It's been a week since i got here in this academy buti nakaabot pa ako ng ilang days. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa akademyang ito nung araw na 'yun. Pagdilat ko nasa ibang kwarto na ako noon.
Old bed, old furniture, the floor is full of dust and all the things that i've seen is old. Aakalain mong nakahanap ka ng kwartong ipinatayo pa noong panahon pa ng Hapon.
Lumapit ako sa mesa na nasa tabi lang ng kama. Kinuha ko yung lumang notebook na kasing kapal ng dictionary. Hinawakan ko ito at bigla na lang nagkakulay na parang chameleon.
Tiningnan ko ang paligid at inisa isa kong hinawakan lahat ng bagay na nasa kwarto at gaya nung lumang notebook ay nagkakulay rin lahat ng hinawakan ko. Isa na lang ang hindi ko pa nahahawakan, yun ay ang portrait na nasa wall. Hahawakan ko na sana yung portrait ng may bigla akong narinig ng yapak ng paa patungo sa kinaroroonan kong kwarto. Agad akong pumasok sa aparador at nagtago. Narinig kong bumukas yung pinto.
"H-how? " rinig kong sabi niya. Boses babae siya. Napasilip na lang ako nung narinig ko siyang umiyak. Maputi, mahaba ang buhok, at magara ang damit.
Blaggg!
Napalingon siya sa gawi ko nung nahulog ko yung dala kong notebook kanina. Agad ko itong pinulot at sinilip ulit siya. Pero huli na nung nakita kong nakasilip din siya sa aparador na kinaroroonan ko. Agad akong nagpanic, baka akalain niya kasi akyat bahay ako at ipapakulong ako.
"Find the angel figurine." rinig kong sabi nung mystery voice. Hindi na ako nag atubiling sumagot pa at hinanap ito kaagad. Hindi ko ito agad nakita dahil maraming nakaharang na mga damit. Hanggang sa makita ko ito sa sahig. Agad ko itong dinampot. "Twist the wing." Sabi ulit ng mystery voice. Ginawa ko naman ito kaagad at may biglang lumitaw sa harap ko ng black smoke gaya nung nasa bahay ako. Pumasok ako sa usok na 'yun.
"A" yun lang ang narinig ko sa babae bago siya mawala sa paningin ko. Pumikit ako dahil sa nakakahilo pala ito.
*****
Sa ilang araw na pananatili ko dito sa akademyang ito ay unti unting bumabalik ulit ang mga sakit na naranasan ko noon. Dito ko rin pala makikita yung mga dati kong kaibigan na iniwan ako sa ere. At si Deimos, ayun nagpakita na rin sa akin nung binato ako nung babaeng nagpawelcome party sa akin nung first day ko pa lang.
Napatigil na lang ako nung matanaw ko silang masayang nagkukuwentuhan sa ilalim ng puno. Tumatawa at masayang nagkukuwentuhan. Talagang nakalimutan na nila ako. Naglakad ulit ako ng may biglang nahagip ng mga mata ko na sobrang pamilyar na mukha sa akin. Kinabahan ako bigla. Agad ko silang sinundan. Nag uusap silang naglalakad kaya lumapit ako ng konti sa kanila para marinig ko kung ano yung pinag uusapan nila.
"It's been a month Fern, pero hindi pa natin siya nakikita." Narinig ko siyang humikbi.
"I know, pero mas mabuti na rin ito para hindi siya mapahamak." Pagpapatahan naman niya ito. Mahabang metro ang nilakbay namin bago ko sila nakitang pumasok sa isang pintuan. "COUNCIL" yan ang nakapaskil sa pintuan. Pipihitin ko rin sana yung doorknob ng bigla itong bumukas.
"Yes?" Tanong niya. Matangkad ito, katamtaman ang katawan at magkasing edad lang siguro sila ni dad.
"I-i'm l-looking for Mr. Fern and Mrs. Esther Harrison." Nauutal kong sagot. Kumunot yung noo niya.
"Are you referring to Master Fern and Lady Esther Miss?" Tanong niya. This time ako naman itong kumunot ang noo. Ano yung sinasabi niya? Master? Lady? "Hey Miss!" Napakurap ako nung nagsnap siya ng finger malapit sa mukha ko kaya napatango ako.
Linuwangan niya yung pinto at pinapasok ako. Pagpasok ko, nakatingin silang lahat sa akin. Hinanap na lang ng mga mata ko sina mama at papa para makaiwas sa mga tingin nila sa akin.
YOU ARE READING
✴Metropolis Academy (ShadowMoon Princess)✴
FantasiOrdinary girl? Not too much! Special girl? Maybe? A girl named Ace. Sounds interesting right? She's an ordinary but a special. Why? Come to think of it! Hmnn! Ace is a troublemaker, bad-ass, emotionless, heartless, unself-control that anytime she ca...