The Apprentice's Scythe
Chapter 2
The Heaven's Light
Biglang pumasok sa isip ni Baro ang college years nya. In his first year, he was the invisible and commoner freshman while his bestfriend was the basketball team captain and generally popular among the students. They were practically opposite. And being invisible, isa sya sa mga mase-swerteng estudyante na pinagtitripan ng mga bully sa school nila.
Oh, and speaking of bully, isang pangalan lang ang naaalala nya: Virus Tolentino, one of Ethan's star player in his basketball team. Lagi sya nitong pinagtitripan at inaasar. Kumbaga, suki sya sa pang-aalaska nito 'pag walang magawa ang mokong. At pagkatapos ng ilang beses na pang-aasar na 'yun, binalak nya 'tong gantihan.
Lunch time. Lahat ng estudyante nasa cafeteria para kumain. Maabilis nyang tinapos ang kanyang pagkain para magtungo sa locker room upang lagyan ng napakaraming condoms ang locker ni Virus. Para kapag binuksan nya 'to, SURPRISE! Maglalaglagan lahat ng condoms at pagtatawanan sya ng lahat ng estudyante na nasa hallway.
Tuwang-tuwa sya sa binabalak nya at patawa-tawa pa nang may babaeng biglang nagsalita sa gilid niya. "Anong ginagawa mo?"
Napatigil sya at napatingin dito. Nakasandal 'to sa locker habang nakatuon ang atensyon sa librong binabasa nya. Ako ba kausap nito, tanong nya sa sarili nya. Mukha kasing busy ang babae sa pagbabasa tapos bigla na lang magsasalita na parang may kausap.
"Ako ba kinakausap mo?" Turo nya pa sa sarili nya.
"May iba pa bang tao na nandito?" masungit na sagot ng babae kaya napatingin naman sya sa paligid nya. Wala nga namang tao. "Ano ngang ginagawa mo? Locker 'to ni Virus ah."
Napatingin si Baro sa mga hawak nyang condoms at ngumiti nang pilit. Ugh. Anong sasabihin nyang palusot? "Uh...ano...bigyan ko d-daw sya ng condoms e," pagsisinungaling nya.
"Si Virus Tolentino, yung taong 'yun, nanghihingi sa'yo ng condoms?" Napahagalpak ng tawa 'yung babae at halatang hindi ito makapaniwala sa sinabi nya.
Baro could feel his plan being destroyed."Fine, fine. Balak kong gantihan sya sa lahat ng pang-aasar na ginagawa nya sa'kin. Gusto ko lang naman na mapahiya sya. That's it."
Tumango lang 'yung babae. "I see." Nag-isip ito saglit at may kinuhang kahon sa bag nya. "Here. Hindi ba mas effective 'to?" Binigay nito ang kahon at nagulat si Baro nang makitang tampons ang laman nito. "Condoms aren't going to embarrass him. Mas lalong maiinlove ang mga malalanding babae sa kanya kasi duh, ready sya kung sakaling—Nevermind! Why don't you let tampons do the trick?" Kinuha nya lahat ng condoms na nilagay ni Baro sa locker at pinalitan ito ng tampons.
"Thanks," sabi lang ni Baro, pinipilit na ngumiti.
"Anyway, kailangan na natin bumalik sa cafeteria. Baka mahalata tayo," sabi ng babae saka sya hinigit papalayo ng locker. Baro couldn't believe how cool she was. And at that time, hindi nya alam na bestfriend pala sya ni Fumi—his soon-to-be-girlfriend.
"Baro!" Napalingon si Baro nang may tumawag sa pangalan nya. Si Ethan. "Bakit wala ka sa cafeteria? Tara kain tayo—" Napatigil ito nang mapansin 'yung babaeng kasama nya. "Oh, Cassie. Magkakilala kayo?"
Tumango si Cassie. "We're old friends actually. Sige, una na kami. Bye, Ethan!" Saka nito hinila si Baro and that leaves a look of disappointment on Ethan's face. No one saw it though.
BINABASA MO ANG
The Apprentice's Scythe
FantasyHindi alam ni Baro ang mga nangyari bago sya magising katabi ng walang-buhay nyang katawan. Nagulat na lang sya na kasama na nya ang Grim Reaper, na kilala bilang si Death, at kailangan nya itong tulungan sa pagpapatawid sa mga kaluluwa habang unti...