"Magandang gabi po ma'am."
"Oh Jace maupo ka. Naparito ka?" tanong ng mama ni Rei.
"May gusto lang po sana akong sabihin."
"Ahh teka lang tatawagin ko si Rei."
"Wag na po ma'am! Kayo po talaga ang sadya ko rito, na saan po ang papa ni Rei?"
"Nasa labas eh. Sandali lang tatawagin ko."
Lumabas ang mama ni Rei at tunawag ang kanyang asawa. Hindi naman maintindihan ni Jace ang kanyang nararamdaman. May halong kaba, takot, at pangangatog. Hindi rin niya kasi alam kung papayag ang mga magulang ni Rei sa kanyang panliligaw. Dumating ang mag asawa at sila ay naupo.
"Anong sasabihin mo sa'min?" tanong ng papa ni Rei.
"Gusto ko po sanang mag paalam. Liligawan ko po si Rei. Alam ko po na masyado akong matanda para sa kanya. Pero handa po akong mag hintay, hindi ko po siya mamadaliin."
Nagulat ang mag asawa sa sinabi ni Jace. Tinanong naman siya ng mama ni Rei.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Mr. Angeles
"Opo, mahal ko po ang anak niyo. Seryoso po ako sa kanya at asahan niyo po na hindi ako tulad ng ibang lalaki diyan."
"Ang ayaw ko lang ay makikitang umiiyak ang anak ko." Sagot ni Mr. Angeles
"Hindi ko po maipapangako 'yan pero susubukan ko pong gawin ang lahat para hindi siya masaktan."
"Mabuti at sa'min ka muna nag paalam. " sabad ni Mrs. Angeles
"Nirerespeto ko po kayo pati na rin po si Rei."
"Sige payag na ako. Pero gusto ko pag may lakad kayo ay magpapaalam muna kayo sa'kin. Ayaw ko sa lahat na pinagtsitsismisan ang anak ko." sagot ng mama ni Rei
"Makakaasa po kayo. Mauuna na po ko ma'am, sir."
"Sige salamat Jace."
Umalis si Jace at nag isip ng mga bagay na pwede niyang gawin para sa dalaga. Habang naglalakad ay nakatanggap siya ng tawag mula rito.
"Hello? Sir! galing ka daw dito sa bahay? Bakit hindi niyo man lang po ako sinabihan?Hindi pa po kayo nagpakita sa'kin."
"Rei! stop calling me sir! I'm your suitor now. Nagpaalam lang ang sa mga magulang mo na liligawan kita. "
"Weh? seryoso sir? anong sabi nila?"
"Isa pang sir mo ibababa ko 'to. Oo nga ayaw pa maniwala."
"Hahaha! sorena. Yieeh! ano sabi nila mama at papa?"
"Pumayag naman. Sa sabado pupunta ako sa inyo."
"Talaga? sige! hahaha na excite naman ako."
"Sabihin mo kinilig ka!"
"Tss oo na!"
"Hahaha sige na Rei, magpapamiss muna ako sayo."
"Ayy ganun? Ba yan! sige ingat ka SIR!"
Binaba naman agad ni Rei ang phone dahil nga sa inis niya na mag papamiss ang binata. Natawa naman si Jace sa naging reaksyon ni Rei. Alam niya na nagpapalambing ito.
Dumating ang araw ng sabado, bumisita si Jace sa bahay nila Rei na mag dalang dalawang box ng JCo at 3 white roses. Inabot niya ang bulalaklak kay Rei na may nakalagay na note.
"Hi Rei,
I just want to remind you that God cleansed you and turned you as white as this rose.Love,
Jace"Kinilig naman si Rei sa nakasulat, nagkwentuhan silang dalawa. Tawanan sila ng tawanan dahil sa mga walang kwentang joke ni Jace. Sobrang korni kasi ng binata. Si Rei naman ay hagalpak ng tawa, na labis din namang nagpasaya kay Jace. Doon lang niya kasi narinig hulakhal ang dalaga.
"Hahahaha! ang panget ng tawa mo!" sabi ni Jace.
"Hahaha! kala mo naman sayo maganda."
Inabot sila ng alas siyete sa pagkukwentuhan. Nagpaalam naman si Jace sa mga magulang ni Rei at nagpasalamat. Pag kauwi ay agad din namang tinawagan ni Jace si Rei.
"Hello!"
"Oh?! hahaha"
"Wala lng miss na agad kita."
"Asus! haha dito kana tumira gusto mo?"
"Baliw! Hindi pa pwede haha!"
"Bakit pa kasi pa ligaw ligaw pa? tayo na agad!"
"Rei! pahirapan mo naman ako ng konte!"
"Nahirapan kana kaya! nagpaalam ka nga sa mga magulang ko eh. Mahirap yun diba?"
"Hahaha! oo pinagpawisan ako ng sobra nun eh. Pero Rei, diba sabi ko sayo mag hintay ka lang?"
"Hahaha oo na! kantahan mo na 'ko"
"Sige. Haha Anong kanta?"
"Fixing a broken heart."
"Huh? pang emo naman ng kanta mo."
"Ok na yan! haha bilis na!"
Kinantahan naman ni Jace si Rei hanggang sa itoy makatulog. Ilang buwan din niyang niligawan si Rei hanggang dumating ang araw na sinagot na siya nito.
"Rei, will you be my girlfriend?"
"No!"
"Huh?"
"Joke lang. Syempre yes! pagkatapos ng ilang buwan mong panliligaw hindi pa ba kita sasagutin? haha."
"Yes! Thank you Rei!"
"I love you Jace."
"I love you too."
--------------------------
Short update lang muna. hahaha! sorry wala masyadong magandang nangyari dito.
-------------------------
BINABASA MO ANG
Ang Makulit kong Jowa
RomanceMr. Jace De Vera, a teacher in St. Joseph University who never had a girlfriend since birth. He's 26 year old and a not so handsome man.Kuntento na siya sa buhay na mayroon siya at unti-unti narin niyang tinatanggap na tatanda na siyang binata. Ngun...