Pagkatapos ng dalawang linggo na pananatili ko kina lola ay makakapasok na rin ako sa wakas sa tinatawag nilang Metropolis Academy. Hindi ko alam kung ano talaga ang tunay na nangyari sa araw na 'yun. Basta daw nung paglabas namin ay hawak ko na yung gintong balahibo. Marami nga ang nagtataka kung bakit ako yung nagwagi. Hindi ko daw deserving.
Nung araw din 'yun, bago ko pinikit ang mga mata ko ay may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko na hindi ko maintindihan. Parang may pumasok sa loob ng katawan ko. Kung sino man 'yun, nagpapasalamat ako ng marami dahil makakapasok na ako sa Academy.
"Okay ka lang ate?" Napalingon ako kay Shawnette. Tumango ako at ngumiti. Nandito kasi kami ngayon sa plaza namimili ng mga groceries at mga damit na rin. Isinangla ko kasi yung mga bracelet at necklace ko. Pangtanaw ng utang na loob lang sa kanila dahil pinatuloy nila ako kahit hindi nila ako kaano-ano. "Ate, dun tayo!" Yaya niya sabay takbo.
"Sandali!" Habol ko pero mabilis siyang nakatakbo kaya hindi ko na nahabol. Habang palinga linga ako kung nasa'n na si Shawnette ay napadako ang tingin ko sa mga nagbebenta ng mga libro. Pupunta na sana ako ng may nakabangga sa akin dahilan ng pagkaatras ko at natapon yung mga pinamili namin.
"Tss!" Sabi niya at may iniabot siyang pera sa akin. Hindi ko kinuha yung pera sa halip ay lumapit ako sa kanya at tinapakan yung mga paa niya. "What the? What's your problem?" Galit niyang sigaw kaya napatingin yung mga tao sa amin.
"Tinanong mo pa talaga kung anong problema ko." Pang iinsulto ko sa kanya. "Ikaw, anong problema mo?" Pabalik kong tanong sabay lapit sa mukha niya. Hindi ko makita yung reaksyon niya dahil nakasunglass at nakasumbrero siya.
"Get.out.of.my.sight." Nagtitimpi niyang wika pero hindi ako gumalaw. Marami naman akong narinig na bulong bulongan sa mga tao. May narinig pa akong tili ng mga babae sa bandang likod ng taong ito. Mukhang siya yung hinahanap.
"Hey girls!" Tawag ko. Napalingon naman sila sa akin. "Looking someone? A guy who wear a sunglasses, a hat and leather jacket?" Sigaw kong tanong. Tumango sila. "Guess what? He's in front of me and i think he want to play a game hide and seek. And the girl who find him first is~" hindi ko na naituloy dahil hinila na niya ang buhok ko at dinala ako sa gubat.
"Hide and seek? Hmmn, magandang laro 'yun." Sabi niya sabay tanggal ng sumbrero at sunglass. Nanlaki bigla ang mga mata ko. A-anong ginagawa niya rito? "Hey! Minion na nga, pinapalaki pa ang mata. Iba na talaga ang mga tao ngayon. Tsk! Tsk!" Sabi niya ng pailing iling. "Ano, game na?" Hamon niya sa akin. Tumango ako. "Kung sino ang~" hindi niya naituloy dahil nagring yung phone niya. Sinagot niya ito kaagad at tumalikod sa akin. "Okay, i'll be right there in 10 minutes." Sabi niya at pinatay na ang phone. "Maybe next time about the game. I'll have to go minion." Sabi niya sabay takbo. Magrereklamo pa sana ako dahil tinawag niya akong minion. I hate minion kaya.
"T-teka, dito yung daan." Turo ko sa kaliwang daan. "Ay hindi, dito nga pala." Sabi ko sabay lakad papunta sa kanan. "T-teka, parang may mali." Napakamot na lang ako sa batok dahil hindi ko alam yung daan. Hindi ko kasi nakita kanina dahil hila hila niya yung buhok ko. "Papatayin talaga kita, pag nakita kita ulit!" Sigaw ko.
*****
Siguro isa o dalawang oras rin akong namalagi sa gubat na 'yun nung nakita ako nina Rendell at Shawnette. Naging magkaibigan kami ni Rendell simula nung nanalo ako sa game. Palagi siyang nasa bahay at kasa kasama namin siya ni Shawnette pag pumupunta kami sa ilog.
"Sigurado ka bang okay ka na ba talaga?" Tanong niya. Tumango ako. "O sige, uwi na ako. Babalik ako bukas para maihatid ka namin sa Academy." Pagpapaalam niya. Tumango ulit ako.
YOU ARE READING
✴Metropolis Academy (ShadowMoon Princess)✴
FantastikOrdinary girl? Not too much! Special girl? Maybe? A girl named Ace. Sounds interesting right? She's an ordinary but a special. Why? Come to think of it! Hmnn! Ace is a troublemaker, bad-ass, emotionless, heartless, unself-control that anytime she ca...