Chapter 15

129 1 0
                                    

Pagkalabas ni Jace ng ospital ay agad niyang pinuntahan si Rei sa bahay nito.

"Tao po? Tita Rina?" tawag ni Jace.

"Oh iho , pasok ka."

"Nandiyan po ba si Rei?"

"Wala eh, lumabas, hindi ko nga alam kung saan nag punta."

"Ahh ganun po ba? sige po hahanapin ko lang po muna siya."

"Wait lang Jace."

"Bakit po?" nakatingin si Jace sa mata ng ginang. Napansin niyang may lungkot itong nararamdaman."Ok lang po ba kayo?" tanong ulit niya.

"Oo naman, siya nga pala, ilang araw ko na kasing napapansin na malungkot si Rei. May problema ba kayo? Kung mayroon man ay sana maayos niyo agad."

"Sige po tita susubukan ko po. Salamat po." Umalis si Jace sa bahay nila Rei. Hindi naman niya alam kung saan hahanapin ang dalaga. Laking gulat niya ng dinala siya ng kanyang mga paa sa park. Sinilip niya ang ilalim ng slide dahil alam niyang doon lang nagtatago si Rei, at hindi nga siya nagkamali.

"Rei." mahinang tawag ni Jace. Napalingon naman agad sa kanya si Rei at binigyan siya ng isang pilit na ngiti. Unang beses niyang nakitang naka make up ang dalaga. Naka suot ito ng pants at white tshirt. Nakasumbrero din ito kaya hindi gaanong nakita ang kanyang mga mata. Sumingit si Jace sa tabi ni Rei.

"Kamusta kana?" tanong ni Jace. Ngunit hindi ito umimik.

"Alam mo ba nagkasakit ako. Hindi mo man lang ako binisita. Nagtatampo tuloy ako sa'yo." Pabirong sabi ni Jace. Tuluyan namang tumulo ang luha ni Rei at nag salita.

"Sorry baby, I'm sorry. Noong sabado na inakit kita, sorry. Sorry din dahil nilalayuan kita, sorry dahil niloloko kita." Hindi naman nagulat si Jace sa mga sinabi ng dalaga dahil alam niya ang totoo.

"Alam kong may sakit ka, alam ko kung nasaan ka pero hindi kita napuntahan, dahil wala na akong mukhang maihaharap sayo. Sinubukan kong pumunta kaya lang nakita ko doon si Ms. Sam. Nalaman ko rin na palagi ka niyang dinadalaw. Hindi ko nagawang lumapit sa'yo, nahihiya ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve ang tulad mo. Palagi kitang nasasaktan, palagi kang umiiyak. Hindi kita pinahalagahan, at alam ko na mas makakabuti sa 'tin na maghiwalay nalang."  umiiyak na sabi ni Rei.

"Hiwalay nanaman Rei? hinanap kita para makipag ayos ako sayo. Hindi para makipag hiwalay."

"Ayos? Bakit mo pa ba pinipilit na maayos? Ako na ang sumisira sa relasyon na'tin sa tingin mo ba gusto ko pang maayos 'to?"

"Bakit hindi ba? Nagkakaganyan ka lang dahil sa nangyari sayo. Dahil sa ginawa sayo ng papa mo. Bukas na bukas hihingi tayo ng tulong."

"Hindi na Jace, hindi na ko mababago. Mas bagay kami ni James. Atleast pareho kami."

"Tumigil ka na Rei! walang mag hihiwalay!" madiing sigaw ni Jace. Pinakalma ni Jace ang sarili bago mag salita ulit.

"Look, nagawa mo nang mag bago. Binabalik lang sayo ng kaaway yung dating ikaw. Mag resign kana sa trabaho mo. Wala akong pakialam kung may nangyari na sa inyo noong James na yun, hiwalayan mo na siya."

"Tama na please?" may iyak na sagot ni Rei.

"No Rei. alam kong mahal mo ko at ginagawa mo lang yan dahil epekto yan ng mga nangyari sa'yo"

Hindi na nakaimik pa si Rei. Niyakap siya ni Jace at hinalikan sa noo.

"I love you Rei, kasama mo ko. Hindi kita iiwan. Masakit yung ginawa mo, pero mas masakit pag nawala ka sa'kin." Pinunasan niya ang luha ng dalaga. Nag kaayos sila noong araw na 'yon.

Ang Makulit kong Jowa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon