Chapter 24: A secret tunnel

3 0 0
                                    

Paggising ko ay parang umiikot ang mga nasa paligid ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Dahan dahan akong bumangon at iginala ang mga mata ko sa paligid. Anong klaseng lugar ito? Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?

Tumayo ako at paika ika akong naglakad. Hindi ko alam kung san ko nakuha ito. Basta paggising ko, para akong nagbuhat ng kilo kilong buhangin. Masakit ang katawan ko maging ang ulo ko na para akong hinampas ng bat ng football.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang maabot ko ang maraming bakal na nakatayo. Hinawakan ko ito at bigla akong napaso. Hinipan ko ang kamay ko tsaka ako bumaling sa likod ko na maging sa gilid ay puro bakal pala ang nakapaligid. Tumingala ako sa taas. Maski pala dun, may bakal din na nakapaligid.

"Tulong!" Yan ang unang lumabas sa bibig ko. "Tulungan ninyo ako!" Sigaw ko pero parang walang nakakarinig sa akin dahil alingawngaw ng boses ko ang naririnig ko sa paligid. "Tulong! May nakakarinig ba sa akin?" Pagsisigaw ko.

"Walang makakarinig sa'yo dito?" Napalingon ako sa nagsalita. May isang taong nakayukong upo sa gilid ng bakal.

"S-sino ka?" Tanong ko paglapit ko sa kanya. Unti unti niyang iniangat ang ulo niya tsaka ako tinitigan. May mahaba siyang balbas, mahabang buhok at punit punit ang damit. "Paano mo naman nasasabi niyan na walang makakarinig sa atin dito?" Tanong ko.

"Simple lang. Mas matagal na kasi akong nakakulong dito kaysa sa'yo na ilang araw pa lang." Sagot niya.

"Ilang araw? Bakit, ilang araw na ba akong nakakulong dito?" Tanong ko. Tumayo siya at lumapit sa mga bakal.

"744 hours and 23 minutes to be exact now." Sabi niya. Biglang nanlaki ang mga mata ko. 744 hours?

"Ibig sabihin, mahigit sa isang buwan akong tulog?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Lumingon siya tsaka tumango. Napaupo ako sa lupa tsaka yumuko at inisip ang nangyari noong gising pa ako.

Magsuswitch na sana kami noon ng may biglang humarang sa daanan namin. Ang mga black safarian. Sinabi nila na 'Welcome back our queen!' Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nila. Tinawag akong queen?

"W-what are you talking?" Tanong ko. Nagkatinginan silang lahat.

"Hindi pa ikaw ang reyna namin?" Tanong nila. Anong reyna ang sinasabi nila?

"A-anong reyna? Sinong reyna ang tinutukoy ninyo?" Utal kong tanong. Lumapit sa akin ang isang black safarian at ibinigay ang salamin.

"Ako." Nakangiting sabi sa repleksyon ko.

"I-ikaw? You mean ikaw yung sinasabi nilang queen ng mga black safarian?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumiti siya tsaka tumawa.

"Hahaha! Isn't obvious the real princess of  Icerra tribe?" Tanong niya.

"Walang hiya ka! Ginamit mo lang ako!" Sigaw ko. "Bakit mo gina~" hindi ko na naituloy dahil may pumalo sa likod ko dahilan ng pagkabagsak ko sa daanan.

"So, kumusta na ang Mistheria?" Napatingala ako sa tanong niya. Mistheria? Hindi niya ba alam na Metropolis na ngayon ang bagong pangalan nito?

"Okay lang naman." Sagot ko na lang. Tumayo ako at lumapit ulit sa mga bakal. "Paano tayo makakaalis dito?" Tanong ko.

"Seriously, eh di sana nakaalis na ako dito kung alam ko." Aniya.

"Yun nga eh, matagal ka ng nandito eh di dapat alam mo na kung ano ang gagawin." Katwiran ko. Hindi siya sumagot sa halip ay umupo siya sa lupa.

✴Metropolis Academy (ShadowMoon Princess)✴Where stories live. Discover now