------------------------------------
I dedicate this chapter to my one and only baby.
-----------------------------------"I love you Jace"
"I love you too"*Tiktilaoooook! * Nagising si Jace sa tilaok ng manok. Agad siyang bumangon nang may pagka dismaya sa mukha. Hindi man lamang niya kasi nakita ang itsura ng babae.
"Oh anak! aga aga nakasimangot ka." sabi ng tatay ni Jace.
"Eh paano pa sa panaginip lang siya may girlfriend! hahaha" sagot naman ni Cy.
"Tumigil ka nga diyan! hindi kita bigyan ng baon makita mo.!" pananakot ni Jace sa kapatid.
"Hahaha! ang pikon mo talaga kuya. Nananaginip ka kasi kanina, nagulat ako sabi mo I love you too eh wala ka naman kausap! haha!" sagot ni Cy
"Cyril! tumigil kana! ang aga aga inaasar mo kuya mo! magbihis ka na doon at may pasok ka pa." sabad ng nanay nila. Nauna nang nagpaalam si Jace sa kanyang mga magulang, kailangan niya kasing makipag usap sa Dean ng school para mag report sa mga pagbabago ng kanyang estudyante sa Kanyang Psychology class. Ilang buwan na ang lumipas mag mula nang magturo siya doon at nakita naman niya ang pagbabago ng ugali ng mga ito .Nakarating si Jace sa school at agad na tinungo ang office ng dean.
"Good morning Mr. De Vera! maupo ka."
"Good morning Mr. Ramos!"
"Mukhang maganda ang ibabalita mo Mr. De Vera. Ano na bang nangyari sa pinapagawa ko sayo?"
"Sir, marami po akong nalaman sa mga estudyante. Kung inyo pong napansin, wala pong nasuspend sa klase ko sa loob ng anim na buwan at kung meron man ay hindi na lalagpas ng dalawa. Marami pong pinag dadaanan ang mga batang iyon, ang iba ay walang mga magulang, at ang iba naman ay magkahiwalay ang mga magulang. Mayroon din pong nagtatrabaho habang nag aaral. Kaya lang po natatakot sa kanila ang mga estudyante ay dahil sa mga nababalita na nakakasama sila sa mga away. Kung inyo rin pong mapapansin wala po silang nabully o nasaktan na nag aaral dito sa St. Joseph, kaya po siguro nakakasama sila sa away ay dahil na rin sa kagagawan ng mga nakakaaway nila. Hindi naman po sila mananakit ng walang dahilan sir."
"That's a good report Mr. De Vera. Ipagpatuloy mo iyan. Magkita ulit tayo 2 months before their graduation. You can leave now."
Lumabas si Jace sa office ng dean. Pumunta siya sa kanyang table at nakita niya doon si Sam. Naalala niya ang kanyang panaginip na nagkaroon siya ng kasintahan. Naisip niya na may pag asa na siya kay Sam. Lumapit siya rito at sinubukan imbitahan ito kumain.
"Good morning Miss Sam! kamusta ka naman?" bati ni Jace.
"Good morning din Sir Jace! Aba mukhang maganda ang umaga mo ahh! mabuti naman ako. Ikaw? bakit parang abot tenga ngiti mo?"
"Ahh wala! haha pwede ka bang makasabay sa pagkain? mamayang lunch ok lang?"
"Aba! lilibre mo kami Jace? hahaha nilalagnat ka ba?" sabad naman ni Nico na kararating lang. Nainis naman si Jace sa biglang pag epal ni Nico.
"Si Sam ka ba? 😒" bulong ni Jace kay Nico.
"Ayy! haha oo na hindi pala ko pwede mamaya!" sagot ni Nico.
BINABASA MO ANG
Ang Makulit kong Jowa
RomanceMr. Jace De Vera, a teacher in St. Joseph University who never had a girlfriend since birth. He's 26 year old and a not so handsome man.Kuntento na siya sa buhay na mayroon siya at unti-unti narin niyang tinatanggap na tatanda na siyang binata. Ngun...