Chapter 15: Blazing like a fire

13 0 0
                                    

"A-are you sure they didn't hurt me?" Tanong ko sa kanya habang papalapit kami sa Megapolis building. Tumango lang siya at ngumiti.

Anong klaseng sagot 'yun? Kinakabahan talaga ako ngayon, hindi ko alam kung bakit? Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong katinding kaba. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paaalisin kaya nila ako?

"We're here!" Napaangat ako sa kanya. Nakayuko kasi akong nakasunod lang sa kaniya. Eh, sa natatakot akong tumingin sa mga mata nung mga nakakasalubong namin. Para kasing ang laki ng kasalanan ko sa kanila na aakalain kong kakain este papatay ng isang gaya ko. "Relax!" Akbay niya sa akin at iginaya na ako sa magiging room namin pero tumigil ako. "Tara na!" Sabi niya tsaka ako hinatak papasok sa loob.

"Sino siya?"

"A trash!" Bulongan ng mga babae.

"Don't mind them. Tara!" Sabi niya ulit at iginaya na naman niya ako sa bakanteng upuang pangalawa sa harap.

Pakiramdam ko ngayon parang nasa loob ako ng isang maliit na bote. Ang sikip sikip. Hindi ako makahinga at parang ultimo nung mga bagay na nasa loob ay binabantayan ang bawat kilos at galaw ko. Baka ni isang minuto o oras ay hindi ako magtatagal sa ganitong atmosphere.

Kinuha ko 'yung bag ko at walang paalam na lumabas ako. Narinig ko pang tinawag ako ni Hexa pero hindi ako lumingon sa kanya. Hindi ko talaga kaya ang mga titig nila sa akin. Kakausapin ko na lang sina mama at papa tungkol dito.

Tinungo ko kaagad ang Council office para kausapin sina mama at papa. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago may nagbukas sa pintuan.

"Oh hi younglady! What brings you here?" Bungad na tanong sa akin ni Cider. Part din siya ng council. "Let me guess, complaining about your new classmates?" Tanong niya. Umiling ako.

"Anne, what are you doing here?" Tanong ni mama na kagagaling lang sa isang pintuan. Lumapit siya sa akin at nagbeso.

"Mom, can we talk for a while?" Tanong ko. Kumunot 'yung noo niya.

"Why? Is there something serious wrong?" Tanong niya. Umiling ako.

"Not totally serious but maybe? Can we?" Anyaya ko.

"Okay, just give me a couple of minute." Sabi niya tsaka siya nakipag usap sa mga council na nandoon. Umupo muna ako sa gilid para hintayin siya. "So, what is it?" Tanong niya nung nakalabas na 'yung mga ibang council. Tumayo ako at tiningnan siya.

"M-ma gusto ko ng umuwi sa atin." Sabi ko.

"What? Are you insane?" Nagulat ako sa sigaw niya. "Oh sorry, i didn't mean it. But why?"

"I don't know mom, maybe i'm just missing our home and you too mom...i don't know." Naguguluhan kong sagot.

"Y-you don't know? Or maybe...you're scared?" Tanong niya. Tumango na lang ako. "Eto na nga ba ang kinakatakot kong mangyari. Sana, sinabi ko na lang sa kanila na patay na 'yung totoong anak namin. Bulong niya sa hangin pero narinig ko.

"Mom, can i ask you something?" Tanong ko. "Ano po ang nangyari sa totoong Anne?" Nagulat siya sa tanong ko.

"H-how do you know?" Nauutal niyang tanong. Hindi ako sumagot. Umupo siya at nagsimula ng magkwento. "Twelve years ago, me and Fern had assign to spy the Black Safarian. May nagsabi kasi sa amin na maraming batang Mistherian ang nawawala at ang responsable nito ay ang mga Black Safarian. Agad naman kaming nagvolunteer na kami ang magspy sa Evilly.  Nagpanggap kaming Black Safarian para makita kung ano ang ginagawa nila sa mga bata. At yun nga, nakita namin na may itinuturok silang serum sa mga bata. Mawawalan ng malay at sa pagdilat nila nagiging itim na ang mga mata nila." Kwento niya tsaka siya nagbuntong hininga. "Sinubukan naming itakas sila pero hindi namin magawa dahil parang may kumokontrol sa mga katawan nila. Nilabanan nila kami at natalo. Sumugod sila sa Mistheria dala ang mga batang Mistherian na narecruit nila. Maraming namatay kabilang na nga dun ang mga pamilya namin ni Fern." Napaluha si mama sa huling sinabi niya tsaka siya ulit nagpatuloy. "At sa pagbalik ng mga Black Safarian sa Evilly ay marami na naman silang dalang mga bata at kabilang na nga dun ang anak namin ni Fern na si Anne. Sinubukan naming makawala sa pagkakakulong sa amin pero huli na pala."

✴Metropolis Academy (ShadowMoon Princess)✴Where stories live. Discover now