Chapter 7

157 4 0
                                    

----------------------------------------------------------
Please let me know kung sino pa yung ibang nagbabasa maliban kay tito at bebe. 😂 Salamat!
------------------------


Ilang linggo ang lumipas noong binigay ni Rei ang letter kay Jace. Hindi pa rin siya nakakatanggap ng sagot mula sa kanyang prof. Hindi rin niya muna kasi ito tinext mag mula noong binigay niya yung letter. At isa pang hindi ay hindi nag bago ang pakikitungo sa kanya ni Jace. Kaya naisip niya na baka hindi pa nito nababasa ang sulat niya. Sabado ng umaga ay nag yaya si Kristine manood ng sine.

"Guys nakakatamad punta tayong sm ngayon. Nood tayong sine." yaya ni Kristine.

"Oo nga kaysa naman nakatunganga tayo dito." sagot naman ni Nicks.

Nag ayos silang mag kakaibigan at pumunta ng SM.

"Anong papanoorin natin?" tanong ni Rei.

"How to be yours para naman makakuha ka ng tips kung paano mo lalandiin si Sir Jace." sagot ni Mia.

"Loko ka eh no? gusto mong kutos na inaawat? masakit yun Mia." sagot ni Rei. Natawa naman ang iba pa nilang mga kaibigan dahil sa pag aasaran nilang dalawa. Sa di kalayuan ay nakita ni Nicks si Jace.

"Girls! diba si Sir Jace yun?" turo ni Nicks. Agad namang hinanap ni Rei kung saan naroon si Jace. Kinurot naman ni Mia si Rei dahil sa pagkataranta ng kaibigan niya.

"Hmm! Landi mo talaga eh no?" sabi ni Mia kay Rei. Napangiti lang si Rei.

"Tara yayain natin siya manuod ng sine!" sabi ni Chee.

"Sir Jace!!" sigaw ni Kristine.

"Oh? anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Jace.

"Ahh manonood sana kami ng How to be yours sir eh. Kayo po ba?" sagot ni Mia.

"Ako? wala naman may bibilhin lang sana ako." sagot ni Jace.

"Sir sama ka na sa'min manood ng sine! Libre ka daw ni Rei!" sabi naman ni Chee.

"Wala akong sinabe! wala akong pera! kayo nalang manood!" sigaw ni Rei.

"Ahh sir saglit lang po ha? medyo na shock lang si Rei may pag uusapan lang po kami." sabi ni Mia. Yumuko silang lima at nagbulungan.

"Rei! behave ka nga . Chance mo na 'to!" sabi ni Mia.

"Oo nga Rei kami na ang bahala. Mag galawang Hokage ka nalang. Kausapin mo ng kausapin si sir. Ok?" sabi naman ni Nicks.

Walang nagawa si Rei kung hindi ang sumunod sa kanyang mga kaibigan. Humarap agad sila kay Jace pagkatapos nilang mag usap.

"Sir ok na po libre ka na daw po ni Rei." sabi ni Mia.

"Hahaha! Talaga? Huwag na nakakahiya . Kayo nalang ang ililibre ko . Regalo ko nalang sa inyo dahil gagraduate naman na kayo." sagot ni Jace.

"Sige sir, Bibili na kami ni Kristine ng ticket. Tapos po bumili na kayo nila Rei ng pagkain natin." pag boboluntaryo ni Chee

"Tara sir bumili na tayo ng chichirya sa Supermarket. Hindi kasi kami mahilig sa pop corn eh." yaya naman ni Nicks.

Bumaba sila ng escalator. Nag uusap naman si Mia at Nicks, si Rei at Jace naman ay walang imikan. Pag pasok nila sa supermarket ay kumuha ng basket si Jace. Nagpunta sila sa may area na kung saan maraming chichirya. Kumuha si Mia at Nicks ng paborito nilang Nova at V-Cut, binilhan din nila si Kristine at Chee.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon