Chapter 8

152 4 0
                                    

-----------------
"Pastora, ano po bang dapat kong gawin?" tanong ni Jace.

"Ano bang ginagawa pag manliligaw?" sagot ni Pastora

"Nagpapaalam po sa magulang."

"Oh alam mo naman pala eh edi kausapin mo yung magulang."

"Kinakabahan po ako, parang hindi ko pa yata kaya."

"Ikaw naman! Kaya mo yan! Kasama mo si Jesus! wag kang kabahan."

"Sige po, salamat po."
----------------------

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Nagyakap yakap ang magkakaibigan bago sila mag martsa. Ang iba namang estudyante ay nag iiyakan. Hindi nila maipaliwanag ang kanilang nararamdaman. Mag kahalong lungkot at saya, mayroon din naman kinakabahan at natatakot.

"Anak, konting oras nalang ." Sabi ng mama ni Rei.

"Opo ma.Salamat po sa lahat, sa inyo ni papa." sagot ni Rei na yumakap naman sa kanyang mga magulang.

Nasabitan ng medalya sila Rei at Kristine dahil sila ay Cum Laude. Proud na proud naman ang kanilang mga kaibigan sa kanilang dalawa. Ilang oras din ang lumipas at natapos ang graduation nila. Hinanap naman agad nila si Jace upang mag pasalamat.

"Sir Jace!" Sigaw ni Mia.

"Oh? congrats sa inyo!"

"Thank you sir!" sabay sabay na sabi ng magkakaibigan.

"Naku! wala yun hahaha sana makahanap kayo agad ng trabaho."

"Sir pa selfie daw muna si Rei!" sigaw naman ni Nicks

"Huh? bakit ako lang?" pagtataka naman ni Rei.

"Keri na yan girl! Bilis na." sabad ni Chee.

Pagkatapos mag selfie ay agad namang hinarap ni Jace si Rei. Pasimpleng iniwan si Rei ng kanyang mga kaibigan dahil alam nilang moment ni Rei at ng sir nila iyon.

"Rei."

"Po?"

"Matagal ko nang nabasa yung sulat mo."

"Ahh ganun po ba? haha! ok lang sir kahit wag niyo na pong sagutin. Kalimutan niyo nalang."

"Sorry Rei. Hindi pa kita masasagot."

May kirot namang naramdaman sa puso si Rei. Pilit siyang ngumiti sa harap ni Jace at tinago ang nagbabadya niyang luha na malapit ng pumatak.

"Naku sir! ok lang! Estudyante mo ko at Teacher kita. Masyado rin akong bata para sayo. Kaya naiintindihan ko sir."

"Hindi sa ganun Rei, Mayroon pa kong mga bagay na dapat linawin."

Hindi na pumasok sa isipan pa ni Rei ang mga huling sinabi ni Jace sa kanya. Nagpaalam na siya rito dahil baka hindi na niya mapigilang maiyak.

"Ok nga lang po sir! sige una na ko hinihintay pa po ako nila mama sa labas.Bye sir!"

Hindi naman na nakasagot si Jace. Nalungkot  naman siya dahil alam niyang nasaktan niya ang dalaga. Hindi naman din niya alam kung ano ang gagawin niya. Minabuti na lamang niya na hindi sila magpansinan.

Dumating na rin ang araw na kung saan ay mag cecelebrate Ang block section nila Rei. Nilipat nila sa Bataan ang party dahil gusto ng iba na mag beach. Biyernes ng umaga sila nagkita kita sa tapat ng St. Joseph at sabay sabay na umalis. Mag aalas dose ng tanghali nang makarating sila sa kanilang destinasyon. Dali dali namang bumaba ang mga babae at nagpalit ng kanilang masusuot. Ang iba ay naka one piece at ang iba naman ay naka two piece. Nag palit din si Ms. Sam ng kanyang pang swimming at naagaw naman niya ang atensyon ng lahat. Lumantad ang mapuputi niyang balat at sexyng katawan. Hindi naman nag pakabog ang mga kaibigan ni Rei. Nagpalit sila ng swim wear nila at agad agad na pumunta sa tabing dagat. Naiwan si Rei sa kwarto dahil nahihirapan siya kung anong isusuot niya pang swimming. Pinili niya ang two piece na kulay violet. Nakita niya ang sarili niya sa salamin, she looks hot wearing it. Sinuot niya ang kanyang shades at sumbrero at nagdala rin siya ng towel at camera. Paglabas niya ng kwarto ay nakasalubong niya si Jace. Nagkatinginan sila ngunit umiwas din agad si Rei. Naglakad palabas si Rei ngunit ilang hakbang palang ay tinawag agad siya ni Jace.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon