The Apprentice's Scythe
Chapter 3
Shadows and Purgatory
"Si Cassie ba 'yan?" agad na tanong ni Baro kay Death.
"Hindi si Cassie 'yan. At hindi pa sya patay."
Nawala ang kaba ni Baro pero napalitan agad ito ng katanungan. "Huh?"
"Drugs under the blanket."
Biglang gumalaw ang katawan nang may kumatok sa pinto. Tinanggal nito ang nakatalukbong na kumot sa kanya pati na rin ang syringe na nakaturok sa braso nya—enough reason for Baro to see a woman in her early forties. She had dark red hair and some smudges from her heavy handed mascara made her look like a raccoon. Nang buksan nito ang pinto ay nakita niya ang isang binata na halatang nabagot sa paghihintay sa pagbukas ng pinto. Nakapasok ang parehong kamay nito sa magkabilang bulsa ng suot niyang itim na hoodie. Mahahalatang luma na ito dahil sa kupas na kulay. Ganun din ang suot nyang pantalon na ilang araw na nyang suot at ang converse na sapatos na malapit nang mabutas ang harapan.
"San ka ba galing?" tanong nito sa babae nang pumasok ito sa kwarto. "Alam mo naman na kailangan ka sa meeting na 'yun, bakit hindi ka pumunta?"
Napabuntong-hininga ang babae at naglakad sa bedside table, binuksan nito ang drawer at kumuha ng isang stick ng sigarilyo saka ito sinindihan. "Ayoko lang. Alam ko naman na ang mangyayari dun."
Hindi nakapagsalita ang binata sa sagot ng babae kaya't nagkaroon ng mahabang katahimikan sa loob ng kwarto. Naiinis sya, nagagalit, pero hindi nya kayang ipakita. Hindi nya alam kung tama ba na magalit sya sa babaeng kaharap nya. After all, may respeto pa din naman sya dito kaya't kahit papano kailangan nyang kumalma. Kailangan nyang ipakita sa babaeng 'to na kahit ayaw niya sa kanya, ginagalang nya pa rin ito at itinuturing bilang kanyang magulang.
"Sorry, Wayne. Hindi ako nabuhay sa mundong 'to para maging isang magulang o ina," sabi pa ng babae nang hindi nakatingin sa binata.
His fists clenched in his pockets and swallowed the lump forming in his throat. "Sana inisip mo muna 'yan bago nyo ko ginawa."
"Wala na tayong magagawa, nangyari ka na. Iniwan na rin tayo ng gago mong tatay kaya't mas mabuti na lang siguro 'tong hindi din kita kasama. Maaalala ko lang sya. Magiging mahirap para sa'kin 'yun."
"Magiging mahirap . . . para sa'yo?!" Hindi na napigilan ni Wayne ang hindi mapasigaw. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha na kanina nya pa pinipigilan. "Paano ako? Naisip mo rin ba kung anong nararamdaman ko? Kung gano ako nahihirapan sa pinaggagawa mo? Seventeen na 'ko. Sa loob ng labing-pitong taon na 'yun, hindi ko pa rin nararamdaman na ikaw ang nanay ko—"
"Wayne, hindi ko alam kung ano ba ang ikinagagalit mo. Madalas naman tayong magkita ngayon, hindi tulad dati. Ayaw mo pa ba ng ganito?" Lumapit ito kay Wayne na umatras din naman. "Bakit nga pala wala ka dun sa bahay nyo?"
Hindi sumagot si Wayne. He was too hurt and angry from his mother's words and actions.
"Makinig ka, Wayne," pagpapatuloy ng babae. "Ginagawa ko lang 'to para sa'yo. 'Yung mga umampon sa'yo, mabibigyan ka nila ng magandang buhay. Mapapag-aral ka nila. Makukuha mo lahat ng gusto mo, anak."
"Anak?" hindi makapaniwalang tanong ni Wayne. "Sinong tinatawag mong anak? Simula ngayon, hindi mo na 'ko anak." His voice was hard and low. He looked into his mother's drugged out eyes.
Kahit kailan talaga, hindi sila nagkaroon ng maayos na usapan. Hanggang ngayon ba naman? Pero sabagay, mukha kasing walang pakialam sa kahit ano ang babaeng kaharap nya. Puro sarili lang ang iniisip at para bang wala itong maternal instincts or whatsoever na pwedeng maramdaman ng isang ina kapag nasasaktan ang anak nya. All she cared about was her next fix.
BINABASA MO ANG
The Apprentice's Scythe
FantasyHindi alam ni Baro ang mga nangyari bago sya magising katabi ng walang-buhay nyang katawan. Nagulat na lang sya na kasama na nya ang Grim Reaper, na kilala bilang si Death, at kailangan nya itong tulungan sa pagpapatawid sa mga kaluluwa habang unti...