The Apprentice's ScytheChapter 10 (Part 1)
His Girl's Revelation
"In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit. Amen." A priest was praying over Calvin Roxas, isang convicted killer na nasintensyahan ng kamatayan. Hindi na nagtaka si Baro dahil kitang-kita nito ang mga itim na aninong umaaligid dito, sapat na dahilan ang mga ito para malaman nyang nakapatay nga ito.
"Bakit tayo nasa kulungan? Wala dito si Cassie. Kahit kailan ay hindi sya gagawa ng krimen para makulong sya dito," inis na sambit ni Baro. Puno ng pagtataka. Buong akala nya ay dadalhin sya ni Death sa kanyang kasintahan.
"Hindi ko sinabi na pupuntahan agad natin sya."
"Father, gusto ko pong humingi ng tawad. Alam ko pong mali ang mga nagawa ko. Kung kaya ko lang siguro bumalik sa nakaraan e hindi ko gagawin ang lahat ng 'yon. Sana po mapatawad Niya 'ko." Calvin was on his knees, crying.
"Kung bukal sa iyong kalooban ang paghingi ng tawad at buong puso mo itong inaalay sa Kanya, mapapatawad ka Niya," sagot ng pari at binigay dito ang isang bibliya. "Tanggapin mo ang Diyos Anak bilang iyong tagapagligtas."
Tumango si Calvin at nakapikit na tumingala. "Patawarin Niyo po ako sa lahat ng aking nagawang kasalanan. Tinatanggap po kita Hesus bilang aking tagapagligtas."
Namangha si Baro nang makita niya na unti-unting naglalaho ang mga anino sa paligid ni Calvin. "Wow. Anong nangyayari? Bakit nawawala ang death's curse sa kanya?"
"Redemption and Salvation," was the only word Baro got from the Grim Reaper.
"Forgiven na agad sya?" gulat na tanong ni Baro saka tumawa. "Niloloko mo ata ako e. Nakapatay sya at ngayon hindi sya sa impyerno mapupunta kundi sa langit?"
Umiling si Death. "Purgatory. First step pa lang ang paghingi ng kapatawaran. Kung totoong sincere sya, forgiveness will be granted. Sa ganung paraan, makakaakyat sya sa taas."
"Oh, purgatoryo muna pala?"
Tumango si Death. "Tama."
Napakamot si Baro nang maalala nya si Josie. "Paano si Josie? Hindi naman sya nagsisi bago sya mamatay, bakit sa purgatoryo sya napunta at hindi diretso sa impyerno?"
"Hindi naman sya nakapatay."
Umiiyak pa rin si Calvin sa sobrang kasiyahan. Naramdaman ni Baro ang paggaan ng pakiramdam nito.
Maya-maya, lumapit dito ang mga prison guards upang kunin ito. "Handa ka na ba, Roxas?"
Tumango si Calvin. "Handa ako," sabi lang nito at hinalikan ang hawak na bibliya. Nagpasalamat ito sa pari bago lumabas ng selda. Habang naglalakad sa pasilyo ng buong lugar ay patuloy na umiiyak lamang si Calvin habang magkadikit ang mga palad.
Nang makarating sila sa isang kwarto sa dulo ng pasilyo, nalaman ni Baro na lethal injection pala ang ikakamatay nito. Something that he doesn't want to watch. Naiwang nakatayo si Baro sa labas ng kwarto habang pumasok sa loob si Death. Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ni Baro ang kakaibang presensya bagay na nagbigay sa kanya ng sensyales na patay na si Calvin. Tuluyang pumasok si Baro sa loob ng kwarto, nasa likod ni Calvin si Death.
"Nandito ka ba para dalhin ako sa impyerno?" agad na tanong ni Calvin.
"Handa ka bang mapunta dun?"
Tumango si Calvin. "Gumawa ako ng mga bagay na makakapagpalayo sa'kin papunta sa langit, pre. Alam kong doon ako pupunta."
Napakunot ang noo ni Baro. "Ganun lang ba talaga kadali yun para sa'yo? Hindi mo alam kung gano kahirap ang mararanasan mo sa impyerno?"
BINABASA MO ANG
The Apprentice's Scythe
FantasyHindi alam ni Baro ang mga nangyari bago sya magising katabi ng walang-buhay nyang katawan. Nagulat na lang sya na kasama na nya ang Grim Reaper, na kilala bilang si Death, at kailangan nya itong tulungan sa pagpapatawid sa mga kaluluwa habang unti...