Chapter 16

123 1 0
                                    

Flashback.

"Rei! wake up! Please wake up!" Sigaw ni James.

"James! anong nangyari sa kanya?" tanong ng nanay ni Rei.

"Sumasayaw lang po siya kanina tita tapos bigla nalang po siyang nahimatay kanina."

"Rei! anak nandito na si mama gumising ka." iyak na iyak na tawag ng kanyang ina.

Habang sumasayaw kasi si Rei ay nakaramdam ito ng sakit ng ulo, kaya bigla siyang tumumba. Agad naman siyang isinugod ni James sa ospital dahil alam niya na madalas manlabo ang mata ni Rei at madali rin itong tumumba.Tinawagan din agad niya ang mama ni Rei upang mapapunta sa ospital. Habang nag hihintay sa labas ng emergency room ay iyak ng iyak ang mag asawang Angeles. Umuwi rin naman agad si James pagkahatid niya kay Rei sa ospital. Bumukas ang pinto ng emergency room at iniluwa nito ang Doctor.

"Doc, kamusta na po ang lagay ng anak ko?" iyak na tanong ni Tita Rina.

"Kailangan pa po namin siyang ipa CTscan. Base sa mga sintomas na sinabi sa'kin ng kaibigan niya ay malaki ang posibilidad na mayroon nga itong brain tumor.Kailangan pa po namin alamin kung ito ay cancerous or hindi." Sabi ng Doctor. Nagulat ang nanay ni Rei dahil hindi naman niya inasahan na magkakaroon ng karamdaman ang kanyang anak.

Ilang araw ang lumipas at lumabas ang result ng CT scan na ginawa kay Rei. Lahat sila ay nagulat dahil mayroon nga itong Malignant Brain Tumor na unti unti nang lumalaki. Nalungkot ang lahat sa balitang iyon.

"Ma, gusto ko na po sanang lumabas ng ospital." mahinang sabi ni Rei.

"Hindi pwede anak, wala pang sinasabi ang doctor."

"Please ma? mamatay ako ng maaga dito. Gusto ko na pong makita si Jace."

"Sige lalabas tayo, pero sa isang kondisyon."

"Ano po yun ma?"

"Magpapagaling ka. Sasamahan kita lagi pagpunta rito."

"Opo ma, wag kanang malungkot malakas pa ko!Kayang kaya ko pa."

Pilit na ngumiti ang ginang, lumabas agad sila sa ospital pagkalipas ng isang araw. Hindi rin naman agad niya napuntahan si Jace dahil nahihiya pa rin siyang humarap sa binata. Pagkalabas niya ng ospital ay pumunta siya sa park kung saan madalas siya magtago. Hindi naman niya inakala na matatagpuan siya ng binata doon.

"Rei, ok ka lang?" tanong ni Jace.

"Ha? bakit? may sinabi ka ba?"

"Oo kaya, kanina pa ko nagsasalita."

"Ahh ano nga ulit yun?"

"Ayaw ko na ulitin.. tsk ."

"Haha! sorry na. Ikaw naman tatAmpo ka agad."

"Para ka kasing walang gana eh. Kumain ka ba?"

"Ha?"

"Ang lapit lapit ko sayo Rei, hindi mo ko naririnig?"

"Narinig kaya kita! haha sabi mo nga kung nagugutom ako eh."

"Tinanong kita kung kumain kana hindi kung nagugutom. Hayy nako tara na nga hatid na kita sa inyo."

Tumayo si Rei ngunit muntikan na itong matumba. Mabuti na lamang ay nasalo siya ng binata.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon