Chapter 5

195 6 0
                                    

-----------------------------------------------------
Sa lahat po ng nagbabasa ng story ko, paki sabi po sa'kin kung maganda or hindi. Salamat! :)
----------------------------------------------------

Rei's POV

Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa isang lugar na bago sa akin. Ito yung building na tinuro ni Jace noong nakita niya akong umiiyak. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. At doon na kita ko si Jace nakaupo sa harapan. He's singing while playing the drums. Ang iba namang tao doon ay nakataas ang mga kamay habang kumakanta. Naririnig ko ang sigaw ng mga tao. Ang ilan ay nagpapasalamat, yung iba naman ay umiiyak. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa'kin ng mga oras na 'yon. Pinakinggan kong mabuti ang lyrics ng kanta at pinikit ko ang aking mga mata.

"Who am I, that the Lord of all the earth
Would care to know my name
Would care to feel my hurt
Who am I, that the Bright and Morning Star
Would choose to light the way
For my ever wandering heart

Not because of who I am
But because of what You've done
Not because of what I've done
But because of who You are

I am a flower quickly fading
Here today and gone tomorrow
A wave tossed in the ocean
Vapour in the wind
Still You hear me when I'm calling
Lord, You catch me when I'm falling
And You've told me who I am
I am Yours, I am Yours"

Habang nakikinig sa kanta, hindi ko namalayang umiiyak na ko. Natapos ang pag aawitan at humanap ako ng isang bakanteng upuan. Pinunasan ko rin kaagad ang aking mga luha.Hindi ko alam kung nakita ako ni sir Jace, pero nagtago pa rin ako sa kanya. Umupo ako sa bandang likuran. Habang nagsesermon ang pastor ay pakiramdam ko ay nakatingin siya sa'kin.

"Ikaw, ako, tayong lahat dito ay makasalanan! walang mabait! lahat masama! Kahit nga ako eh, sobrang sama ko. Ikaw rin! akala mo ako lang? lahat tayo dito masasama. Lahat tayo pupunta sa impyerno! Doon sa mainit na lugar na yun, paulit ulit tayong mamamatay, doon dapat tayo mapupunta! Pero mabait ang Diyos eh, mapagmahal ang Diyos." sabi ng pastor.

"Pero dahil nga, sa pag ibig ng Diyos sa atin, ibinigay Niya ang Kanyang panganay na anak, at 'yun ay si Hesus!Paano Niya tayo nailigtas? Hindi siya tulad ni Superman o ni Batman na nakipag laban para sa atin. Pinarusahan siya kahit wala siyang kasalanan, pinako sa krus at pagkatapos ay namatay! And through His blood, nalinis tayong lahat! nilinis Niya ang maiitim nating mga puso, inalis Niya lahat ng kasalanan natin mula sa pag silang. at pagkatapos ay muli Siyang nabuhay umakyat sa langit at ipinapanalangin tayo sa ama. Kaya mga kapatid, huwag ninyong kakalimutan ang ginawa ng Diyos para sa atin inilgtas niya tayo mula sa kabayaran ng ating mga kasalanan. Ngunit hindi ito basta basta. Nais ng Diyos na tayo ay magkaroon ng relasyon sa Kanya, at iyon ay sa pamamagitan ni Hesu Kristo. Magsi tayo kayong lahat, yumuko at tayoy mananalangin."

Sumunod ako sa sinabi ng pastor. Habang tumutugtog sa harapan nagsasalita rin ang pastor.

"Alam mo, kahit pa pakiramdam mo ay ang dumi dumi mo. Kahit pa sa tingin mo ikaw na ang pinaka kawawang tao sa mundo, kung pakiramdam mo rin walang nagmamahal sayo, kung sa tingin mo ay wala kanang pag asa nagkakamali ka. Kapatid, this is the right time, magsisi ka sa iyang mga kasalanan. Ihingi mo ng tawad lahat ng pagkakamaling nagawa mo. Kung nahihirapan ka na sa buhay mo, ibigay mo sa Lord God yan. He will strengthen you. Have a relationship with Him at lahat ng bagay ay gagaan sa'yo. With Jesus there is a living hope. He's just waiting for you. Lumapit ka kapatid, yakapin mo si Kristo. Magpakumbaba ka at lilinisin ka niya. Papuputiin ka Niya, kasing puti ng Niyebe."

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon