Someone's P.O.VHabang abala ang mga estudyante sa kani kanilang klase ay pumunta muna ako sa rooftop. As always, ganito naman lagi ang routine ko pag hindi interesting ang mga itinuturo nila. Nakakasawa na kasing pakinggan ang paulit ulit nilang itinuturo, walang bago.
Umupo ako at kinuha ang headphone sa bag ko. Plinay ang paborito kong kanta at pumikit. Hanggang ngayon, siya pa rin yung naaalala ko sa kantang ito. Nasaan na kaya siya? Buhay pa kaya siya? Mula kasi nung araw na 'yun ay hindi ko na siya nakita pa.
Nakakadalawang kanta pa lang ako nung may narinig akong ibang boses. Dumilat ako at tumayo.
♬Sa pagsikat ng araw,
Liwanag ng buwan at bituin.♬ Napakagandang tinig.♬Tubig sa dagat,
Mga puno't bundok.
Sariwang simoy ng hangin.♬Tumakbo ako kung saan man nanggagaling ang boses na 'yun. Naiiyak na rin ako habang hinahanap ang boses niya. Ang dating lantang mga puno't halaman ay nagkakabuhay na rin. Kasi karamihan lang sa mga puno't halaman sa academy ay ang mga artificial. Ginawa nila ito para hindi maging luma sa paningin ng mga tao ang academy. Alam kong siya 'yun! Alam kong siya lang ang makakagawa nito. Finally, nakabalik na siya.
♬Oh kay ganda
Ng ating mundo.
Nasisilayan ng aking puso.♬Patakbo akong pumunta sa mga rooms dito sa Megapolis building. Paisa isa kong hinahanap sa bawat room, pero sad to say wala. Imposible naman na wala siya dito! Isa na lang ang hindi ko napupuntahan. Sa room ng mga Tribal.
♬At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko.
Tupad na ang pangarap ko.♬"What do you want Ms. Carter? Bungad na tanong ni Ms. Elektrika. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay inisa isa ko ang mga mukha ng mga elementalist. Nakakunot ang mga noo. Nakatitig sila na kala mo papatayin ka nila. Grabe, totoong nakakatakot talaga sila. "Are you done checking my student Ms. Carter?" nagulat naman ako sa biglang pagbulong ni Ms. Elektrika sa batok ko. Tumango na lang ako at umalis. Hindi ba talaga nila naririnig yung boses niya?
♬Mga bituin sa kalangitan
Kailangan bang abutin?
Ang liwanag nito'y
Magniningning.
Ay kaligayahan sa akin.♬Nasaan ka na ba? Huwag mo naman akong pahirapan na hanapin ka. Umiiyak akong patungo sa Metrotown ng bigla silang dumating sa harap ko at niyakap ako.
"Sshhhh! Huwag ka nang umiyak. Dapat nga maging masaya tayo ngayon dahil alam natin na buhay siya at nakabalik na siya dito." Pagpapatahan nila sa akin.
"Ang mabuti pa hanapin na natin siya." Sabi ni Kane kaya tumango kaming lahat.
"Hindi niyo ba ako isasama?" Biglang litaw ni Margarita sa harap namin.
"Tss, lagi ka namang busy sa mga ginagawa mo eh! At hindi mo yata kasama yung mga alipores mo ngayon MARGARITA?." Sabi naman ni Haskel at inemphasize pa yung pangalan niya.
"Grabe naman kayo sa pangalan na 'yan, move on na kaya ako sa name na 'yan." Sabi niya kaya tinawanan namin siya.
"Pansin ko lang, ngayon lang ulit tayo tumawa ng ganito ah!" Biglang singit ni Haskel.
"Oo nga noh, mula nung....nung...."
"That's enough, hanapin na natin siya." Natahimik naman kaming lahat at sumunod sa kanya. Basta pag siya ang nagsalita, tikom ang mga bibig namin.
YOU ARE READING
✴Metropolis Academy (ShadowMoon Princess)✴
FantasyOrdinary girl? Not too much! Special girl? Maybe? A girl named Ace. Sounds interesting right? She's an ordinary but a special. Why? Come to think of it! Hmnn! Ace is a troublemaker, bad-ass, emotionless, heartless, unself-control that anytime she ca...