Chapter 13

130 2 0
                                    

"Hello? Nasaan ka na ba? Akala ko ba magkikita tayo ngayon? Kanina pa kita hinhintay dito." Tanong ni Rei kay Jace. May date kasi sila ng gabing iyon dahil birthday niya.

"Sorry Rei, pinag overtime kami.Sorry, sorry talaga."

"What?! Sana sinabi mo para hindi nalang ako umasa! Nakakainis!"

"Sorry talaga Rei! babawi ako sayo. I Pormise!"

"Ewan ko Sayo!"

Binaba ni Rei ang phone, sa sobrang inis niya ay hindi niya napigilang umiyak. Umuwi siya sa bahay nila na may daladalang pagkain.

"Oh Rei, bakit ka nandito? Akala ko ba aalis kayo ni Jace?" tanong ng nanay ni Rei.

"Hindi na daw po tuloy mama, may binili akong pagkain, kain na tayo. Nasaan na po si papa? nakainom na po ba siya ng gamot?"

"Ahh oo, kakainom lang niya, nasa taas na siya nagpapahinga. Sandali maghahain ako."

Tahimik lang kumain si Rei at ang mama niya. Wala kasi ang isa pa niyang kapatid kaya dalawa lang sila.

"Rei, ok ka lang ba?" tanong ng kanyang ina.

"Ok lang po ako ma." matipid na sagot ni Rei.

"Anak pasensya kana ha? Sa lunes makakapag trabaho na ulit ang papa mo. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho sa call center at pumasok doon." Magmula kasi noong nagkasakit ang papa niya ay huminto na sa pag aaral si Rei. Nag apply ito sa isang call center sa cubao upang may pang gastos sila aa bahay.

"Wala po 'yon ma. Ok lang na doon ako nagtatrabaho, masaya naman po."

"Anak, kahit anong sabihin mo, halata sa mga mata mo na hindi ka masaya. Sorry anak, sorry sa mga pagkukulang namin sa'yo."

Hindi na napigilan ni Rei ang kanyang mga luha. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkausap sila ng ganoon ng kanyang ina. Simula kasi noong sinabi niya sa kanyang ina kung ano ang ginagawa sa kanya ng kanyang papa ay hindi na rin siya nito masyadong kinausap. Pakiramdam kasi ng kanyang ina ay wala itong kwenta dahil napabayaan siya nito. Ayaw kasing ipakulong ni Rei ang kanyang papa, ayaw niyang madamay ang kanyang kapatid sa mga problema niya. Ang gusto lang niya ay maging maayos silang lahat. Niyakap niya ang kanyang ina at nag iyakan silang dalawa.

"Sorry po ma."

"Hindi anak, sorry, sorry sa mga pagkukulang ko sa'yo."

Pagkatapos noon ay nagyakapan lang sila at ilang oras nagkwentuhan. Marami silang nalaman sa isa't isa. Hindi inaasahan ni Rei na magiging ganoon ang relasyon niya sa kanyang ina. Natapos ang gabing iyon na masaya silang pamilya. Kinabukasan naman ay nagising si Rei dahil sumisigaw ang kanyang ina. Kumaripas naman siya ng takbo pababa dahil akala niya ay kung ano nanaman ang nangyari sa kanyang ama.

"Rei! Rei! Bumaba ka dito bilis!"

"Ma, ano po yun?!"

"May nagpadala ng bulaklak sayo!"

"Ha?! akala ko naman ma kung ano na nangyari!"

"Tignan mo dali! pinadalhan ka ni Jace ng mga bulaklak."

"Ahh sir, thank you po."

Pinadalhan siya ni Jace ng tatlong puting rosas at may nakalagay doon na sulat.

"Rei,
Sorry sa mga pagkukulang ko sa'yo. Alam ko na nababawasan ang oras natin sa isa't isa. Pero sana maintindihan mo na ginagawa ko 'to para sa'ting dalawa. I love you Rei, see you on saturday.

Love,
Jace"

Kinilig naman si Rei dahil umagang umaga palang ay sinurpresa agad siya ng binata. Maghapong hindi nawala ang kanyang ngiti. Mag damag naman silang magkatext ni Jace noong araw na iyon. Wala silang ibang pinag usapan kundi ang future nilang dalawa at kung gaano na nila kamiss ang isa't isa. Sigurado kasi si Rei na si Jace na ang gusto niyang mapangasawa.

Dumating ang araw ng sabado, nagkita silang dalawa ni Jace sa park. Alas singko ng hapon noon ng magkita sila. Pagkakita sa kanya ni Jace ay agad siya nitong niyakap at hinalikan sa noo.

"I missed you so much Rei."

Namula si Rei sa pinag gagawa ni Jace.

"Ano bang gagawin natin ngayon? Saan tayo pupunta?" tanong ni Rei.

"Kahit saan, kung saan mo gusto, basta kasama kita."

"Aysus! hahaha! Hindi mo ko madadaan sa pa ganyan ganyan mo!"

"Hahaha! saan mo nga gusto?"

"Doon nalang tayo sa bahay niyo, gusto kong manood ng movie."

"Anong movie?"

"Titanic."

"Wala akong cd noon, at luma na masyado yun ah?"

"Meron ako! haha hindi ko pa kasi napapanood yun eh."

"Haha sige na nga."

Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad papunta sa bahay nila Jace. Masayang masaya noon si Rei dahil mahaba ang oras nilang dalawa na magkasama. Bumili ng chichirya si Jace sa 711 na malapit sa kanila, hinanda naman ni Rei ang kanilang papanoorin.

"Dito talaga tayo sa kwarto ko Rei?" tanong ni Jace.

"Oo! haha ayaw mo?"

"Sa baba nalang tayo para makanood din sila mama."

"Dito nalang!"

"Hayy, sige na nga." Walang nagawang sagot ni Jace. Nakakaramdam kasi siya ng kung ano. Ayaw niyang maiwan niya na silang dalawa lang. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili niya.

Habang nanonood ay nakayakap lang si Jace kay Rei. Nakasandal kasi ito sa kanya, ngunit nagulat naman siya sa dalaga dahil umalis ito sa pagkakayakap at tinitigan siya sa mata. He knew that Rei is trying to seduce him. Umiwas agad siya ng tingin dito at tinuon ang mga mata sa tv. Kaya lang ay hinalikan siya ni Rei, hindi naman siya makagalaw dahil unang beses niyang mahalikan. Ginalaw ni Rei ang kanyang mga labi ngunit hindi pa rin niya alam ang gagawin. Pumikit na lamang siya at sinundan ang pag halik sa kanya ng dalaga. Hinawakan niya ang pisngin nito at hinalikan niya ng marahan. Pababa naman niyang ginalaw ang kanyang mga kamay sa dibdib ni Rei. Tatanggalin na sana niya nag damit ng dalaga, ngunit bigla siyang natauhan. Tinulak niya papalayo si Rei at bigla siyang tumayo at umayos ng pagkakaupo.

"Why did you stop?!" pasigaw na tanong ni Rei.

"Mali na yung ginagawa natin."

"Please baby, kahit ngayon lang?" pagsusumamo ni Rei.

"No, hindi pwede." Umayos ng upo si Rei.

"I'm sorry Rei, Mahal kita at malaki ang respeto ko sayo. Ayaw kong sirain ang tiwala ng mga magulang mo sa'kin. At isa pa, hindi ako katulad ni Drei. Masakit at mahirap din sa'kin mag pigil, pero may takot ako sa Diyos at ayaw kong masaktan Siya dahil sa pagiging makasarili ko."

"Sorry." matipid na sagot ni Rei.

"Sorry din." Hinalikan niya sa noo si Rei.

"Mas mabuti pang umuwi kana, Halika na at ihahatid na kita." Di naman umangal si Rei at agad din itong tumayo.
Habang naglalakad ay walang nag iimikan sa kanilang dalawa. Nahihiya si Rei sa ginawa niya, na siya mismo ang nagyaya sa binata.

Ilang araw ang lumipas at mailap sila sa isa't isa. Iniwasan din nilang mag sama na silang dalawa lang. Ramdam naman ni Jace na may tampo pa rin sa kanya ang dalaga. Gumawa siya ng paraan para makabawi dito ngunit kahit na anong gawin niya ay iniiwasan parin siya nito. Bihira naman na silang mag kita dahil nalipat ang shift ni Rei sa trabaho. Kung anong oras uuwi si Jace ay oras naman ng pagpasok ni Rei.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon