Chapter 10: His Girl's Revelation (2/3)

33 5 5
                                    



The Apprentice's Scythe

Chapter 10 (Part 2)

His Girl's Revelation


"Cassie?" Gulat na gulat si Baro. Hindi lang kaluluwa ni Cassie ang nakikita nya kundi pati na rin ang mga itim na anino—the mark of Hell. Was she responsible for taking someone's life? Siya ba ang pumatay sa kanya?

"Hindi na ako magugulat pa na makita ka dito. Did your little girlfriend come and see you at the morgue?" sarkastikong sabi ni Cassie.

Napangiwi si Baro sa tono ng pananalita ng kanyang girlfriend dahil hindi sya sanay na ganito ito magsalita lalo na sa harap niya. Ngunit hindi nya ito pinansin at nanatiling nakatuon ang atensyon sa mga aninong umaaligid dito. "B..bakit ka may..." Hindi alam ni Baro ang itatanong, natatakot sya sa kung anong isasagot nito.

"May ano, Baro?"

Hindi nya ba alam na meron syang sumpa? Bakit ba sya nagagalit? Dahil ba meron sa marka ng Kamatayan? Nagagalit siguro sya sa kanya kasi nagsinungaling sya? This would be logical but Baro wasn't sure.

"Ang kapal ng muka mong magpakita pa dito," galit na sabi ni Cassie.

"Cassie?"

"Cassie?" Ginaya ni Cassie ang sinabi nya sa mapanuyang tono.

"Bakit ka ba nagagalit?"

"Oh," Tumawa si Cassie. "Bakit ako nagagalit? Siguro kasi niloko mo kami ng anak mo? O siguro kasi kasalanan mo kung bakit ako nakaratay ngayon sa hospital na 'to? Bakit ba hinabol mo pa kami nung gusto ka na naming iwan? Ikaw naman ang nauna, hindi ba?"

"Makinig ka, Cassie. Sorry, hindi ko sinasadyang saktan ka, hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin ko nang mga oras na 'yun."

"Hindi mo alam? Dahil lang sa hindi mo alam kung anong gagawin mo? You should have told me about your problem, Baro. Pero ano bang ginawa mo?! Mukang kinalimutan mo ko!"

Ramdam na ramdam ni Baro kung gano kalaki ang galit na nararamdaman ni Cassie. Wala syang ibang nagawa kundi ang mapayuko. "Sorry, iniwan kita."

"Hindi lang ako, Baro. Sinaktan mo din ang anak mo! Lagi kong nakikita ang pagmamakaawa nya sa'yo na makipaglaro pero anong ginagawa mo? Hinihindian mo sya kasi sabi mo pagod ka, hindi pwede, may gagawin ka, ano pa? Ano pa bang mga dinahilan mo? Alam ko na. Ssiguro kasi may iba ka nang babae at may pinagkakaabalahan ka na. Ang sama mo!" sigaw ni Cassie.

Muling tumingin si Baro sa kasintahan. "Look, alam kong nagkamali ako. Pero ako lang ba ang masama dito? Ako lang ba ang nagloko?"

"Ako?" Napatawa si Cassie habang tinuturo ang sarili.

"C'mon. Tatayo ka lang ba dyan, sisisihin ako sa lahat at hindi magsasalita tungkol sa inyong dalawa ni Ethan?" Sinusubukan ni Baro ang maging mahinahon.

"Oh my God, Baro." Bakas sa muka ni Cassie ang gulat dahil sa akusasyon ng kasintahan. "Nababaliw ka na ba? Why in the world would I ever... with Ethan? My God, Baro. Imposibleng mangyari 'yun!"

Relief flooded through Baro. "May mga naaalala akong mga bagay at nakita ko na masyado kayong close ng kaibigan ko."

Nagsimulang tumawa si Cassie. "God, sana kaya kong ipakita sa'yo kung pano ko naaalala ang lahat."

"Kaya nya," sabat ni Death na agad namang narinig ni Baro. "Utusan mo syang pumikit at isipin ang mga bagay na gusto nyang ipakita sa'yo."

Pinagawa ni Baro kay Cassie ang sinabi ni Death. Itinaas naman ni Death ang kanyang karit at itinutok kay Cassie. Lumabas sa dulo ng karit ang kakaibang usok at binalot nito si Cassie. Maya-maya, sandaling nagdilim ang paligid, gayundin ang paningin ni Baro, saka biglang nagliwanag. The memories started flooding Baro's head na parang inililipat ni Cassie sa kanya ang lahat ng alaala nito.

The Apprentice's ScytheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon