"S-sorry!" Hinging paumanhin ko tsaka ako tumalikod sa kanila pero napatigil rin. May humawak kasi sa magkabilang kamay ko.
Dug! Dugdug! Dug! Dugdug!
Anong nangyayari? Bakit parang tumigil ang mundo ko maski ang mga dahon hindi rin gumagalaw sa paningin ko? Bakit hindi ako makahinga? Bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko? O baka naman kinakabahan ako dahil nasa magkabilang gilid ko ang mga taga Fierro tribe. Pero hindi eh, bakit 'yung tibok lang ng puso ko ang naririnig?
"I-is this the thing called love?" Tanong sa isip ko.
Napakurap na lamang ako nung narinig kong tumunog 'yung phone ko. Kumalas ako sa pagkakahawak nila sa akin. Hinugot ko 'yung phone ko sa bulsa ng skirt ko at sinagot.
"Hello!" Panimula ko.
"Thanks for picking up Alaska. I'm so worried about you." Halata sa boses niya ang pag alala.
"Why? Is there something problem?" Tanong ko. Hindi siya umimik. May narinig naman akong maingay sa kabilang linya. "Hey Rendell!" Tawag ko.
"Ano kasi...sina lola at Shawnette kasi..." putol putol niyang sabi.
"Ano? Anong nangyari sa kanila?" Nag aalala kong tanong.
"K-kinuha sila ng mga B-black S-safarian." Putol putol pa rin niyang sabi.
"Ano? Paano nangyari 'yun?" Tanong ko ulit.
"It's a long story. Basta palagi ka sanang mag iingat."
"I will. Sige, papun~" Binabaan na niya ako. Agad akong tumakbo patungo sa council office.
"Oh hi baby!" Bati ni mama sa akin pagpasok ko.
"Ma, can i borrow your car? It's an emergency." Sabi ko.
"Why? What's emergency?" Tanong niya.
"Basta ma!" Sagot ko. Kumunot 'yung noo niya.
"Hintayin mo muna 'yung butler mo, may pinuntahan lang siya." Sabi niya at pinagpatuloy ulit 'yung ginagawa niya. Umupo muna ako para hintayin 'yung butler ko.
Dumaan ang ilang minuto pero hindi pa rin siya dumarating. Tumayo na ako at hindi na nagpaalam pa sa kanya. Patakbo akong umalis at tinungo agad nung may nakita akong sasakyan na nakaparada sa harap ng gate. Good thing naman, walang nakabantay na Warden. Pumasok ako sa loob pero wala akong makitang susi.
"Please, not now! Not now!" Natatarantang sabi ko tsaka ako lumabas ng sasakyan. Naghanap pa ako ng iba pero wala eh! Sa sobrang inis ko ay tinadyakan ko 'yung pintuan ng sasakyan.
"Ouch!" May narinig akong nagsalita. Lumingon ako sa paligid pero wala namang tao. Tinadyakan ko ulit yung sasakyan. "Ouch!" Nanlaki bigla 'yung mata ko at napaatras at the same time nung narinig kong nagsasalita 'yung kotse.
"I-ikaw ba 'yung nagsalita?" Utal kong tanong.
"May iba pa bang nagsasalita dito bukod sa'yo?" Tanong niya. Wala naman akong ibang nakikitang tao dito bukod nga sa akin. So siya nga 'yung nagsasalita. "Hoy ano ba, magagalit si mastet!" Sita niya sa akin nung pumasok ulit ako. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay hinanap ko 'yung manual nitong sasakyan na 'to.
"Roro activate, to Paslitto." Sabi ko. Agad namang umandar 'yung sasakyan.
"P-paano mo ako napaandar?" Tanong niya.
"Siguro masyado lang mabilis intindihin 'yung nakasulat dito." Sabay taas nung manual na hawak ko.
*****
YOU ARE READING
✴Metropolis Academy (ShadowMoon Princess)✴
FantasiOrdinary girl? Not too much! Special girl? Maybe? A girl named Ace. Sounds interesting right? She's an ordinary but a special. Why? Come to think of it! Hmnn! Ace is a troublemaker, bad-ass, emotionless, heartless, unself-control that anytime she ca...