Chapter 3

247 7 1
                                    

——————————
Bilisan na natin ng konti para mtapos na agad. 😂
————

"Kuya!! anu ba!! bumangon kana!! Hinahanap ka na nung girlfriend mo sa baba! kanina ka pa hinihintay! bilis na kuya! bangon!" sigaw ni Cy ang bunsong kapatid ni Jace.

Dali dali namang bumaba ng hagdan si Jace dahil nga sa sinabi ng kapatid niya na naghihintay ang girlfriend niya. Isang hakbang nalang nang biglang..
*Blaaaag* nag laglagan ang ilang sapatos na nakalagay sa gilid ng hagdan at bigla naman tumakbo papalapit kay Jace ang kanyang ina.

" Anak!! ano bang ginagawa mo? bakit nag suswimming ka diyan sa hagdan? nasa banyo ang tubig, doon ka lumangoy! kinalat mo pa yung mga sapatos!Tayo!!" sigaw ng kanyang ina.

"Hahahaha! paano kasi mama nagmamadaling bumaba! akala niya nandiyan yung girlfriend niya eh wala naman siyang girlfriend! " tawa ng tawa ang bunso niyang kapatid sa nangyari sa kanya. Binato niya ito ng nahawakan niyang sapatos atsaka tumayo.

Araw ng sabado iyon, napagdesisyonan niyang puntahan si Rei sa bahay nito dahil dalawang linggo na itong hindi pumapasok. Nag almusal muna siya, naligo at nag paalam sa kanyang mga magulang na siya ay aalis. Naisip niyang bumili ng isang bagay na pwede niyang ibigay kay Rei para naman mauto niya itong pumasok na. Bumili siya ng tatlong kitkat at isang mug. Nabayaran na niya ang kanyang napili bago pa man niya naisip na para siyang manliligaw. Isang sakay ng tricycle mula sa kanila ang bahay nila Rei, at agad naman niya itong natunton. Dalawang palapag ang taas ng bahay nila Rei, nakita niyang bukas ang pinto kaya agad siyang kumatok.

"Tao po, nandiyan po ba si Rei?" tanong ni Jace sa babaeng nakatalikod.

"Ahh sino po sila?" tanong ng babae

"Teacher po ako ni Rei sa St. Joseph gusto ko lang po sanang makausap ang mga magulang niya dahil po dalawang linggo na itong hindi pumapasok." sagot ni Jace.

"Ahh tuloy po kayo. Ako nga po pala si Rina , ang mama ni Rei, siya naman po si Sky ang bunso niyang kapatid at si Mark ang papa niya ay nasa trabaho." sagot ng babae.

"Nasaan po si Rei?" tanong ulit ni Jace.

"Nasa kwarto lang niya. Ano po bang problema? May inaway nanaman po ba siya? Sabi niya kasi suspended nanaman daw siya." sagot ni Rina.

"Ang alam ko po isang linggo lang siyang suspended kaya po sinadya ko na siyang puntahan dito. Gusto ko rin po kasing malaman kung ano ang lagay niya." sagot ni Jace.

"Sa totoo lang sir, hindi naman po talaga ganyan si Rei. Masipag po siyang bata at palaging sumusunod sa utos ko. Nabubully rin po kasi yan noong elementary pa siya kaya siguro naging matigas ang ulo ngayon. Hindi ako nagkulang sa kanya, lahat ng kailangan niya ibinibigay namin. Natuto siyang sumagot at bastusin kami noong nalaman namin na boyfriend niya si Drei. Mas lalo din tumindi ang pakikipag away niya sa iba.Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa batang iyan eh." kwento ni Rina.

"Ahh ganun po ba? baka po may malalim na dahilan kung bakit siya nagkaka ganyan. Siya nga po pala, may dala akong pasalubong sa kanya ma'am paki bigay nalang po ito. Mauuna na po ako dahil may iba pa po akong pupuntahan." sagot ni Jace.

" Naku sir! salamat po.. pasensya na po kayo at hindi ko na kayo naalok ng maiinom at hindi niyo nakausap si Rei ..mag iingat po kayo ."
Nagpaalam si Jace sa magulang ni Rei, pumunta siya sa isang lugar na kung saan ay pansamantala niyang malilimutan ang dalaga.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon