The Apprentice's Scythe
Chapter 7
The Well of Hell
Namimilipit na sa sobrang sakit si Baro. Hindi nya naiintindihan kung anong nangyayari sa kanya. Tila may sumasakal sa kanya at may kung anong matulis na bagay ang sinasaksak nang sinasaksak ang kanyang likuran. Kaunti na lang at tatakas na sya sa kanyang katinuan.
"J-Josie. T-tama na! Please..."
"Sinungaling ka!" sigaw ni Josie. Nakalutang ito sa ibabaw nya at naglalabas ang kaluluwa nito ng pulang usok. Umiilaw din ang ngayo'y kulay pulang mata nito. "Nangako ka na babantayan mo si Wayne at sinabi mo na walang mangyayaring masama sa kanya! Anong nangyari sa kanya ngayon? Wala na sya! Ni hindi man lang sya nakaakyat sa langit! Anong ginawa mo?!"
"H-hindi ako nangako sa'yo. Ano bang hindi m-mo maintindihan?" Pinilit ni Baro na magsalita kahit napapaungol pa rin sya sa sobrang sakit. Sinusubukan nyang huminga nang malalim upang maibsan ang sakit ngunit hindi nya magawa. Pakiramdam nya ay may kung anong parte ng pagkatao nya ang nabubura at unti-unting nawawala na tila may kung anong halimaw ang kumakain dito. "Ano bang g-ginagawa mo sa'kin?! Tama na!"
"Kinukuha kita. Kung hindi nakapunta sa langit si Wayne, hindi ka rin makakapunta dun. Kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo!"
"Tama na 'yan!" sigaw ni Death na agad namang narinig ni Baro nang pumasok ang boses nito sa isip nya. Matinding galit ang nararamdaman nito kaya't doble na ang sakit na nararamdaman nya.
Bukod dun, naramdaman din ni Baro ang kapangyarihan ng Grim Reaper. Hindi ito naririnig ni Josie ngunit nakikita naman nito ang unti-unting pag-angat ng napakalaking itim na usok sa paligid nito. Binalot ng napakainit na temperature ang buong paligid at unti-unting nawawala ang mga sakit na nararamdaman ni Baro.
"Ulitin mo lahat ng sasabihin ko," utos ni Death kay Baro.
Tumingin si Baro kay Josie na ngayo'y pinapalibutan ng itim na usok. Nakatingin lang si Baro dito habang pinapakinggan ang lahat ng sinasabi sa kanya ni Death, kinabisado ang bawat linyang binibitawan nito. Nakaluhod pa rin sya at nakatingala kay Josie.
"You're so pathetic," pagsisimula ni Baro sa unang sinabi ni Death.
Umilaw ang pulang mata ni Josie. "Anong sinabi mo?!"
Dahan-dahang tumayo si Baro at tumingin kay Death na animo'y ginagabayan sya nito sa bawat salitang bibitawan nya. "Wala kang pakialam sa anak mo nung buhay ka pa, nung magkasama pa kayo, pero bakit kailangan mong bumalik dito para lang maghiganti ngayong wala ka na sa mundong 'to? You should've let him go, tutal wala ka namang binigay na pagmamahal sa kanya simula pa lang nung una."
Tumingin si Josie kay Death. "Galing ba sa'yo ang lahat ng sinasabi nya?" Tumango si Death. "Oo, wala akong pakialam sa kanya. Mas inaalala ko ang sarili ko kesa sa anak ko pero hindi ibig-sabihin nun na ganun lang 'yun. Tao lang ako. Natural lang na makagawa ako ng maling bagay. Natural lang na maging madumi ako at maging makasarili. Kaya nga napunta ako sa purgatoryo at hindi sa impyerno, hindi ba?"
"Wala ka dito para ipaghiganti si Wayne, tama? Nandito ka para kunin ang parte ng kaluluwa ko kasi hindi ko pinanghawakan ang pangako ko sa'yo. P-pwede mo nang kunin," sambit ni Baro, paraphrasing what Death was telling him. Pero ang totoong sinabi ni Death ay, 'Yung pangako mo na bantayan si Wayne ay ginawa mo kasama si Josie pero ang totoong dapat na tumanggap ng pangakong 'yun ay si Wayne. Burado na ang existence nya sa mundong 'to, so that promise became null and void. Walang sinuman ang makakakuha ng parte ng soul mo bukod kay Boss. 'Wag kang matakot.
BINABASA MO ANG
The Apprentice's Scythe
FantasíaHindi alam ni Baro ang mga nangyari bago sya magising katabi ng walang-buhay nyang katawan. Nagulat na lang sya na kasama na nya ang Grim Reaper, na kilala bilang si Death, at kailangan nya itong tulungan sa pagpapatawid sa mga kaluluwa habang unti...