Chapter 1

705 11 2
                                    

"Calling the attention of Mr. De Vera, please proceed to the Dean's office now!"

"Good afternoon Sir Ramos! Bakit niyo po ako pinatawag?"

"Good afternoon Mr. De Vera! You're teaching Psychology, right?" tanong ni Mr. Ramos.

"Yes sir. Mayroon po bang problema? tatanggalin niyo na po ba ko sa trabaho ko? maawa po kayo sir! ako po ang nagpapaaral sa mga kapatid ko. Huwag niyo po muna akong tatanggalin.! 😭"

" HAHAHA! Masyado kang oa Mr. De Vera. Gusto ko lang sanang ibigay sayo ang block section ng FMA." sagot ni Mr. Ramos.

"Po? Block section ng FMA? yung puro bully sir? yung sikat na sikat na block section sa campus? "

"Tumpak! ang galing mo naman Mr. De Vera! hahaha! Well, as you can see.. hindi naman sila mga bobo. nakapasa nga sila ng ilang taon at ngayon ay 4th year na sila. Gusto ko lang sana na maka graduate sila na mayroong pagbabago sa attitude nila at ikaw ang iaassign ko doon. They are going to have this Psychology class every wednesday with you. Halos lahat kasi ng prof ayaw kunin yung section na yun at ikaw nalang ang natitira kong pag asa."

"Ahh sir, once a week lang naman po diba? ilang oras po ba? At ano po ba talagang gagawin ko doon? magtuturo lang po ba about psychology?" tanong Mr. De Vera

"Isa't kalahating oras lang naman. Actually, hindi yun ang purpose ko. Gusto ko sanang kilalanin mo sila isa-isa. At alamin mo kung bakit ganoon ang ugali nila." sagot ni Mr. Ramos

" Sige po sir.. I will try my best." sagot ni Mr. De Vera

"Good! Update mo ko lagi! Next week na mag start ang klase mo. "

Pagka labas ng office ni Jace agad agad siyang pumunta sa table niya at pinagtatanong ng iba pang faculty member.

"Sir Jace! ano daw yun? " tanong ng isang professor

"Ako daw magtuturo sa nag iisang block section ng  Financial Management Accounting." sagot ni Jace.

"WOOAW!! tinanggap mo pare?!" tanong ni Nico na best friend niya na nagtuturo ng Math.

"Ano pa nga ba? kesa mawalan ako ng trabaho? hayy.. " sagot ni Jace.

"Grrrr! nakakatakot pa naman mga estudyante dun. akala mo mga hari! nakuu! good luck sayo! ewan ko lang kung mapabait mo yung mga yun!" sagot ni Sam na nagtuturo ng Arts.

"Hay nako Ms. Sam! Huwag niyo naman po ako masyadong tinatakot. Tingin ko, hindi naman ganun kapapangit ang ugali nila. Kailangan lang talaga na ipakita sa kanila na nasa ating mga professor ang authority wala sa kanila." sagot ni Jace.

"Kung sa bagay may point ka. Ahh basta galingan mo dun Sir Jace ha!" sabi ni Sam.

"Salamat! sige una na ko!" Sagot ni Jace.

Jace' POV

Ako nga pala si Jace, 26 years old. Isang beses palang ako nag kaka girlfriend at noong highschool pa ko nangyari yun. Hindi ko rin siya macoconsider na girlfriend dahil trip trip lang naman yun. Noong bagong teacher palang ako sa St Joseph una kong nakilala si Sam. Ang pinaka magandang professor sa faculty namin at si Nico na isang playboy. I tried courting Sam, but unfortunately basted agad ako. Hindi naman kasi ako kagwapuhan at hindi rin ako mapera. saktuhan lang. After that hindi ko nalang pinilit, baka lalo lang ako masaktan at hindi  na ulit ako nag tangka pang manligaw. sadlayp diba? pero sabi nga nila hindi mo mahahanap ang tunay na kasiyahan sa tao, kaya unti unti ko nang tinatanggap sa sarili ko na tatanda na akong binata. anyways, Hindi ko alam kung bakit napilit ako ng dean namin na kunin ang section ng FMA na yun. Palagi ko kasing nababalitaan na ang mga estudyante doon ay basag ulo at ang pinaka sikat sa kanila ay si Rei. Hindi ko pa sila lahat nakikita dahil tuwing may complain tungkol sa kanila ay hindi rin naman sila sumisipot at kusa na silang hindi papasok ng ilang araw. Hindi naman ako chismoso, naririnig ko lang . haha.

"Tulooong!! Tulungan mo ko Sir!" narinig ni Jace na tawag ng isang babae.

"Huh? bakit Ms.? anong nangyari? " tanong ni Jace.

Biglang nawalan ng malay ang babae at sinalo naman ito ni Jace. Sa di kalayuan ay may nakita siyang isang babae na nakatayo, mahaba ang buhok, payat, medyo maliit at puro sugat ang kamay. Hindi niya makita ang mukha nito at unti unti narin lumakad papalayo. Dinala naman niya agad ang babaeng nahimatay sa Hospital para patingnan sa Doctor.

Habang hinihintay na magkaroon ng malay ang babae ay hindi naman mawala sa isip ni Jace ang itsura ng isa pang babae na nakita niya. Ang mga kamay nito na puro sugat at ang uniform na kaparehong kapareho ng uniform ng mga estudyante ng school nila.

"Sii ..ir.. " narinig ni Jace na tawag ng babae. Agad naman niya itong tinulungan umupo at tinanong.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? maya maya lang ay darating na ang mga magulang mo rito. Ikaw nalang mag sabi sa kanila kung ano ang nangyari sayo. " sabi ni Jace.

"Salamat po sir.." sagot naman ng babae.

"Ahh siya nga pala.. kilala mo ba kung sino yung babaeng humahabol sayo kanina? Kapareho kasi ng uniform ng estudyante sa school namin. Do you know her name?" tanong ulit ni Jace.

"Rei po sir, Siya po yung gumawa sa 'kin nito." Biglang iyak ng babae.

Nagulat si Jace sa kanyang nalaman. Ang akala niyang Rei ay isang lalaki na malaki ang braso na talagang pang basag ulo.

"Well I don't think na basta basta ka nalang niya sasaktan ng walang dahilan. Anyway, I have to go. Masyado na rin kasing late. See you around miss." Nagpaalam si Jace sa babae at dumiretso na pauwi.

Habang papauwi ay agad naalala ni Jace na si Rei ay isa sa magiging estudyante niya sa kanyang Psychology class. Lalong nadagdagan ang kaba ni Jace kaya inihanda niya ang kanyang sarili sa mga mangyayari sa kanya sa loob ng isang taon na pagtuturo sa kanyang special class.

--------——————————
Sorry na po agad 😂 Hindi po ako sanay baguhan palang 😁.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon