The Apprentice's Scythe
Chapter 5
Promises Between Life and Death
"Anong ginagawa nya? Bakit may hawak syang baril?" pag-uulit ni Baro sa tanong nya.
Naupo sa bleachers si Wayne habang hawak ang baril. Ramdam nya kung gano kalamig ang bagay na ito at kung pano ito dumampi sa mainit at nangangatog nyang palad. Pinasok nya ang kanyang daliri sa gatilyo nito at itinutok sa mga ibon na lumilipad sa taas nya.
"Bang bang," bulong nya na animo'y pinapatamaan ang mga ibon. "Bang bang."
Tumingin si Baro kay Death. "Pwede ko ba syang makausap?" Bago pa sumagot si Death ay naramdaman nila na may mga paparating sa kinaroroonan nilang tatlo. Dahilan para umayos ng upo si Wayne at mabilis na ipinasok ang baril sa loob ng bag nya. Lumipat sa kanya ang tatlong kabataang lalaki.
"Nandito pala 'yung ampon e. Hindi ka ba nagsasawang mag-isa?" mapang-asar na bungad ng pinakamatanda sa tatlo. "Sabagay, sanay ka na siguro. Nga pala, nabalitaan ko na namatay daw 'yung nanay mo sa loob ng Diamond Motel. Sinabi din nila na prostitute daw sya. Totoo ba 'yun?"
Nagsitawanan ang tatlo at napansin ni Baro na napakuyom ng kanyang kamao si Wayne. Nakatingin ito sa kawalan habang pilit na pinipigilan ang paglabas ng luha sa mata nya. Hindi man nito pinapansin ang tatlo, naririnig naman nya ang mga masasakit na salitang binabato sa kanya. Maya-maya, napayuko sya at tinitigan ang bag na dala nya.
"Totoo 'yun, dude! Pinagrasuan mo 'yun nung isang linggo, 'di ba Cody? Nanghingi pa sa'yo ng tatlong libo!" matawa-tawang sabi naman ng isa.
Napangisi si Cody. "Yeah. Nagsayang nga lang ako ng tatlong libo sa putang 'yun e. Sana pala isa na lang sa mga kaibigan nya ang binayaran ko. Nga pala, baka gusto mong makilala 'yung iba pang kaibigan ng nanay mo?"
"'Wag ka ngang ganyan, Cody. Alam mo namang ampon sya e. Hindi nya kayang magbayad ng tatlong libo!" Nagtawanan ulit ang tatlo habang hinihintay ang reaksyon ni Wayne. Nang mapagod sa pang-aasar ang tatlo ay agad namang umalis ang mga ito habang tinatawag sya ng kung ano-ano.
Nang mag-isa na lang si Wayne, nagsimulang tumakas ang mga luha na kanina nya pa pinipigilang ilabas. Walang emosyon ang mukha nya pero nang mapatingala ito, napatitig si Baro sa mga mata nya. Nakikita ni Baro kung gano ito kalungkot, kung gano ito nahihirapan at nasasaktan. Naiinis sya mundo. Bakit kailangan nya pang mabuhay kung papahirapan lang din naman sya? Bakit kailangan nyang maging mag-isa?
Pinunasan nya ang luha nya at ibinalik ang tingin sa kanyang bag na dala. Kinuha nya ang isang netbook na kinuha nya sa office ng professor nya. Binuksan nya ito at nanginginig na itinutok sa kanya ang camera.
"Kung sakaling napapanood mo man 'to ngayon, malamang marami kang tanong sa isip mo. Isa na dun ay kung bakit ko ginawa ang bagay na ginawa ko. Uh.. mali, dapat pala magpakilala muna ako.
"Ako si Warren Y. Nesbith. Wayne for short. Wala akong kuya o ate o kahit na nakakabatang kapatid man lang. Wala akong magulang . . . wala na. Sabi nila, ampon ako. Totoo naman. May umampon sa'kin pero ayoko sa kanila. A few days ago, 'yung totoo kong nanay. . ." Napatigil sya at nagsimulang umiyak pero agad nya namang pinunasan ang mga luha nya.
"A fews days ago?" tanong ni Baro. "Teka, kanina lang 'yun ah!"
"Time means nothing to death, 'di ba? Ang few days ago nila, kanina lang para sa'tin," pagpapaalala sa kanya ni Death.
Tumango na lang si Baro at ibinalik ang tingin kay Wayne.
"Nandito ako kasi gusto kong malaman mo at ng school na 'to na dapat maging mabait kayo sa kahit kanino. Lalo na kung 'di mo ganun kakilala ang isang tao. Don't judge. 'Wag mong gawin sa ibang tao 'yung ginawa mo sa'kin kasi pwede magkaroon ito ng kakaibang epekto sa utak nila.
BINABASA MO ANG
The Apprentice's Scythe
FantastikHindi alam ni Baro ang mga nangyari bago sya magising katabi ng walang-buhay nyang katawan. Nagulat na lang sya na kasama na nya ang Grim Reaper, na kilala bilang si Death, at kailangan nya itong tulungan sa pagpapatawid sa mga kaluluwa habang unti...