Chapter 1: Heaven or Hell

95 7 13
                                    

The Apprentice's Scythe

Chapter 1

Heaven or Hell

"MURDERED?" pag-uulit ni Baro sa huling salitang sinabi ni Death. "Ako? Minurder? Teka teka—"

"Ganon ba talaga kahirap tanggapin 'yun?" Nakatayo lang si Death sa harap nya.

Napakunot ng noo si Baro. "Nandito ka ba para sunduin ako? Sa langit ba 'ko pupunta?" tanong nya pa kaya't maya-maya nagkaroon na naman ng malakas na halakhak sa isip nya. Nakakabinging halakhak ng kamatayan.

"Not exactly," sagot lang nito.

"Not exactly? Edi pupunta akong impyerno, ganun ba? Naging mabait naman ako. Bakit sa impyerno ako mapupunta?" Napaisip sandali si Baro kung may ginawa nga ba syang mali bago sya mamatay. "Ano nga ulit 'yung ten commandments? Honor thy mother and father. Ginagalang ko naman sila. Thou shall not steal. Hindi ako nagnanakaw pero—okay, nagda-download ako ng mga illegal movies pero kasama ba yun? O baka dahil sa mga porn na pinapanood ko? Ginagawa naman ng lahat 'yun! Hindi lang ako!" Nakarinig na naman sya ng halakhak sa likod ng utak nya. This time, mas malakas 'to. "Pwede ba, walang nakakatawa."

"Hindi ka pupuntang impyerno, Baro."

"Hindi?" agad nyang tanong.

"Hindi. . . pa," malokong sagot nito. If Death has face, he may have this smirk on it.

"Huh? Edi pupunta pa rin akong impyerno?" tanong pa ulit ni Baro na nagpatawa na naman kay Death. "Hindi ko alam na hindi pala seryosong nilalang ang Grim Reaper. Sabihin mo sa'kin ang totoo. Hindi ba talaga ako pupuntang langit?"

"Uh, that's a possibility."

"Diretsuhin mo na nga kasi! Anong mangyayari sa'kin? Saan mo ako dadalhin?!" Baro was shouting. Naramdaman nya ang biglaang pagdilim at paglamig ng paligid. Napaluhod sya nang walang dahilan na tila lumakas ang gravity sa kinaroroonan nya. Bumigat ang nararamdaman nya. He could feel an anger releasing from death. It suffocates him.

Ang kaninang malokong boses ay napalitan ng nakakakilabot. "Hindi ba sinabi ko sa'yo? Watch your tone with me, mortal."

Nakaramdam ng iba't ibang sakit sa buong katawan si Baro. Na parang may nananaksak sa kanya. Para syang hinahampas ng kung ano-ano. Halo-halong torture ang ginagawa sa kanya ng kausap nya.

"Sorry na. S-sorry na!" pagmamakaawa nya at unti-unti din namang nawala ang sakit na nararamdaman nya.

"Dapat alam mo kung san ka lulugar. Ngayon, sagutin mo ko. Hindi mo ba talaga naaalala ang lahat ng nangyari sa'yo? Subukan mong alalahanin."

Sinubukan nyang ipikit ang mga mata nya at agad na pumasok sa isip nya ang kanyang anak at ang girlfriend nya. Biglang nagbago ang lahat ng nasa paligid nya. Nakita nya si Cassie na may kayakap na ibang lalaki. Patawa-tawa syang nakatitig sa lalaki saka ito hinalikan. Pagkatapos nun ay lumapit sa kanya si Cassie at hinawakan sya sa kaliwang pisngi. Sa sobrang pagkalito, akmang hahakbang na sana sya nang biglang naglaho ang lahat at bumalik sya sa realidad kung saan kasama nya ulit si Death.

What the?

May ibang lalaki si Cassie? Hindi. Hindi pwede! Mahal sya ni Cassie. Hinding-hindi nya magagawa 'yun. Hindi sya lolokohin ng girlfriend nya! At s-sino 'yung lalaki? Sya kaya ang pumatay sa kanya?

"So. . . may naalala ka na? Nakita ko rin ang lahat." Death's voice penetrated Baro's thoughts.

"Nakita ko ang girlfriend ko na may ibang lalaki. Mukhang masaya sya. May kinalaman ba 'yun sa pagkamatay ko?" tanong nya.

The Apprentice's ScytheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon