Chapter 9

137 4 0
                                    

Naging abala si Rei sa pag aasikaso sa mga requirements niya para makapag enrol sa PNU. Gusto niya kasing maging isang guro kaya kumuha siya ng ilang units na pang EDUC. Si Jace naman ay nagtuturo pa rin sa St. Joseph ng summer class dahil may ilan ilang estudyante ang nag advance class. Si Kristine, Chee, Nicks naman ay nakahanap agad ng trabaho. Si Mia naman ay dalawang buwan nagbakasyon sa US. Sabado ng tanghali, walang pasok si Jace at wala siyang magawa. Hindi naman siya makahuli ng pokemon dahil mainit sa labas at ayaw niyang maarawan. (Kalalaking tao maarte) Sinubukan naman niyang i-text si Rei.

"Grabe, ganito ba talaga siya ka-blunt? Ang hirap naman kasi niyang tantsahin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Grabe, ganito ba talaga siya ka-blunt? Ang hirap naman kasi niyang tantsahin. Di ko alam kung trip lang ba niya ko o talagang may gusto siya sa'kin eh." isip isip ni Jace.

"Sayang, akala ko pa naman makikita ko pa siya sa campus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sayang, akala ko pa naman makikita ko pa siya sa campus. Mukhang every sunday ko nalang siya makikita." naisip ng nalungkot na si Jace.

Samantala, si Rei naman ay nakakuha na ng kanyang schedule sa pasukan. Halos lahat ng klase niya ay puro pang gabi. Wala namang problema sa kanya dahil Ilang sakay lang mula sa kanila at nasa 30 minutes lang ang kanyang byahe. Hindi naman siya maka paniwala dahil tinext siya ni Jace. Ito ang unang pagkakataon na si Jace ang unang nag text sa kanya.

Lumipas ang dalawang buwan ng pagbabakasyon. Halos buong araw silang magkausap ni Jace. Minsan naman ay tinatawagan siya nito at kakantahan ng kung anu ano. Hindi naman alam ni Rei kung matutuwa siya o kikiligin dahil napaka pangit ng boses ni Jace. Pinapakinggan na lamang niya ito hanggang sa makatulog siya. Madalas din silang magkasama sa church dahil mayroong mga activity silang ginagawa. Tuwing magkasama naman sila ay hindi sila masyadong nag kakausap. Mayroong ilangan sa pagitan nilang dalawa. Sinubukan namang tawagin ni Rei si Jace sa pangalan lamang nito. Gusto niyang sanayin ang sarili niya na maging komportable sa binata dahil alam niya sa sarili niya na darating ang araw na magugustuhan din siya nito.

"Jace! pwede bang paki abot yung libro?"

Nagulat naman si Jace sa pakisuyo ni Rei at ang pagka tawag sa kanya nito ng Jace lang. Hindi na lang niya pinansin ito. Ilang beses nangyari na tinawag siya ni Rei sa pangalan lang niya. Hindi alam ni Jace kung matutuwa ba siya sa ginagawa ng dalaga o maiinis. Kinausap si Jace ng isa sa mga kibigan niya sa church.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon