Sa dalawang buwan ng paghahanda ay masayang masaya sila Rei at Jace. Ipinamigay na din nila sa kanilang malalapit na kaibigan at kamag anak ang invitation. Si Rei ay nakapili na rin ng damit na isusuot sa kasal, isang simpleng white gown na may shade ng blue. Ang kanyang gagamiting bulalak ay Puti at asul na rosas. Nakatanggap ng tawag si Jace mula kay Rei.
"Hello baby?"
"Thank You baby." sambit ni Rei.
"No, thank you Rei."
"I love you."
"I love you too Rei. May problema ba?" tanong ni Jace.
"Wala namimiss lang kita."
"Aysus, wag kanang malungkot baby, bukas at sa susunod pang bukas palagi mo na akong makikita."
Napangiti naman si Rei sa sinabing iyon ni Jace.
"Magpahinga ka na Rei. Kailangan dumating ka on time bukas bawal ka nang mapuyat . Good night Iloveyou!" dagdag ng binata.
"Goodnight din baby, I love you too."
Binaba nila ang kanilang telepono, ngunit si Rei ay hindi talaga mapakali. Isinulat na lamang niya ang kanyang vow sa binata dahil ayaw niyang makalimutan ang lahat ng gusto niyang sabihin dito.
Wedding Day.
Nasa simbahan na ang lahat at si Rei na lamang ang hinihintay. Hindi naman mapakali si Jace dahil hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari. Nagtataka naman sila dahil wala pa rin ang dalaga. Nag hintay sila ng ilang minuto dahil baka hindi pa tapos ayusan, ngunit inabot ni Nico kay Jace ang cellphone nito. Nakita kasi ni Nico na pangalan ni Rei ang nag pop up sa cellphone ng binata. Agad naman iyong binasa ni Jace.
"Baby, I'm sorry sa lahat ng sakit na binigay ko sa'yo. Alam kong ako ang pinaka masakit na nangyari sa buhay mo. I love you baby, I'm sorry Hindi na ako makakapunta diyan."
Napaluhod naman si Jace pagkabasa ng text ni Rei. Bigla naman humagulgol ng iyak si Mrs. Angeles.
"Tita, ano pong nangyari." tanong ni Mia.
"Nasaan na po si Rei? bakit po kayo umiiyak." tanong ni Nicks
Hindi naman nakapag salita agad ang ginang dahil nahirapan itong huminga. Ilang segundo lang ay nasabi rin nito ang gusto niyang sabihin.
"Si...si Rei! Patay na si Rei!" hagulgol ng ginang.
Nagulat ang lahat sa ibinalitang iyon ni Mrs. Angeles. Napatayo si Jace at tinanong kung nasaan ang dalaga.
"Tita nasaan po siya?" umiiyak na sabi ni Jace.
"Nasa ospital sa St. Lukes." tuloy tuloy na pag iyak ng ginang.
Dali dali naman silang tumakbo sa ospital. Nakita naman agad nila si Rei at and driver nito na nakahiga sa higaan sa emergency room, puno ng dugo sa kanilang ulo at katawan.
"Doc, ano pong nangyari sa kanila?" tanong ng papa ni Rei.
"Car accident. Nahagip sila ng truck na nawalan ng preno. I'm very sorry, dead on arrival silang dalawa."
Lalo namang umiyak ng umiyak ang mga kaibigan at pamilya ni Rei at ni Jace. Hindi naman makapaniwala si Jace sa mga nangyayari.
"Doc anong oras po sila dinala dito?" tanong ni Jace.
"20 minutes ago."
Napaisip si Jace dahil nakatanggap siya ng text sa dalaga 20 minutes ago. Lalo naman siyang nanlumo at nanghina dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.
"May nakita po kami sa kamay niya." sabi ng nurse.
Inabot sa kanila ng nurse ang cellphone ni Rei at isang papel. Binuklat ni Mrs. Angeles ang papel at sa unang parte palang ay nalaman niya agad na para kay Jace 'yon. Inabot niya iyon kay Jace at kinuha naman ito ng binata. Iniwan na nila ang pamilya ni Rei doon umuwi na ang iba at nagpalit ng kanilang suot, si Jace ay napilitan ding umuwi para magpalit. Pagkauwi ay agad siyang kinausap ng kanyang ina.
"Jace, kaya mo yan. May plano ang Diyos."
Hindi naman umimik ang binata at nagpalit na lamang ito ng damit. Pagkatapos ay lumabas siya at nagpunta sa park, umupo siya sa ilalim ng slide at pagkatapos ay binuklat ang papel na iniabot sa kaniya ng mama ni Rei.
"Baby, masayang masaya ako ngayon dahil sa dinami rami ng pinagdaanan natin ay dito pa rin ang bagsak natin. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa sobra sobra Niyang pagmamahal sayo ay nagawa mong mahalin ang tulad ko. Thank you for everything, you enabled me to see my worth. Kahit kailan ay hindi ka pumalya sa pagpapakita at pagpaparandam mo sa'kin kung gaano ako kahalaga at kung gaano mo ako kamahal. Thank you for being with me at my best and for not leaving me at my worst. Humihingi din ako ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko at pananakit ko sa'yo. At ngayon, sa harapan ng Diyos, hindi ako nangangako kundi gagawin ko sa abot ng aking makakaya at sa tulong Niya na magpasakop sa'yo. Mamahalin kita, aalagaan, at pagsisilbihan hanggang sa aking huling hininga. "
P.S kung sakali man na mauna akong mawala, gusto ko sanang magpakasal ka ulit. Ayokong tumanda ka mag isa ng walang kasama. Kung will ni Lord.
Jace broke into tears, hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha. Tumingin siya sa langit ngunit walang mga bituin. Lumakas ang simoy ng hangin at ito'y dumampi sa kanyang mukha. He knew that it was Rei, wiping his tears.Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. He even asked God kung bakit sa kanya pa. Wala siyang ibang magawa kung hindi tanggapin ang katotohanan na nawala na ang kanyang kasintahan.
Isang linggo ang lumipas, araw araw ay nasa burol siya ni Rei at araw araw din siyang naghihinagpis. Sa libing ng dalaga siya ay nagsalita.
"Good afternoon, My name is Jace De Vera 28 years old. Hindi kagwapuhan at hindi rin mayaman. At si Rei lang ang naging girlfriend ko." Napatawa naman ang iba sa introduction ni Jace. Nakangiti rin kasi ang binata, hindi niya pinakita sa mga tao ang lungkot na kanyang nararamdaman.
"Alam kong nagtataka kayo kung bakit nagagawa ko pang ngumiti, sa totoo lang hindi ko na rin kaya. Masakit sa dibdib dahil alam kong wala na siya, pero ang Diyos ang patuloy na nag papaalala sa'kin at nagsasabi sa'kin na kasama ko Siya at si Rei ay kasama na rin Niya. Mahirap tanggapin pero kailangan. Si Rei ay isa sa mga naging estudyante ko, kilala siya ng lahat sa pagiging maangas at matapang, sa tuwing titignan mo siya ay makikita mo ang isang babae na walang kinatatakutan, ngunit 'yon ang akala ng lahat. Ang totoo ay itinatago niya ang lahat ng sakit na nasa dibdib niya. Alam kong sa mga oras na'to ay nakasimangot na siya dahil inilantad ko ang kanyang sikreto. Pero isa lang ang gusto kong malaman ninyo, mahirap man tanggapin ngunit kailangan, na 'ito ang plano ng Diyos sa kanya. Alam kong may magandang dahilan kung bakit nangyari ito. Maraming salamat sa inyong lahat, sa pagmamahal niyo kay Rei, at sa pag damay sa kanya sa bawat oras na kailangan niya kayo."
Pagkatapos noon ay hindi na nakaimik ang lahat. Ang mga magulang naman ni Rei ay hindi mapigilan ang pag iyak. Natapos ang libing at ang lahat ay umalis ng may lungkot sa kanilang mga mukha.
Sa bawat araw na lumipas ay palaging binibisita ni Jace ang puntod ng dalaga. Dinadalhan niya ito ng asul na rosas araw araw. Palagi rin niyang inaalala ang masasayang araw na magkasama silang dalawa. Naisip niya rin ang mga oras na nasayang, oras na sana ay ginugol nila sa pag gawa ng masasayang alaala. Oras na hindi na maibabalik pa dahil sa pagiging makasirili nila. At ngayon ay hinihintay na lamang niya ang oras na unti unting hihilom sa kanyang pusong nasaktan.
The End.
----------------------
Sorry hindi ko na masyadong pinahaba dahil wala na akong nagagawang iba maliban dito. Hehe.
---------------------
BINABASA MO ANG
Ang Makulit kong Jowa
RomanceMr. Jace De Vera, a teacher in St. Joseph University who never had a girlfriend since birth. He's 26 year old and a not so handsome man.Kuntento na siya sa buhay na mayroon siya at unti-unti narin niyang tinatanggap na tatanda na siyang binata. Ngun...