The Apprentice's Scythe
Chapter 9
Death Made a Promise
What the.
"Bakit sila magkasama? Teka, anong nangyayari?" punung-puno ng pagtatakang tanong ni Baro. Sa dami ng tao sa mundong 'to, bakit sila ang magkasama? Ni hindi man lang na-imagine ni Baro ang bagay na 'yun. Si Ethan at Shelly? Magkakilala?
What the hell?
Ganu'n na ba talaga kaliit ang mundo?
"Hindi mo maalala kung anong meron sa kanila at kung bakit sila magkakilala?" tanong ni Death.
That was an understatement.
"Hindi," sagot ni Baro. "Hindi ko maalala." Muling tiningnan nya ang dalawa. Hawak ng mga ito ang kamay ng isa't isa.
"Alam mo na ba ang tungkol sa kaibigan mo?" tanong ni Ethan kay Shelly.
Napangiti nang pilit si Shelly. "Yeah, he's dead. But everything's okay, wag kang mag-alala. You already have so much on your plate with Baro."
"Gusto kong ipagdasal nang ipagdasal ang kaibigan ko."
"Umalis na tayo." Itinaas ni Death ang karit. Wala na ring nagawa pa si Baro kundi ang humawak dito. Masyado na syang maraming nalalaman na labis nyang ikinakagulat. Ayaw nya na munang makipagtalo o magtanong nang magtanong.
Natagpuan nya ang kanyang sarili sa loob ng isang umaandar na kotse. Kotse na naman? Napatingin sya sa paligid. Katabi nya si Death at sa harapan nila ay ang driver ng kanilang sinasakyan; isang lalaking kulay brown ang buhok at sa tabi nito ay isang babae. Madilim sa labas at hindi niya alam kung nasaang lugar sila. Puro puno lang ang nakikita nya sa bawat nadadaanan nila. Tahimik ang daan ngunit sapat ang tugtugan na nilalabas ng radyo para magkaroon ng kahit anong ingay sa kinaroroonan nila.
"Kido, are you sure about this? Tama ba 'yung dinadaanan natin? Parang ang creepy kasi e. I'm scared."
Tumingin si Kido sa girlfriend nya. "Kalma ka lang, Nikki. The GPS will get us there. Trust the Tom Tom!" sabi pa nito nang nakangiti.
Tumawa si Nikki. "Well, I don't think Tom Tom knows where he's taking us."
Nagpatuloy lang sa pagdrive si Kido. Maya-maya, unti-unti nitong binagalan ang pagtakbo. Nakatingin lang ito sa harap, sa ilaw na nagbibigay -liwanag sa daan dahil walang kahit na anong street lights man lang sa dinadaanan nila.
"Bakit, Kido? May problema ba?"
Mabilis na sumagot si Kido. "Wala naman. Nagtataka lang ako kung bakit walang mga bahay."
Itinuon ni Nikki ang paningin niya sa harap at unti-unti nyang nakita ang isang pigura ng lalaki na nakatayo sa gitna ng kalsada 'di kalayuan sa kanila. "Look! Wait, wait, wait! Slow down," sambit nito sa kanyang boyfriend at tinuro ang taong nasa harapan nila. Isang lalaki, nakatungo at bagsak ang balikat nito. Hindi ito gumagalaw na parang isang estatwa.
"Bubungguin ba natin sya?" tanong ni Baro kay Death, iniisip nyang baka ito ang susunduin nila.
Hindi sumagot si Death.
"Hindi ba sya aalis?" inis na tanong ni Nikki.
Sumagot si Kido. "Baka kailangan nya ng tulong."
"What?" gulat na tanong ni Nikki nang itinigil ni Kido ang kotse. "Hey, don't stop the car," dagdag pa nito. Bakas sa muka niya ang kaba dahil pakiramdam nya ay may kakaiba sa lalaking iyon.

BINABASA MO ANG
The Apprentice's Scythe
FantasyHindi alam ni Baro ang mga nangyari bago sya magising katabi ng walang-buhay nyang katawan. Nagulat na lang sya na kasama na nya ang Grim Reaper, na kilala bilang si Death, at kailangan nya itong tulungan sa pagpapatawid sa mga kaluluwa habang unti...