Chapter 2

329 7 2
                                    

————————————
To my dearest baby, Alam kong ikaw lang nagbabasa nito kaya babagalan ko lang pag gawa 😂.
————————————
Pagkatapos ng ilang araw na paghahanda ni Jace, agad niyang pinuntahan ang kanyang unang klase. Habang naglalakad ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdamang kaba, tensyon, at takot. Nakasalubong din niya si Ms. Sam at ibinati naman siya nito.

"Goodmorning Sir Jace! Ngayon ang first day mo sa nag iisa mong Psychology class diba?"

"Goodmorning din Ms. Sam. Oo, kinakabahan nga ako eh." sagot ni Jace.

"Huwag kang kabahan, sisiw lang sayo yan! Good luck sir! Sige una na ko" Sabay ngiti. Kinilig naman si Jace sa pag bati sa kanya ni Sam at sa pag good luck nito sa kanya. Tinuloy naman niya ang kanyang paglalakad patungo sa room na naka assign sa kanya. Malayo palang ay naririnig na niya agad ang ingay ng kanyang klase. Pagbukas niya ng pintuan ay agad naman umayos ang mga ito at umupo sa kani kanilang upuan.

"Good morning class! My name is Jace De Vera your teacher here in Psychology.We will meet every wednesday 9:30- 11:00 am "Kalmado niyang bati sa kanyang mga estudyante. Nakita niyang nakangiti lang ang mga ito sa kanya at pakiramdam niya ay makakapa lagayan niya agad ito ng loob.

"Do we really have to meet every wednesday? diba pwedeng once a month lang?" sabi agad ng mareklamong si Nicks

"Oo nga sir. Hindi naman importante 'tong subject na 'to eh. Ipasa mo nalang kami agad lahat!" pag sang ayon ni Chee.

"Pwede rin naman, kaya lang ayoko sa lahat ay yung binabayaran niyo ko dito pero hindi ko ginagawa yung mga tungkulin ko bilang prof niyo. Pero kung gusto niyo, maaga ko nalang kayo i didismiss." sagot ni Jace.

"Hayy , buti ka pa sir madali kang kausap. Hindi tulad ng ibang prof na mapilit kaya napipilitan tuloy kaming takutin sila." Sagot naman ni Kristine.

"Sa tingin ko gusto lang nila kayong matuto kaya ganoon sila sa inyo. Anyway, labing lima lang pala kayong estudyante ko at walo lang kayo na nandito. Nasaan na yung iba?" tanong ni Jace.

"Yung iba suspended dahil may nakaaway, yung iba sir late lang." sagot naman ni Gab.

"Ahh I see. So lets start. Dahil first day palang ng klase ngayon gusto ko muna kayong makilala lahat. Tell me something about yourself. Kahit ano."

"Sir basahin niyo nalang yung profile namin sa inyo .Pang elementary yang introduce yourself na yan eh!" pag iinarte ni Mia.

" Ahh ehh.. sige na nga. Kwentuhan nalang muna tayo. Basta walang lalabas ng room hangga't hindi ako nag didismiss. Ok?" sagot ni Jace

"K!" sagot ng mga estudyante.

Sa harapan ng table ni Jace ay nakaupo sila Kristine, Nicks, at Chee. Ang iba naman ay nasa likuran natutulog, nag gigitara at nagkakantahan. Tinitignan lang ni Jace ang kinikilos ng kanyang mga estudyante at sinusulat kung ano ang mga napapansin niya sa mga ito. Wala pang ilang minuto ay malakas na bumukas ang pinto at dire diretsong pumasok ang isang babae na payat, mahaba ang buhok, makinis ang mukha, may mapupulang labi, matangos na ilong, at may bilugang mga mata. Tinitigan lang ni Jace ang babaeng ito na naglalakad papunta sa upuan nito malapit sa bintana. Napansin niya na mayroong benda ang kamay nito at may band aid sa may pisngi nito. Bigla naman tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa at mahina nalang silang nagkwentuhan. Nagtaka naman si Jace sa mga kinilos ng kanyang mga estudyante kaya tinanong niya si Kristine na nasa harapan niya.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon