Chapter 8: Memory Manipulator

43 4 1
                                    


The Apprentice's Scythe

Chapter 8

Memory Manipulator


"Dalhin mo 'ko sa kanya. Buhay pa ba sya? Gusto ko syang makita!"

Halos mabaliw na si Baro dahil sa nalaman nya. Hindi sya makapinawala na siya ang dahilan kung bakit bumangga ang kotseng sinasakyan ni Cassie. Mahal na mahal nya ito higit pa sa sarili nya. Bakit nya ginawa 'yun? Pa'no nya nagawa 'yun?

Nagsimulang makaramdam si Baro ng pananakit mula kay Death. "Arrghh! Itigil mo 'yang ginagawa mo. Ang sabi ko, dalhin mo ko sa kanya!'

"Nakalimutan mo na bang assistant lang kita? I'm your boss and you cannot make demands of me," kalmadong sabi ni Death.

"I don't give a sh.t about your demands-demands kuno na 'yan. Patay na ako. Ano pang magagawa mo sa'kin?" Nanghihina ang boses ni Baro dahil sa sakit na nararamdaman.

"Ano pang magagawa ko sa'yo? Gusto mong malaman?" Imbis na hintaying makasagot si Baro, hinawakan nya ito.

Nagsimulang namuo ang isang alaala sa isip ni Baro. Napunta sya sa loob ng isang kwarto kung nasaan nandito ang bestfriend nyang si Ethan at kasama nito ang girlfriend nyang si Cassie. Pabulong na nagsasalita si Ethan. May sinasabi ito kay Cassie na hindi pwedeng marinig ni Baro. "Nagsasabi ako ng totoo, Cassie."

Tinakpan ni Cassie ang magkabilang tenga nya. "Ayokong marinig pa ang kung anong sasabihin mo, Ethan. Baro can't do that! Hindi nya magagawa sa'kin 'yun, lalo na kay Jason!"

"Hindi ako nagbibiro! I care about you and Jason. Kaibigan ko si Baro pero, Cassie, wala sya sa sarili nyang pag-iisip ngayon. Mapapahamak kayo. Wala ka bang balak na gawin man lang?"

"Ano bang gusto mong gawin ko? Tanungin ko sya kung niloloko nya ako? Kung may iba syang babae?"

"Ganun na nga! Makinig ka, Cassie, alam kong pagkatapos mamatay ni Fumi, magkasama na kayo ni Baro at kilalang-kilala nyo na ang isa't isa pero sa pagkakataong 'to, mali na ang ginagawa nya."

"Sa sariling bibig mo pa talaga mismo lumalabas ang mga salitang 'yan? Ikaw, Ethan, bestfriend mo sya, hindi ba? Magkaibigan kayo. You should be looking out for him, not me. Kung may ginagawa man syang mali, bakit hindi sya ang kausapin mo?" Tiningnan ni Cassie si Ethan na hindi man lang sumagot.

Nakita ni Baro ang pagtama ng mga mata ng dalawa at sigurado siya na may kung anong nangyayari sa pagitan nila. E ano? Anong meron sa kanila? He doesn't have any single idea. Parang may tensyon sa pagitan nila na hindi sya kumportable. Hindi nya 'yun gusto.

Huminga nang malalim si Ethan. "Tama ka. Kakausapin ko sya, lalaki sa lalaki. Isusuntok ko na lang sa muka nya 'yung mga ginagawa nya para matauhan sya."

Hinawakan ni Cassie ang braso ni Ethan. "Wag mo syang sasaktan, Ethan."

"Pero okay lang na saktan ka nya?"

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Cassie. Hindi na nya nakayanan kaya bigla na lamang ito tumulo. "Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Lumapit lalo si Ethan kay Cassie at yinakap ito saka hinalikan ang noo. "Wag kang mag-alala. Aalagaan kita. Promise 'yan."

Ganun din ang ginawa ni Cassie. Niyakap nya si Ethan at nagsimulang umiyak sa dibdib nito. Wala syang choice. Ito lang ang kilala nya na pwede nyang iyakan at pagsabihan ng lahat ng nararamdaman nya.

The Apprentice's ScytheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon