Chapter 4: Puzzle door

32 2 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at tumuloy pa rin ako kahit mapanganib. Teka, bago pa ba ito sa akin? Hmmn! Well, i don't care, nand'yan naman sa tabi ko ang aking protector. Yeah, he is my protector since the incident with my bestfriend named Levi.

Okay, that's enough! Mabalik na tayo sa kasalukuyan. Kasi pag naaalala ko kasi ang bestfriend ko ay napapaluha ako which is i hated most.

So ito na, nakapasok na ako sa tinatawag nilang Mauriac kung saan nakatira ang mga mababangis na hayop na sinasabi nila. It's true na nakakatakot nga ang lugar na ito, patay lahat ang mga puno kaya nagmumukhang kaharian ng kadiliman lalo pa't gabi na rin. Tanging liwanag ng buwan na lang ang nagsisilbing ilaw sa dinadaanan ko. May maririnig kang huni ng mga uwak, mga crickets, at mga kaluskos sa may damuhan. Naglakad ako ng dahan dahan para hindi sila mabulabog, magambala, magising o anuman.

Crrrrkkk!

Sh*t! Napaupo na lang ako bigla at napayuko dahil may naapakan akong sanga. Narinig ko naman na mas dumami yung narinig ko kanina. Iniangat ko yung ulo ko kung may paparating na hayop sa kinaroronan ko, pero thankful naman dahil wala akong nakitang hayop maski ni isa. Tumayo ako at naglakad ulit pero may naapakan na naman akong sanga kaya naman may narinig na akong ingay na palakas ng palakas patungo sa akin. Juscolored! H-E-L-P! Huhuhu!

Nasa likod ako ngayon ni Deimos dahil nakakatakot talaga ang mga hayop na ito. Mapupula ang mga mata, matutulis na kuko at ngipin at may naglalaway pa. Naku po, pagpefiestahan na talaga ako nito! Sumilip ako. Napatakip na lang ako bigla dahil palapit ng palapit sila. Eto na naman tayo, magdadasal na naman ba ako nito?

"Tss, idilat mo nga yung mga mata mo?" Napadilat naman ako bigla dahil sa utos ni Deimos sa akin.

"Anyare?" Tanong ko. Imbes na kakainin nila ako or whatever ay nakaluhod silang lahat.

"I don't know. Bigla na lang silang nagsiluhod lahat." Tugon niya.

"Siguro natakot sila sa'yo." Pang asar ko sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Maligayang pagdating kamahalan!" Nanlaki naman yung mata ko dahil may narinig akong nagsalita.

"Narinig mo yun?" Takang tanong ko kay Deimos. Tumango siya. "Sino kaya 'yun?"

"Kami po kamahalan!" May narinig akong boses ulit. Kaya naman palinga linga akong tumingin sa paligid.

"Tss, 12:00." Kaya naman tumingin ako sa taas. Dalawang malalaking puting lobo ang nasa taas. Bumaba sila at lumuhod sa amin. Ang cucute naman ng mga asong ito! Ang sarap sigurong yakapin! Naramdaman ko naman na siniko ako ni Deimos at sinamaan pa ako ng tingin. Problema nito!

"Maligayang pagbabalik kamahalan." Sabi pa nila. Sinong kamahalan ang tinutukoy nila? Baka naman si Deimos yun.

"Nakikita ba nila ako?" Tanong sa akin ni Deimos. Tiningnan ko yung dalawang puting lobo at si Deimos. Oo nga, nakatitig nga sila kay Deimos.

"Oo." Sagot ko.

"Sumunod kayo sa amin. Malapit na sila." Sabi nila.

"Po? Sino po yung malapit?" Tanong ko.

"Sumunod na lang kayo." Sabi nila sabay talikod. Agad naman kaming sumunod sa kanila. Hindi namin alam kung sa'n patungo ang tinatahak naming daan basta ang alam ko kailangan naming sumunod sa kanila.

Oras rin ang nagdaan, hindi pa rin kami tumitigil sa paglalakad. Nakakaramdam na nga ako ng antok eh!

"Okay ka lang?" Tanong ni Deimos sa akin. Tumango ako.

✴Metropolis Academy (ShadowMoon Princess)✴Where stories live. Discover now