Chapter 10

125 2 1
                                    

Flashback.

"Jace, do you like Rei?" tanong ni Pastora.

"Ahh ehh pastora. Hindi pa po ako sigurado sa nararamdaman ko eh."

"Pero may something?"

"Opo. I found her special. Madalas man po kaming mag talo, ang gusto ko pa rin ay nakikita siyang masaya. It also makes me happy everytime I see her smile specially when I'm the reason behind those smiles."

"Ahh ok. Edi ligawan mo na!"

""Pastora, ano po bang dapat kong gawin? Nahihirapan po ako." tanong ni Jace.

"Ano bang ginagawa pag manliligaw?" sagot ni Pastora

"Nagpapaalam po sa magulang."

"Oh alam mo naman pala eh edi kausapin mo yung magulang."

"Kinakabahan po ako, parang hindi ko pa yata kaya."

"Ikaw naman! Kaya mo yan! Kasama mo si Jesus! wag kang kabahan."

"Sige po, salamat po."
---

Naalala ni Jace ang pag uusap nila ni Pastora. Seryoso siya kay Rei at mahal na rin niya talaga si Rei. Gagawin niya ang lahat para mapatunayan sa dalaga na mahal niya ito. Naglakadlakad si Jace sa park para makapag isip. Hindi niya muna kasi gaanong kinausap at tinext si Rei dahil pinagpaplanuhan niya kung paano ang gagawin niyang panliligaw. Ito kasi ang una at huli niyang pagkakataon na manligaw. Hindi naman niya namalayan na nandoon din pala si Rei.

"Huy! ano ginagawa mo dito?" tanong ni Rei.

"Ahh wala nag iisip lang."

"Ahh ganun ba? huwag mo ko masyadong isipin. Baka mabaliw ka."

"Kala mo naman ikaw?"

"Ahh ganun? di ako iniisip mo? Siguro si Sam yan nu?"

"Tss. Oo na ikaw na!"

"Hmpp!Puro ka Sam!"

"Haha nagselos ka naman. Teka nga, bakit nasa labas ka pa eh gabi na?"

"Ha?! ahh ehh.. nagpapahangin lang. hehe."

"Nako! ikaw talagang bata ka! Paano kung may nangyaring masama sayo?"

"Nako! ikaw talagang matanda ka! Walang mangyayari sa'kin no!"

"Tss hilig mo talagang mang asar eh no?"

"Hahaha! hindi naman! honest lang."

"Tara na! ihahatid na kita. Gabi na oh! ang babae hindi na lumalabas ng dis oras na ng gabi!"

"Haha! oo na po boss!"

"You must learn how to value yourself Rei."

Hindi naman nakakibo si Rei sa sinabing iyon ni Jace. Hinatid siya nito hanggang sa bahay nila. Nagpasalamat naman si Rei at umuwi na rin si Jace. Pagkauwi ay agad namang tinawagan ni Jace ang dalaga.

"Hello? Rei?"

"Yes baby Jace? haha!"

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon