan.

Natapos na ang training namin at pabalik na ako ng Locker Room para kunin lahat ng gamit ko para umuwi na din, at may narinig akong mga babaeng nag uusap sa labas ng Locked Room at sila tina pala.

"Ang pogi talaga ni Ian no? Jusko isusuko talaga ang bataan ko pag niligawan niya ako"

"Oo nga eh! Nakuh Tina dapat kayong dalawa ang ilaban sa Mr&Ms Inter-Colleges para pak na pak sa panalo"

Lovers in Jeepney (TAGALOG) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon