Chapter 12

123 4 1
                                    

Masayang masaya si Jace dahil sa wakas ay naging sila na ni Rei. Hindi niya pinapalagpas ang bawat pagkakataon na magkasama sila. Palagi niyang dinadalhan ng kitkat ang dalaga dahil ito ang paborito nitong chocolate. Minsan ay sinumpong ng kabaliwan ang dalaga. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit bigla nalang itong nagalit sa kanya.

Tinext siya ni Rei ng kung anu ano.

"Jace, mag break na tayo."

"Huh? ano nanaman pinagsasabi mo Rei? nababaliw ka na ba?"

"Hindi! ayoko na ! mag hiwalay na tayo!"

"Walang maghihiwalay!"

"Ayoko na nga sabi eh!"

"Hindi mo ayaw!"

"Ewan ko sayo! Basta break na tayo!"

"Tumigil ka nga Rei! Hindi nakakatuwa yang joke mo!"

"Hindi tayo bagay! madumi akong tao! doon ka nalang kay Sam tutal siya naman talaga ang gusto mo diba?"

"Rei! tumigil ka na! Kasalanan ang pagseselos kaya wag kang magselos!"

"Tss di ako nagseselos!"

"Eh bakit ba nagkakaganyan ka?"

"Wala!"

"Baliw kana!"

"Basta ayaw ko na. You desrve to be happy at hindi ako ang makakapag pasaya sayo."

Hindi na nagreply si Jace dahil pinuntahan na niya agad si Rei dahil alam niyang may topak ito. Bumili siya sa 711 ng 5 kitkat at pag katapos ay dumiretso sa bahay nila. Nagulat naman ang mama ni Rei dahil gabi na ay bigla pang pumunta ang binata.

"Oh Jace? anong ginagawa mo dito? gabi na ah." tanong ng mama ni Rei.

"Ahh magandang gabi po, nandiyan po ba si Rei?"

"Oo halika tuloy ka."

Tinawag si Rei ng kanyang ina at agad naman itong bumaba.

"Rei, ano bang pumasok sa isip mo?"

Hindi naman kumikibo si Rei.

"Please Rei kausapin mo ko. May dala akong kitkat dito."

Napangiti naman ang dalaga ngunit hindi niya iyon pinakita sa binata. Hindi pa rin siya umimik. Nagulat siya dahil narinig na lamang niya si Jace na humikbi.

"Bakit ka umiiyak?" pagtatakang tamong ni Rei.

"You're breaking up with me. Sa tingin mo ba matutuwa ako?"

Nalungkot naman bigla si Rei, She tapped his back and ask for forgiveness.

"I'm sorry. Masyado lang ako nApaisip kanina."

"Please don't say those words again Rei. Ayokong mawala ka.Kung sa tingin mo ay may ibang deserving ng pagmamahal ko sayo nagkakamali ka. Ikaw lang ang deserving sa pagmamahal ko."

Kinilig naman si Rei sa mga sinabi ni Jace. Pagkalipas lamang ng ilang minuto ay umuwi rin agad si Jace.

Isang beses naman ay sobrang pinagtaka ni Jace na hingi ng hingi ng kung anu ano si Rei.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon