Chapter 10: His Girl's Revelation (3/3)

42 5 9
                                    



The Apprentice's Scythe

Chapter 10 (Part 3)

His Girl's Revelation


"Kailangan kong malaman kung sino. Wala na si Jason, Cassie! Patay na sya! Wala nang mas sasakit pa sa pagkawala nya."

Baro's words felt like lashings on her wounded heart. Napatingin si Cassie kay Death na tahimik lang na nakatayo sa tabi ni Baro. Hindi na sya nagtaka pa kung bakit laging nasa tabi ito ng kanyang asawa dahil lagi namang malapit sa mga tao ang isang Anghel ng Kamatayan. Naghihintay na mamatay ang mga ito upang makuha ang kaluluwa at itapon sa kung saan nararapat ang mga ito.

It's very fearful to recall what had happened to them, to her small family. She missed Baro. She missed Jason. She should have made sure he was fastened, and she should have paid better attention to the road. It was too late after all.

"Cassie." Naputol ang kung anumang iniisip ni Cassie nang tawagin ni Baro ang pangalan nya. "Sabihin mo sa'kin kung paano ako namatay."

"Mas mabuti siguro kung ipakita ko na lang sa'yo," tanging sagot ni Cassie. Tumingin sya kay Death na kasalukuyang nakatingin din sa kanya at tumango. Dahan-dahan nyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Nagsimulang makita ni Baro ang lugar kung paano at saan nangyari ang lahat. Sa isang domino car crash. Nakatayo si Cassie sa tabi ng kanyang sira-sirang kotse. Katabi din nya si Jason na nakahawak pa sa kanyang kamay. Hindi pa napo-proseso ng kanyang isip ang lahat ng nangyari.

"Mommy, ano pong nangyari?"

"Hindi ako alam, anak," pagsisinungaling nya sa bata kahit kitang-kita nya ang katawan nilang dalawa sa loob ng kotse, duguan at walang malay. Umiling-iling sya. Iwinawakli sa kanyang sarili ang katotohanan. Nagpalinga-linga siya sa paligid, kung saan madami din ang nadamay sa bungguan, at kitang-kita nya ang ibang kaluluwa na nagpapagala-gala. Umiiyak, naguguluhan, natatakot. Napangiwi sya nang mapagtantong kasalanan niya ang lahat.

Nagsimulang dumami ang mga tao, gayundin sa kotseng kinaroroonan ng katawan nila. Palapit nang palapit ang tunog ng sirena ng ambulansya at sa gilid ng kanyang paningin at nakikita nya si Baro na aligagang bumaba ng sinakyan nitong truck at sumisigaw na halos mabaliw na sa nangyaring aksidente.

"Mommy, mommy, sino 'yun?"

Napatingin si Cassie kay Jason at sinundan ng tingin ang kung sinong tinuturo ng bata. Agad na napako sya sa kanyang kinatatayuan nang makita nya ang isang itim na pigura ng isang nilalang na kinukuha ang nakakalat na kaluluwa sa paligid, pinapalibutan ito ng itim na usok at may hawak na malaking karit. Tila hinampas sya ng katotohanan. Agad na lumabas ang luha sa kanyang mata.

"H..hindi. P..patay na ba talaga..." Hindi nya matapos ang kanyang sasabihin dahil sa labis na pagkagulat.

"May pulso pa ang babae!" sigaw ng isang paramedics habang kinakapa ang pulso ng walang malay nyang katawan sa loob ng nakabanggang kotse.

"'Yung bata! I-check mo 'yung bata!"

"Hindi ko sya maabot. Nasa ilalim sya ng upuan! Isa pa, mukang hindi na sya humihinga."

Agad na napalingon si Cassie kay Jason. At sa itim na pigura na ngayo'y nakatigil na sa ere at nakatingin sa kinaroroonan nila. Agad binalot ng takot si Cassie at hinawakan nang mahigpit ang bata. "H..Hindi!"

"Mommy, parang gusto nyang sundan ko sya. Nasan po ba si Papa?"

Otomatikong napatingin si Cassie kay Baro na ngayo'y pinipigilan ng mga pulis, nagpupumiglas ito at walang tigil ang pag-iyak at pagsigaw sa mga pangalan nila.

The Apprentice's ScytheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon