Chapter 14

134 2 0
                                    

Buwan ang lumipas at lalo silang nawalan ng oras sa isa't isa. Tuwing linggo nalang sila halos nagkikita at hindi pa sila masyadong nagkakausap. Masyadong naging busy si Jace sa kanyang trabaho dahil nga nagsisimula na itong mag ipon. Si Rei naman ay naging busy din sa kanayang trabaho, dahil siya na ang nag papaaral sa kanyang kapatid.Ayaw man ni Jace ay napilitan pa rin siyang tanggapin na doon magtatrabaho si Rei.

Isang linggo nalang ay anniversary na nila ni Rei noon, kaya naman naghanda si Jace para sa dalaga. Pumunta siya sa mall para ibili ito ng regalo. Habang  naghahanap ng magandang ireregalo ay nakita siya ni Sam.

"Jace? ikaw ba yan?" tanong ni Sam.

"Oh? Ms. Sam! kamusta ka na?"

"My goodness! ang laki na ng pinag bago mo! Tumaba kana ha! Ang gwapo mo pa ngayon."

"Grabe ka naman haha sino kasama mo?"

"Wala nga eh, bibili lang sana ako ng make up ko.Ikaw? sino kasama mo? nasaan si Rei?"

"Wala din eh, nasa trabaho. Ibibili ko sana siya ng regalo. Malapit na kasi ang anniversary namin."

"Ahh tara samahan na kita."

"Naku! nakakahiya! wag na lang!"

"Hindi yan! mas maganda na ako ang pipili para naman hindi ka rin matagalan."

Naisip naman agad ni Jace na magpasama nalang dahil ilang oras na rin siya sa mall ay wala pa rin talaga siyang nabibili. Sabay silang nag ikot sa department store, habang naglalakad ay nagkukwentuhan silang dalawa.

"Alam mo Jace, maswerte si Rei sa'yo."

"Huh? bakit naman?"

"Eh kasi ang bait mo, tapos loyal ka, tapos ang effort! Naku kung ako sa kanya, di na kita papakawalan."

Napangiti nalang si Jace sa sinabing 'yon ni Sam.

"Kayo ni Nico kamusta?" tanong ni Jace

"Ok naman friends pa rin kami. Tanggap ko na na hindi kami para sa isa't isa."

"Haha! Ok lang yan darating din ang para sayo."

"Idol ka nun eh, pumatos din ng estudyante."

"Huh? Sino?"

"Edi si Mia. Sino pa ba."

"Hahaha! wag kanang bitter!"

Nakabili sila ng regalo kay Rei. Labing dalawang simpleng regalo ang kanilang nabili. Hindi man sobrang mahal ay alam naman ni Jace na magugustuhan ito ng dalaga. Mag kasabay na umuwi si Jace at si Sam. Nadaanan nila ang building kung saan nagtatrabaho si Rei. Mabagal ang takbo ng kanilang sinasakyan at pahinto hinto dahil sa traffic. Napasilip si Sam sa bintana at doon ay nakita niya si Rei. Naninigarilyo kausap ang isang lalaki na naka akbay sa kanya. Hindi alam ni Sam kung sasabihin niya iyon kay Jace, ayaw niyang masaktan ang kaniyang kaibigan ngunit kailangan nitong malaman ang totoo.

"Jace, doon ba nagtatrabaho si Rei?" turo ni Sam sa building.

"Oo diyan nga, bakit?"

"Tignan mo yun sa may baba. Diba si Rei yun?"

Nakita ni Jace si Rei naninigarilyo habang nakaakbay sa kanya ang isang lalaki. Nakita rin niya na tuwing bumubulong yung lalaki kay Rei ay tumatawa si Rei. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na'yon. Gusto niyang bumaba para tanungin si Rei at sapakin yung lalaki. Ngunit huli na ang lahat dahil umandar na ang kanilang sinasakyan. Pagkauwi sa bahay ay agad tinext ni Jace si Rei. Ngunit hindi ito nagreply. Sinubukan naman niyang buksan ang facebook ng dalaga para malaman kung mayroon nga itong nililihim sa kanya.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon