Chapter 4: The Old Man's Love

36 4 6
                                    

The Apprentice's Scythe

Chapter 4

The Old Man's Love

After taking another trip with the Reaper's scythe, Baro found himself back at the hospital.

"Bakit dito tayo pumunta? Anong gagawin natin dito?" he asked.

Hindi sumagot si Death kundi ay nagtungo ito sa maliit na chapel sa dulo ng hallway kung san sila napadpad. Magtatanong sana ulit si Baro kung san nila balak pumunta pero wala na itong nagawa kundi ang sumunod na lang. Nang makarating sila sa mismong harap ng chapel ay agad na sumilip si Baro sa loob nito. Nandoon si Ethan, nakaluhod at mukang nagdadasal. Nanginginig ang mga balikat nito na mahahalata mong umiiyak sya.

Pero bakit? Bakit sya umiiyak? Agad na tanong ni Baro sa kanyang sarili. Kahit kailan, hindi pa nya nakitang umiyak ang kaibigan nya. Well, pwera na lang nung ihagis niya ang bola ng basketball dito at aksidenteng tumama ito sa ibabang bahagi ni Ethan.

"Bakit sya umiiyak?" Tuluyan nang nailabas ni Baro ang kaninang tanong nya sa kanyang sarili.

Hindi sumagot si Death.

A sigh of relief escaped from him. "Wala akong makitang mga anino sa paligid niya. Ibig-sabihin hindi sya ang pumatay sa'kin. Baro naman. . . Bakit mo nga ba sya pinag-isipan nang masama? Kaibigan mo sya. Tingnan mo. Mukang nagluluksa pa sya sa pagkawala mo oh." Hindi mapigilan ni Baro ang hindi mapangiti habang kinakausap ang kanyang sarili.

He could feel an impatience feeling surrounds him. "Kailangan na nating umalis."

"Bakit ka nagmamadali? Hindi naman mahalaga ang oras sa'yo, 'di ba?" pasaring ni Baro sa kasama kaya't agad syang nakatanggap ng pananakit ng katawan.

"Your vanity is exhausting. As my assistant, ang trabaho mo ay sundin ang kahit na anong utos ko," inis na sabi ni Death. "Umalis na tayo."

"Okay, okay sorry. Gets ko na. Ikaw ang boss. Oh tara na." Kaagad naman nawala ang pananakit ng katawan ni Baro. Buti na lang mabilis kausap ang Grim Reaper. Isang sorry lang, okay na.

Bago umalis ay tiningnan muna ni Baro si Ethan saka sumunod kay Death. Nagtungo sila sa fourth floor ng hospital. Napatingin si Baro sa sign na bumungad sa kanya pagdating nila sa palapag na 'yon: CANCER WARD.

Pumasok sila sa isang kwarto kung saan may nakahigang matandang lalaki sa kama, mukhang sobrang hina na nito at mahahalata mong may iniindang malubhang karamdaman. May kasama itong matandang babae na hindi nalalayo ang edad sa lalaki, mukhang pagod na pagod na rin ito sa pagbabantay. Tumayo ito at humarap sa matandang lalaki.

"Alfred, mahal ko, bababa muna ako para bumili ng makakain natin. Babalik agad ako. 'Wag mo akong iiwan," sabi nito. Hindi sumagot ang lalaki.

Nang makalabas na ang matandang babae ay nakaramdam si Baro ng lungkot para dito dahil alam nya kung ano ang susunod na mangyayari. Walang kaalam-alam ang kawawang matanda na sa pagbabalik nya ay hindi na nya maaabutan pang humihinga ang kanyang asawa.

"Hindi naman ako aalis! Dito lang ako, mahal ko. Hihintayin kita!" Napalingon si Baro sa matandang lalaki nang marinig nyang magsalita ito. Wala na ito sa kanyang katawan at pailing-iling na nakatayo sa tabi ng kamang hinihigaan nya kanina. "Kung aalis ako, wala nang matitira sa kanya. Maiiwan syang mag-isa kaya hindi ko sya pwedeng iwan," bulong pa nito sa sarili.

Napangisi nang bahagya si Baro.

"Anong nginingisi-ngisi mo dyang bata ka? Tingin mo ba hindi kita kayang bugbugin dahil matanda na ko?" pananakot ng matanda sa kanya.

The Apprentice's ScytheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon