Nandito ako ngayon sa kwarto. Tinitingnan ang kwintas na bigay nung ale kahapon. Actually, the pendant is an old key. Hinukay pa yata ito sa underground sa sobrang luma, hindi naman sa kinakalawang ito dahil sa luma.
Inilapag ko na ito sa table at pumasok sa c.r. Pupunta kasi ako ulit sa church, magbabasakali na nandun yung nagbigay ng kwintas. May nakita kasi akong word sa likod ng susi na hindi ko maintindihan, nakaalphabet arrange siya kasi.
Pagbaba ko sa lobby, may tumawag sa akin na babae. Lumapit ako sa kanya.
"Ma'am are you Ms. Harrison?" Tanong niya. Tumango ako. "Ma'am may nagpapabigay po." Sabi niya sabay abot ng brown envelop. Binuksan ko ito at kumunot ang noo ko.
"Miss, who gave you this?" Tanong ko. Tumingin siya sa paligid.
"Naku sorry po ma'am, nakaalis na yata siya. Actually, kanina pa siya naghihintay sa'yo." Sagot niya. Tumango tango na lang ako.
"Sige ah, thanks dito." Pagpapaalam ko. Ngumiti naman siya at tumango.
Pagpasok ko sa kwarto, umupo ako sa kama at kinuha yung susi na nasa bulsa ko. Binuksan ko rin yung brown envelop. Papalit palit ang tingin ko sa susi at picture na nanggaling sa brown envelop. Tinitigan kong mabuti yung picture. Hanggang sa unti unting nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko sa picture. Magkaparehas kasi yung word na nasa likod ng susi.
Oras at minuto rin ang nagdaan sa kakaisip kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng word na ito. Pinipiga na nga niya ang utak ko sa kakaisip. Nag search na nga ako kay kumpareng google eh, pero wala pa rin. Pagulong gulong na nga rin ako sa kama para maalog lang yung utak ko eh, pero langya wala pa rin.
"Alam ko na!" Napabangon ako dahil may naisip akong bright idea.
Kinuha ko yung singsing sa daliri ko. Binend ko ito at ginawang little knife. Napadaing ako ng konti pagkasugat ko sa palad ko. Agad naman siyang lumitaw sa harap ko. Tumingin tingin siya sa paligid. Nakakunot ang noo niya pagharap sa akin. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay kong may sugat.
"Wait!" Pagpipigil ko. Once na mahilom niya yung sugat ko ay siya namang pagkawala nito. Mas lalong kumunot ang noo niya. Kinuha ko yung susi at picture sa tabi ko. "Alam mo ba ito?" Tanong ko.
"Key and picture." Sagot niya na walang expression sa kanyang mukha. Walang duda sa kanya ko nga namana ang pagka emotionless.
"I know. My question is what is this word about?" Tanong ko ulit sabay turo sa word. Tinitigan naman niya ng mabuti at tumingin sa akin.
"Behkry apss." Sagot niya. Napasapo na lang ako sa noo ko sa naging sagot niya. Tama naman siya, dahil behkry apss ang nakalagay. Ano nga ba ang mapapala ko sa kanya, dahil isa lang naman siyang blurred ang katawan.
"Tss, umalis ka na nga lang sa harapan ko." Sabi ko na lang. Kinuha naman niya ang palad ko na kanina pa pala dumudugo. Hinawakan niya ito at nawala na yung sugat ko at maging siya rin.
*****
"Miss, do you know where is this place?" Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko. Umiling siya.
Nandito kasi ako ngayon sa baryo ng Pulang Dahon, nagtatanong kung saan ko makikita yung nasa picture. Tanong pa rin ako ng tanong sa mga taong nakakasalubong ko pero wala pa rin. Sumakay na lang ako sa kotse at umalis sa baryong yun. Wala talagang nakakaalam sa bundok na yun. Yeah, bundok yung nasa picture.
Nakakadalawang oras na rin ako sa pagbibiyahe ng sumabog yung gulong ng kotse ko. Bumaba ako at tiningnan ito.
"Masama ito." Bulalas ko. Sumabog kasi yung dalawang gulong sa harapan. At ang masama pa nito nasa kalagitnaan ako ng gubat at magdidilim na rin. Kinuha ko yung bag ko at flashlight.
YOU ARE READING
✴Metropolis Academy (ShadowMoon Princess)✴
FantasyOrdinary girl? Not too much! Special girl? Maybe? A girl named Ace. Sounds interesting right? She's an ordinary but a special. Why? Come to think of it! Hmnn! Ace is a troublemaker, bad-ass, emotionless, heartless, unself-control that anytime she ca...