The Apprentice's Scythe
Prologue
"HE'S crashing, Doc!" sigaw ng isa sa mga tatlong nurse na nagsasalba ng buhay ni Baro Vinzuela: 27 years old, a victim of multiple gunshot wounds. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa kanya bago pa man ito madala sa hospital at maagapan. Mukhang magiging huli na ang lahat para sa kanya.
"Doc, we're losing him!" sigaw pa ng isa sa dalawang doktor na nasa loob ng operating room habang patuloy pa rin sa pagde-defibrillate sa nag-aagaw-buhay na si Baro. Pinipilit naman ng ibang nurses na pigilan ang pagdurugo sa katawan nito.
"Clear!"
The cardiac monitor gave a slow and steady beep. Natigil ang lahat, isa-isang napabuntong-hininga saka naglakad palayo sa pasyente. Napatingin ang isang doktor sa wall clock at sinabing, "Time of death, 9:24am."
Parang nanaginip nang napakatagal si Baro nang imulat nya ang mga mata nya. Nagising sya sa kwarto na puro puti ang makikita at sa kamang napaka-komportableng higaan. Maraming doktor at nurses sa paligid nya. Nagkakagulo.
Naupo sya mula sa pagkakahiga. Hindi nya maintindihan kung ano ba ang napanaginipan nya. Para totoo. Hindi naman na unusual sa kanya ang magkaroon ng panaginip na tulad nun. Pwede syang magising anytime pero bakit parang pakiramdam nya tulog pa rin sya hanggang ngayon, samantalang mulat na mulat na ang mga mata nya. It was as if that dream—or nightmare—continued to play out in front of him.
Sinubukan nyang kurutin ang sarili nya pero walang nangyari. Parang hindi sya nagigising. Ni hindi nga sya nasaktan. Maya-maya, nakarinig sya ng isang nakakabinging tunog—yung automatic long beep na tutunog kapag failed ang operation sa pasyente. Unti-unti ring humupa ang tensyon sa mga nagkakagulong doktor at nurses sa kanilang ginagawa.
"Time of death, 9:24am."
Napatingin sya sa doktor na nagsabi nun at kitang-kita nya mula sa mukha nito ang lungkot at pagkadismaya, ganun din ang ilang mga nurses. Isa-isang lumabas ng kwarto ang mga ito hanggang sa maiwan syang mag-isa. Dahan-dahan syang umalis sa pagkakaupo sa kama at nilapitan ang cardiac monitor na tumunog kanina. Sinubukan nya itong hawakan at nagulat sya nang wala syang naramdamang matigas na bagay na dumampi sa balat nya.
"What the. Bakit tumagos?!" was his reaction. He took a few steps back and turned around when he saw something that gave him a piece of dread, ticking at his spine.
"Oh shi—" he cursed. Hindi mawala ang gulat sa mukha nya nang makita nya kung sino ang nakahiga sa kamang hinihigaan nya kanina.
Baro Vinzuela.
Kamukha nya.
Teka. . . Siya 'yun.
Siya 'yun, 'di ba?
May bandages na nakapaikot sa ulo nya, ganun din ang balikat at binti nya na pareho-parehong duguan.. Punong-puno ng dugo ang katawan nya. Puro sya sugat.
Pinilit nyang ipikit ang mata nya. Sinubukan nyang kurutin at sampalin ulit ang kanya sarili, "Gumising ka, Baro. Gising! Gising! Urgh, dammit!"
Dahan-dahang binuksan nya ang kanan nyang mata sakan 'yung kaliwa pero. . . pero nasa harap nya pa rin talaga ang walang buhay nyang katawan. Pati ang takot na nararamdaman nya ay hindi man lang nawala. In under normal circumstances, seeing a dead body probably wouldn't scare Baro this much. But these weren't normal circumstances! Bangkay nya mismo ang nasa harapan nya!
Napansin nya ang bracelet na nakasuot sa kanang braso nya. 'Yung bracelet na bigay ni Cassie sa kanya. Walang duda na katawan nya nga 'tong nasa harap nya. And seeing that bracelet made him wonder why he hadn't dreamt of his girlfriend, Cassie, and his six-year old son, Jason.
BINABASA MO ANG
The Apprentice's Scythe
FantasíaHindi alam ni Baro ang mga nangyari bago sya magising katabi ng walang-buhay nyang katawan. Nagulat na lang sya na kasama na nya ang Grim Reaper, na kilala bilang si Death, at kailangan nya itong tulungan sa pagpapatawid sa mga kaluluwa habang unti...